Chapter 16.3 - Anniv-SAD-sary

5.2K 189 61
                                    

"We were suppposed to have a happy celebration kasi 3rd anniversary natin Jaylog, but look at you, para kang namatayan sa itsura mo." puna ni Ken sa akin dahil sa lungkot na makikita sa aking mga mata gawa ng pagkatuklas ko sa tunay na kundisyon ng kalusugan niya.

"Shit Ken! Will you please stop mentioning the word "death"? Mamamatayan pa lang ako kung sakaling hindi ka lumaban sa kanser mo. Bwisit ka!" pasupladong sabi ko sa kanya.

Mula pa kaninang umaga na sunduin niya ako sa bahay hanggang sa makarating kami sa rest house nila sa Tagaytay upang iselebra ang aming 3rd anniversary bilang lovers/  partner ay wala talaga ako sa kundisyon. I couldnt force myself to be happy or elated kasi nga anniversary namin, knowing damn well that my boyfriend is actually dying! Ano yun deadma lang? Tangina! Hindi ko kayang magkunwari at ipinapakita ko iyon kay Ken na sadyang napakagaling itago ang kanyang nararamdaman para magkunwaring masaya, cool, na akala mo'y  walang taning ang buhay.

"Hey, akala ko ba napag-usapan na natin yan kagabi Jay?" susog niyang pilit pinapaalala sa akin ang napag usapan namin kagabi base sa aking natuklasan.

"Ken, you cant just tell me to be okey and ignore everything. My mind is preoccupied with so many questions. Ang daming gumugulo sa isip ko Kentot and I want these things to be cleared out in my mind."

"Until now Ken hindi matanggap ng isip ko pati ng puso ko na may brain cancer ka! Eto ako telling myself na prank lang ang lahat at naghihintay akong sabihin mo sa akin na na-WOW MALI! mo ako. Pero the other part of me is scared Kentot ko. Hindi ko alam gagawin ko pag nawala ka sa buhay ko. Sobra kitang mahal na mahal Ken and it will be so painful and very hard for me to accept that one day you will leave me and never to come back again. Gulung-gulo ang isip ko Ken. So please dont spare me the truth."

Iyan ang mahaba kong litanya kay Ken letting out everything in my heart habang nagsisimula muling umagos sa aking mga mata ang aking mga luha while I looked at Ken with so much sadness and fear in my face.

"Come here baby ko, dito ka sa tabi ko please Jaylog ko." ang tanging tugon ni Ken sa aking nasabi while he stretched his hand and arm out para mahawakan ko at maigiya niya akong mapaupo sa tabi niya.

We were at the terrace na nasa ikalawang palapag ng kanilang resthouse kung saan makikita ang napakagandang tanawin ng siyudad ng  Tagaytay from a high altitude view. It was a very romantic scenery indeed for two very much inloved individuals to share their common affections for each other by communing with the beauty of nature with the serenity and calmness it will bring to them.

Pero sa kalagayan namin ni Ken ngayon, hindi ko man lang maappreciate ang gandang ibinibigay nito sa aking mga mata dahil my mind was preoccupied by the true health condition of Ken and what will it bring to our relationship.

Mataman ko tiningnan ang kanyang kamay na nakalahad para aking abutin bago ko ibinaling ang aking paningin sa kanyang mga mata na kababanaagan mo ng sobrang kalungkutan bagamat may mga ngiti sa kanyang mga labi. Pero ang kanyang pagngiti ay hindi man lang umabot sa kanyang mga mata.

Sa mga singkit na mata ng pinakamamahal kong si Ken nakikita ko ang laksang pagsusumamo na siya ay aking pagbigyan na makatabi sa upuang mahaba. Ang kanyang mga mata na binansagang "Killer Eyes" dahil sa lagkit at mapang akit nyang tumitig na mabilis magpatunaw sa puso ng sinumang matitigan ng kanyang mga mata..ang siya ngayong tumititig sa akin na punumpuno ng kalungkutan na tumatagos sa aking puso upang tunawin nito ang aking pagmamatigas na siya'y aking pagbigyan.

Nanginginig ang aking kamay na inabot ang kamay niyang naghihintay sa ere. And the moment I touched his palm by my palm, he immediately entertwined it with his fingers, so tight that he wanted to tell me that we're still one in love no matter what happen.

PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon