Chapter 36

254 16 1
                                    

Chapter 36
Aphrodite Wesley

AFTER THREE DAYS of Helleia's abduction. Sa wakas ay binigyan kami ni Red ng go signal. Nasa Madrid silang dalawa ni Mr. Morfell ngayon, bukas ay susunod sa kanila ang Aces at kami naman ang susugod sa De Viel University kasama ng mga mafia reapers ng Vandross.

Hindi ko akalaing maraming galamay ang lolo nina Red na syang may pakana ng lahat ng nangyayaring gulo.

Napakagat ako ng labi. Tunay ngang karapat-dapat si Red na tawaging Big Boss. Alam nya ang lahat ng nangyayari at sobrang talino nya. Sa tatlong araw na nakalipas ay nakaisip sya ng solusyon at nakapagplano sya nang hindi namin nalalaman. Isama pang may mga asset pala sya sa loob ng DVU.

“Aphrodite, h'wag ka nalang kayang sumama?” kunot-noong suhestiyon ni Wayne.

Tumigil ako sa pagloload ng magasin ng baril saka sya nilingon. “Parte ako ng grupo at ng organisasyon, Wayne.”

“Nando'n na ko pero baka mapahamak ka lang. Wala ka sa focus.”

Hindi na ako umimik. Alam kong nag-aalala sya. Sila nina kuya pero ayoko namang magmukmok lang sa bahay dahil mas lalo akong mababaliw sa lungkot.

“Aphro...” mababa ang boses na tawag sakin ni kuya.

Tiningala ko sya. Alam kong malungkot ang mga mata ko at hindi na ako nag-abalang itago ang sakit sa mga mata ko. “Kuya, gusto kong madistract. Hayaan nyo na 'ko please.”

Tinitigan nya ako. Sa huli ay tumango nalang sya.

Tipid akong tumango. “Salamat.” saka ako muling bumalik sa ginagawa ko.

Alam kong maaari ngang ikapahamak ko ang pagsabak sa laban ngayong distracted ako pero hindi ko naman hahayaan na mapahamak ako dahil gusto ko pang makita si Edrix. Gusto ko pa syang makasama. Gusto ko pang humingi ng tawad at sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Gusto kong sabihin sa kanya na nagtagumpay syang mapaibig ako.

Maya-maya ay dumating si Daemon Ace. Namulsa ito at nilingon si Dart, “This is war. This might be our last battle.”

Tumayo si kuya at tinapik ang balikat ni Daemon Ace. “Let's not die, Dae.”

Tumango si Daemon at nilapitan ako. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nya. Ang mga mata naman nya ay malamig at walang emosyon kung tumingin, tulad no'ng araw na nagkakilala kami. Walang nagbabago kay Daemon Ace. He's the same devil we met in the park.

“He's in Madrid.”  biglang sambit nito.

Umawang ang labi ko at mabilis na napatayo. “Ano? A-Anong sinabi mo?”

Kinuha nya ang stick ng sigarilyo na nakaipit sa puno ng tainga nya. Mahina nya itong pinatok sa kamao nya saka isinubo.

“Daemon Ace.” nauubusan ng pasensya na tawag ko. Gustong-gusto kong malaman kung nasaan si Edrix tapos sya lang pala ang nakakaalam? Sana ay sinabi manlang nya sakin kaagad.

Niningkit ang mga matang nag-angat sya ng tingin sakin. Nakayuko kasi sya dahil dinukot nya ang lighter nya sa bulsa nya.

He shook his head in disbelief.  “Inlove people are really crazy.”

Ikinuyom ko ang kamao ko. “Hindi ako nakikipagbiruan sayo, Daemon Ace.”

Umayos sya ng tayo saka bahagyang itinagilid ang ulo nya. “He's in Madrid. Finding his missing life.”

Napatulala ako. M-Madrid... M-Missing life?

B-Bakit? B-Babalik pa ba sya? B-Babalikan nya pa kaya a-ako?

Nilagpasan ako ni Daemon Ace. Naupo sya sa single couch sa gilid ko saka nagsindi ng sigarilyo bago muling nagsalita. “Big boss told me to let you know but he has a strict reminder and i qoute 'Don't follow him, he'll come back to get you'. Hmm! Yeah, that's what he said.”

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon