Chapter 28

10.4K 585 447
                                    

Chapter 28 #jttwbs

"Mamala, what happened?"

"Erisette..." Napahikbi siya tila hindi nakapagpigil. "K-Kaya mo na bang mag-isa, anak?"

"P-Po? Mag-isa?"

Humikbi lang ulit siya at binura ang pagitan naming dalawa. I had zero idea on what her tears were for but the corners of my eyes warmed.

"'Di bale at malaki ka naman na," konsuwelo ni Mamala at hinigpitan ang yakap sa akin. "Marunong ka naman na, 'di ba? Magluto... kahit papa'no? Kapag may masasakit na sinasabi ang Mommy mo, ilabas mo sa kabilang tainga—"

"Mamala, what happened..." I cried, tears for something I didn't know yet had literally spilled out. "Please, tell me what's going on."

"Aalis na ang Mamala," she supplied, freezing my entirety. "Babalik na ako sa'min."

Sumabog ang hagulgol ko tila naging bata bigla nang agad na nakaintindi. Babalik na siya sa kanila... at hindi na siya babalik dito.

Mamala detached her hand from my back to dry my cheeks drenched with tears even if hers were just as wet.

"Shh. Anak naman. Nahihirapan din ako."

"Iiwan mo na rin ako..." saad ko sa nanginginig na boses. "Mamala, iiwan mo na rin ako, e... Pagod ka na rin..."

She shook her head to convince me otherwise.

"Nagpapakita na ng malalang panghihina sa katandaan ang nanay ko. Ako lang ang walang inaasikasong pamilya sa'ming magkakapatid, Erisette. Kailangan ko nang tutukan na alagaan ang nanay ko."

A louder sob broke free from my throat, knowing that I fully understood the reason and I was on the defeated side of the court. I couldn't be the villain in this mother-daughter tale.

Paulit-ulit lang akong tumango habang nalalasahan na ang sariling luha.

"Shh... Tahan na..."

Hindi na ako nakapagsalita at mahigpit na lang na niyakap ang nag-iisang tao sa bahay na nagparamdam sa akin ng pamilya.

"Sige na, at may iniwan pa akong ligpitin sa kusina."

Sumisinghot ako nang naghiwalay kami ni Mamala. Her forehead was wrinkled and eyebrows were adjoined in concern when she cupped my cheeks.

"Tahan na. H'wag nang umiyak, ha? Ang baby lang dati, iyaking damulag na! Naku!"

I forced the sides of my lips to sprout like a mountain on the surface of the sea, misplaced on the visage of a dispirited. Mukha namang ginaanan si Mamala.

"Sige na, Mamala, balikan mo na ang ligpitin mo."

Nakita ko ang alinlangan sa mukha niya bago siya tuluyang umalis sa tapat ng kuwarto ko para bumalik sa baba.

I was about to close my door when I saw Mommy leaning sideways on their door frame, arms were crossed and unreadable orbs were fixed on me.

"Kailangan bang ikuha kita ng bagong makakasama rito? Do you still need a nanny at your age?"

Umiling lang ako at sinarado ang pinto, walang gana na kausapin ang nagluwal sa akin.

Mamala is irreplaceable, and I do not want to cause another expense. Pakiramdam ko, burden din sa kanila ang mga gastos na kailangan ko kaya hindi ako mahingi ng pera.

The Spain visit... I'm interested just as everyone who have a heart for tourism. Nakakahiya lang iasa kay Camara ang expenses. If only I wouldn't have to seek financial help for that.

Just the TicketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon