Chapter 10

12.4K 633 390
                                    

Chapter 10 #jttwbs

Fern Velicaria sent you a friend request.

Iba-ibang tanawin ang nakita ko habang nasa biyahe kaso iyong hindi ko inasahang notification ang naghari sa isipan ko. Natapilok nga iyong isang kano kaso wala akong naging reaksiyon kahit katawa-tawa ito. He tried to save his dignity with an awkward dance move right after tripping. Kahit nga siya ay mag-isang natawa sa sarili.

Ganoon kalalim ang pag-iisip ko. Aside from the fact that the residents here are already used to encountering foreigners, that notification was more interesting to dwell on. Pinag-isipan ko kung i-a-accept o iignorahin ko na lamang ito.

"Dito ka na, Erisette, 'di ba?" Daddy stole my attention from the driver seat on my left.

Umahon ako sa pagkakasandal at sumilip sa labas. I unbuckled my seatbelts after having to confirm myself that the area was correct.

"Nasaan ang mga kaklaseng sinasabi mo?" Daddy asked as he scanned around.

"Ah, this just served as a landmark, 'Dy. Ite-text ko lang sila. Malapit naman daw po rito. I can manage na po from here." I... guess.

"Hindi ba kayo groupmates ni Ashtine?"

"Hindi po."

He nodded. "Okay, then. I can't pick you up later. Mag-commute ka na lang pauwi."

Pinanood ko ang paglayo ng sasakyan ni Daddy sa akin. I only stepped aside on the tight road when my view of him already shrank.

It was just 3 in the afternoon. Dadalo kasi si Daddy sa birthday ng kakilala niya sa kabilang barangay. Pero anong oras ba 'yon matatapos at alam niyang hindi na niya ako madadaanan?

Nilingon ko na lang ang kapaligiran ng national school. I tried searching for the familiar faces to no avail. I only opened my cellphone when I was beginning to feel hopeless.

Nagbigay na pala ng directions si Caelan at ang iba ay nasa kanila na. It was quite easy to locate their house because it was actually near the school we set as the landmark. Nasa may tapat na kalye lang at kayang lakarin.

"Ahhh! Magnanakaw!"

Kasabay ng pagbukas ni Caelan sa gate ay ang matinding paglundag ng mga balikat ko dahil sa palahaw mula sa loob. Pero nahimasmasan agad ako. Nagtaka kasi ako dahil nanlaki rin ang mga mata ni Caelan at halos saraduhan ulit ako ng gate.

"Nag... Nagpa-practice na sila," he explained to beat my puzzlement. "Sorry. Ginulat mo rin ako. Para mo 'kong susugurin, eh." He laughed shyly, scratching the back of his head.

"Ah..." naiilang kong sagot.

Nanatiling nakatitig sa akin si Caelan, mukhang nag-aabang na pahabain ko ang usapan. Eh, ang kaso forte ko ang tapusin agad ang usapan.

"Uy, Veraño! Dito!"

Nagmadali akong lumapit. I don't want to be labeled as a useless groupmate, so I hastily asked what I should do while observing the whole front yard. May nakalatag na nakatuping box upang sapin naming tagagawa ng props. Sa kabila silang mga may ginaganapan sa dula.

I'm wearing our P.E. pants as my bottom. Inirolyo ko hanggang tuhod bago ako umupo at nagsimulang tumulong na gumupit.

"Ehem. Meryenda. Ehem."

Napahagod ng buhok si Caelan at natatawang pinilig ang ulo sa mga pasaring ng iba maya-maya lang. He wasn't the one currently on the scene so he pulled himself up and everyone rejoiced at full volume. Napatigil din tuloy iyong mga nasa kasalukuyang eksena.

"Maghintay kayo! Nagpabili na 'ko!"

"'Yon! Ayos!"

"Hindi talaga kami nagkamali ng piniling lugar ng practice!"

Just the TicketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon