Chapter 5 - The Condo

8.5K 199 25
                                    

"This is it! Welcome to our new home!" Marc said with astonishment as he swung the door and entered to our newly rented condo. Hindi pa nakontento at nilahad pa ang  dalawang kamay at tumingala na parang yung sa oblation sa UP sabay lumuhod at humalik sa sahig. Pagbati raw nya yun pagbago o unang dating nya sa lugar. O di ba mukhang nakasinghot lang ng katol etong kumag na ito? Nakutusan tuloy siya ni Ken sa katarantaduhan nya. He he he...

Finally natupad yung plan namin na magrent ng place malapit sa university para pansamantala naming tirahan apat habang nag-aaral. We were able to get the approvals of our parents staking the trust they have for us of not be doing some hanky panky stuffs and will be good at our studies. What's even more exciting is when Ken's parent shouldered to pay in advance the one-year rental of our condo. Pampabwenas daw sa amin nina Tito Aris at Tita Lian, parent ni Ken, kaya naman nakasave kami ng malaki.

It's a good thing we inquired at the building administrator of our condo right then and luckily a two-bedroom semi-furnished unit is for rent upon our inquiries. After talking to the owner and checking the unit, ayun kinausap agad namin parents naming apat para magpaalam. And the following day binayaran nga ng parents ni Ken yung one year rental na kinatuwa ng owner ng unit kaya pinagbigayan nya kami sa request namin na palitan yung mga double decks bed into single type bed. Kaya we decided to transfer ng weekends para maayos namin yung unit namin at makabili ng mga kailangan pa naming gamit para sa bago naming tirahan.

"Tara na, umpisahan natin iayos mga gamit natin  at sa labas na lang tayo mag lunch para derecho na tayo mag-grocery ng supplies natin at mamili ng iba pang gamit lalo na sa kitchen." sabi ko ng makapasok kami sa unit namin at mabistahan uli ang kabuuan nito.

Swerte na rin kasi yung two bedrooms ay sariling toilet and bath at aircon unit each. Iba pa yung CR na nasa kitchen na katabi ng wash area. Medyo  spacious ang aming receiving area where a black leatherette sofa is placed along with a 32'-flat TV na may maliit ngunit cozy terrace na hinaharangan ng isang all glass panel door. Pero mas gusto ko ang kitchen namin kasi may built-in smoke inhilator yung aming lutuan para hindi mangamoy sa buong bahay yung pagluluto plus a built-in ref . A counter top serves as the division line between the kitchen and our four-seater table in the dining area.

"Let's go to our room Jay, share na lang tayo sa cabinet for our clothes."  hatak sa akin ni Ken sa isa kong kamay papunta sa room naming dalawa bitbit ang bag namin sa isa nyang kamay.

"Hoy kayong dalawa dyan mag-ayos na rin kayo ng gamit nyo para after that we can leave early" habol na sabi nya kina Enzo at Marc na nakaupo pa rin sa sofa, na muling sinilip ang ulo bago sinara ang pinto.

"Hmmm...ayos naman pala yung pinalit na single bed in Mr. Galvez Jay eh. Malambot na rin yun matress." komento ni Ken matapos maisara ang  pinto ay dumerecho hilata sa kama nya habang ako ay binuksan ang aming built-in cabinet para itsek yun.

"Buti nga pinagbigyan nya tayo na palitan yung double deck na nakalagay dito. At least para pa rin tayo nasa sariling bedroom natin at hindi dorm. Class pa rin. He he he" sabi ko naman refering to the kindness of our landlord na si Mr. Galvez.

"Yeah right." sang-ayon ni Ken.

"Kumilos ka na kaya para matapos na tayo" sabi ko

"You take the upper shelves dito naman ako sa lower. Then share na lang tayo sa hanger deck" suggestion ko Kay Ken na tumayo na ng kama at lumapit sa akin bitbit ang dalawang malaking bags namin. At inumpisahang i-unload ang laman ng bag niya.

"Okey sir sabi mo eh." pabiro niyang sagot na kinangiti ko. " Oh we don't have hangers. We need to buy those later" bigla pa nya sabi ng maalalang wala kami dala hangers.

"Remind me of that later" sagot ko na lang.

And we start putting our clothes sa dresser. Dun ko nakita how organize Ken pagdating sa mga damit nya. Sa mga gamit nya no question about that kasi I have seen how clean and neat his room sa house nila at kung gaano kaarranged ang mga gamit niya dun pag nagstay kami sa kanila. But never thought na ganito siya kaayos pagdating sa damit kasi never ko pa nakita loob ng dresser nya. Well, sama-sama lang naman ang mga pare-parehong kulay na damit sa isang hilera at ganun din sa iba pa niyang style ng damit. Nakakahiya tuloy kasi ako, although maayos din naman ako sa damitan ko but not like him. He he he

PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)Where stories live. Discover now