Chapter 17.2 - Ang Pag-amin

5.4K 164 74
                                    

Hindi naging sagabal ang pagkakaroon ni Ken ng kanser upang magkaroon ng espesyal na pagtrato ang pamilya ko sa kanya simula ng malaman ng iba ko pang kapatid ang tunay na kalagayan niya.

Dahil na rin sa utos ni Mom para nang sa gayon ay hindi magkaroon ng negative thoughts si Ken na naaawa sa kanya ang mga kapatid ko. Walang naging pagbabago sa pakikitungo nila sa kanya. We still do play basketball with my younger siblings, naglalaro pa rin sila ni kuya ng chess, nakikipagharutan at nakikipaghabulan pa rin siya sa mga pamangkin ko. Ang tanging nagbago lang ay ang eating habit niya dahil Mom make sure that Ken will eat a lot.  Mom always prepare healthy food for Ken lalo at napupuna namin ang unti-unti niyang pagpayat.

And most of the time ay sa bahay na siya naglalagi lalo at nasabi na rin naman niya sa pamilya niya na alam na namin ang tungkol sa sakit niya. Kaya naman ang laking pasasalamat ni Tita Lian kay Mom for the help and the support she is giving to Ken.

I remember one time na hinatid nila si Ken sa bahay at nagka-usap sila ni Mom, I saw how Tita Lian cried as well as Mom habang magkausap sila regarding Ken. And I guess, that made our two moms to really get closer with one another.

Isa na lang ang hindi masabi ni Ken sa pamilya niya at ito ay ang tungkol sa aming relasyon. And I fully understand naman the situation lalo at may kinakaharap na krisis ang pamilya. Mas mahirap kung dadagdagan pa namin ang kanilang isipin.

Nakuntento na ako kung ano lang muna ang mayroon kami ni Ken. Mahalaga tinanggap kami ng pamilya ko, ayos na muna kami doon dahil kahit papaano may masasandalan kami ni Ken. And what's good with my Mom, hinahayaan niya kami magdecide for our relationship. Bagamat, she has all the authority to tell Tita Lian about our relationship, binigyan niya si Ken ng pagkakataon to do it for himself , I mean admitting to his family our relationship. And Mom fully understood why Ken has to set aside that matter for the meantime.

Sabi ko nga, nung mahalin ko si Ken natuto akong makuntento sa kung ano lang ang kaya niyang ibigay. Let's admit mga parekoy, sometimes we tend to demand things from our partners. Masyado tayong naghahanap sa mga karelasyon natin ng mga bagay na nais nating ibigay sa atin. We expect from our partners na pantayan kung hindi man ay higitan ang mga bagay, tulad ng affections, time, at attentions na binibigay natin sa kanila. Kaya naman pag hindi niya nameet yung mga expectations natin from our partners ,doon na nagsisimulang umusbong ang hindi pagkakaunawaan.

And that Ken made me to realize, to always be contented with the things we both have, as long as maligaya kami pareho at hindi naaapektuhan ang pagmamahal at respeto namin sa isat isa , tama na muna iyon sa ngayon. Pasasaan ba at kung anuman ang ninanais ko ay mangyayari rin in due time basta manahan at manalig lang ako sa pagmamahalan naming dalawa ni Kentot ko.

*********************

"Mga anak, tama na yang basketball. Masyado ninyo ng pinagod si Ken. Pagpahingahin ninyo na yan." sigaw ni Mom mula sa terrace ng aming bahay sa amin nina Ken at ng dalawa ko pang nakakabatang kapatid na enjoy sa paglalaro ng basketball.

"Okey lang ako Mommy Elvie, kaya ko pa naman" ganting sigaw  ni Ken kay Mom

"See Mom, kaya pa ni Kuya Ken. Laro pa" susog naman ng bunso ko kapatid sa sinabi ni Ken

" Sige kayo, pag si Ken hindi nakaiskor kay Kuya Arjay ninyo dahil pinagod ninyo kakalaro may kutos kayo dyan" pambubuska ni Mom sa akin na kinalaki ng mata ko

""MOM!" sigaw ko sa kanya feeling so gross sa binibitawan niyang mga salita sa harap ng mga kapatid ko.

"Hahaha! What's wrong with that Arjay? Normal lang naman yun ah. Ano kinakahiya mo sa mga kapatid mo, aber?" pambabara sa akin ni Mom na kinatawa ng malakas ng dalawa kong kapatid kaya naman pinandilatan ko sila ng mata,habang si Ken naman ay nangingiti lang sa sinabi ni Mom.

PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)Where stories live. Discover now