Chapter 6 - Getting Real Closer

8K 204 44
                                    

Naging maayos ang naging pagsasama naming apat sa condo. We faithfully follow the house rules that we set for each other. And this made us even more closer to the point na wala na kaming hiyaan sa isat isa. Paano ba naman mga walang pakundangan maglakad sa loob ng unit kahit naka underwears lang o boxer brief. Madalas nga si Marc hubot hubad pa lalo pag dun sya sa CR sa kitchen naliligo, tatakbo siya talaga ng hubo papunta sa room nila ni Enzo. Para lang talaga sya bata na walang pakielam, na ayos lang din naman sa amin. Minsan naiinsecure nga ako sa tatlo lalo pag nakatopless sila..nagmumura lang naman kasi sa harap ko ang magagandang hubog ng mga muscles nila sa katawan. Samantalang ako may baby fats pa, hahaha, buti na lang cute ako may panghatak pa rin sa girls...nyahahahaha!

Sa house chores, we made it a point na tulung-tulong kami, yun lang I need to teach them the proper ways, like ng paguhugas ng pinggan, paglilinis, pati paglalaba ng under wears namin (yung ibang damit namin syempre pinapalaundry na namin) and other stuffs. Kasi nga mga rich boys sila at nasanay sa tulong ng mga kasambahay nila sa bahay kaya expected ko na wala talaga sila alam sa gawaing-bahay, unlike me na tinuruan ng parents ko. What's good with these three gentlemen is that they're pushing theirselves to learn and do things properly kahit minsan mahirap sa kanila at nagmumukha silang katawa-tawa sa kawalan ng alam. Pero kahit mukhang mga engot ang tatlong yan sa pinapagawa ko, amputeks, mga gwapo pa rin tignan! Hahaha...pampalubag-loob ko sa kanila yun mga  pards, para sumunod sa akin.

Epic talaga when I taught them how to cook. Syempre basic lang muna, yung pagsasaing na mas marami pa ang nasayang kesa sa nakain namin ng matino bago nila naperfect kahit may rice cooker na, at prito prito lang. Amputeks ang dami ko tawa sa tatlo sa pagpiprito lang ng itlog. Si Ken sa sobra taranta pati balat ng itlog sinama pinirito! Marc was so scared na nagsisigaw nang matalsikan ng mantika sa kamay,ayun nabitawan nya bigla ang siansye sa frying pan kaya ang ending sa sahig namin dinampot ang itlog dahil nalaglag sa kalan ang frying pan.  Akala ko Enzo will do it right kaso palpak din kasi sa sobra lakas ng apoy nya  nagliyab ang ibabaw ng frying pan. Dahil nagulat siya ayun naihagis ang  kawali sa lababo! Grabe! It was a disaster indeed! Ilang araw o linggo ata kami kumain ng puro sunog na pagkain during breakfast. Pero sabi ko nga matiyaga naman sila matuto, eventually they learned the proper way of frying kaya nagkaroon na rin kami ng maayos na breakfast. Main dishes? Oh darn! I'd rather not tell you how epic fail those three learning really to cook the main dishes. Puteks baka mamatay kayo sa kakatawa sa kapalpakang ginawa nila sa pagluluto ng ulam kapag kinuwento ko, na kahit yung pusang gala sa ibaba ng condo namin ay hindi maatim na kainin ang mga sinubukang lutuin nilang tatlo.

At dahil malayo kami sa mga mata ng aming mga magulang, malaya kami nakakagimik sa gabi, barhopping at ang  favorite namin girl hopping! At dahil si Enzo ang unang nagkakotse sa aming apat, madalas nagiging instant "motel" yung car nya  para sa aming mga quickies with girls na pag napagtripan namin may libreng boso pa. Kasi nga NO SEX ALLOWED sa condo namin. As usual top on the list sina Ken at Marc pagdating sa kamanyakan..hehehe...kami ni Enzo mga simpleng manyakis lang. But we always on safe sex mode, syempre, mahirap na baka makoryente eh. Kilala na nga kami ng mga crews sa isang 24-hour convinient store malapit sa school kasi suki nila kami sa pagbili ng condoms. Pag pumasok kami dun expected na may condoms din kami binili. Hahaha!

Pero kahit ganun, hindi pa rin namin pinapabayaan studies namin dahil  yan ang promise namin sa parents namin, lalo na ako na kailangan imaintain ang full scholarship ko at pagiging dean's lister kundi balik bahay ako. At yung tatlo sa kanilang pagiging varsity players at pep squad member.

We also availed and used the amenities ng aming condo. At isa na rito ang gym facilities na open sa mga tenants ng condo and that's where I started to work out and develop my body, having my three gym buff friends as my trainers. Isa sa bonding session namin ang pagpunta sa gym ng condo para mag work outs ng sabay-sabay. Aside from gym work outs, we go swimming once in while na nasa roof top naman ng condo. Minsan andun kami sa open veranda ng condo nakatambay habang nagkakape. Hindi uso sa aming apat ang Starbucks or any imported coffee or blends...dahil isang uri ng kape lang ang favorite namin... KOPIKO BLACK 3-IN-1 COFFEE! Huwag na kayo magtaka kung bakit, kahit kami hindi rin namin alam. Basta nung pinatikim kami ng Kopiko  as free taste sa isang grocery store nung minsan namili kami, ayun nagustuhan namin since then yan lang ang brand namin at nagbabaon kami nyan sa school.

PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)Where stories live. Discover now