Chapter 6

13.5K 596 304
                                    

Chapter 6 #jttwbs

Mag-isa akong bumalik sa room dahil natawag si Fern nang dumaan kami sa faculty room. Nautusan siyang kunin sa canteen ang tanghalian na ni-reserve ng dalawang guro.

Kung minamalas nga naman. I understand why the faculty room is one of the most avoided areas of the school for students.

"Uy! Sa wakas!" Napapalakpak si Camara nang ipatong ko sa desk niya ang mga libro ko. "May canvas na ang doodles mo, Eri!" sabay bunghalit ng tawa.

Nangingiti akong napanguso.

Nakitawa rin si Jiro na nasa katabi niyang armchair. Jiro's body was facing her, his arm was on her backrest and the other was on her desk. Pinakamadikit na yata ang lalaking ito sa mga naging manliligaw ni Camara.

"Mamaya na ba kayo kakain?"

Camara held Jiro's wrist to check the time from his watch. "Oh. Bakit? Gutom ka na ba?" Inangat niya ang tingin sa akin. "Mga 11:30 na lang tayo, okay lang?"

"Okay. Tawagin n'yo na lang ako."

Nakalabas ang ngipin na ngumiti si Camara at nagpakita ng dalawang thumbs up. Tumango ako at binuhat na muli ang aking mga libro. I left the lovebirds and went to my seat at the back.

Napahinto nga lang ako. Nasa upuan ko kasi si Marion at maganang kumakain mula sa baunang tupperware katabi sina Caelan at Keno na nagdadaldalan. The smell of his viand wafted together with the food of others who decided to eat inside the classroom.

Caelan noticed me and elbowed Marion but he just irritably elbowed him back. Mukhang akala ay nang-iistorbo lang ang kaibigan. Caelan elbowed him again and whispered something. Malamang na tungkol sa akin.

"Papayat ka na kasi, Marion!" natatawang kantiyaw ni Luis nang nahirapang tumayo si Marion matapos akong mamataan.

My eyes widened at how he had a hard time leaving my seat. Para sa kaniya ay talaga ngang masikip ang masyadong magkakadikit na upuan. Si Caelan naman kasi! At si Luis!

"Shut up, Tribales!" sikmat ni Marion kay Luis na tumatawa lang na umalis upang daluhan ang sariling mga kaibigan.

"H'wag ka nang umalis. It's okay."

Nagtatanong ang mga mata ni Marion nang angatan ako ng tingin. Nilapag ko naman sa desk ni Luis ang mga libro ko at umupo roon dahil umalis naman ang lalaki.

"Kain ka lang diyan. Puwede ako rito." Saka aalis na rin naman kami nina Camara upang kumain sa canteen.

His chewing slowed as he contemplated about it. Sa huli ay tumango na lang siya at humukay ng maraming kanin saka ulam. I swallowed. Amoy na amoy ko talaga iyong menudo na biglang nagpakulo sa tiyan ko.

"Hoy! Pahingi ng luto ni Tita Marie!" Napalundag pa ang mga balikat ko sa sumabog na boses ni Fern mula sa pinto.

I could say that Marion, Caelan, and Keno were all shocked, too. Hinampas pa pati ni Fern ang pinto na dagdag sa gulat namin.

Fern walked towards his friends, ignoring protests from others who he shocked too. Nang makalapit, kinuha niya agad ang tupperware na inabot ni Marion. Nanatili siyang nakatayo habang kumukutsara.

"Tang 'nang 'to. Nanggugulat," I heard Keno mumble. "Saan ka ba galing? Ba't tagal mo? Gutom na 'ko. Tara na."

"Inutusan ako," sagot ni Fern, hindi man lang nilingon si Keno at sumubo na mula sa pagkain ni Marion.

Magkadikit ang mga labi nang ngumiti siya kay Marion dahil may laman na ang bibig. His glimmering eyes turned slits. Ninamnam niya talaga ang nginuya bago ito nagawang lunukin.

Just the TicketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon