Chapter 34

10.8K 650 1.1K
                                    

Chapter 35 #jttwbs

"H-Hindi ko alam..."

He smiled, but unconvincingly because it was barely noticeable. Lalo at hindi rin nawala sa mga mata niya ang bakas ng lungkot.

"Pero wala na 'yon. Matagal naman na, e."

Para bang dumaplis lang talaga sa kanya ang alaala. Kasi nawala na rin ang lungkot na agaw-eksena lang kanina. His eyes went back to expressing normalcy and nothing else.

He was about to walk past me maybe to enter our suite but I anchored my hand to his elbow. Napahinto siya at napababa ng tingin sa kamay ko bago napatingin sa akin.

"I'm sorry," I said weakly.

His stare stretched as if he was trying to figure me out. Kunot-noo rin.

"There's nothing to forgive."

"There is," iginiit ko. I failed to be... both a girlfriend and a best friend to him.

He sighed softly. "Forgiven," aniya, kaso mukhang hindi pa rin naman kumbinsido na mayroon nga.

Unti-unting bumagsak ang tingin ko kasabay ng kamay ko kaya nakalaya na siya. Hindi rin naman siya nagtagal sa harapan ko at dumiretso na nga sa kuwarto namin.

Iniwan ko namang bukas ang sliding door kaya suwabe siyang nakalusot. Dahil hindi rin niya sinarado, narinig ko siyang binulabog ang dalawa sa loob.

"Ano na? 'Kala ko ba swimming pool tayo?"

"Grabe namang marino 'to! 'Di nagsasawa sa tubig!"

Narinig ko ang hagalpak ni Fern. "Sabi n'yo kasi kanina, e!"

"Oo na, oo na! Magpapalit lang kami!"

Ingrid's sudden appearance stopped me from eavesdropping. Sa akin din naman agad siya nakatingin. Galing siya sa kuwarto nilang dalawa ni Fern.

"Hi!" masigla niyang bati. "Si Fern?"

Ngumiti ako. "Nand'yan sa loob."

Sinuportahan din naman ng tinig ni Fern mula sa loob ang sinabi ko.

"Ah, thanks!"

Hindi na siya naghintay ng sagot ko.

"I'm done changing. Sa'n si Keno?" narinig kong tanong nito pagkapasok.

"CR. Nagpapalit," ang boses ni Caelan.

"Umupo ka muna rito," I heard Fern.

"Hey. Okay ba 'tong suot ko? Or the red two piece instead?"

"Okay naman 'yan. 'Di ba sabi mo sa beach na 'yung red?"

"Ah, right! Pool nga lang pala tayo—"

Hindi ko na sila narinig sa dami ng hinakbang ko. Itinuloy ko. Nilagpasan ko na rin ang mahabang pool kung saan sila paroroon. I'm sure either of Caelan or Keno will invite me to join them.

Parang ayoko muna.

Dire-diretso lang ako hanggang sa tanaw ko na rin ang dagat. May tables and seats doon malapit sa mukhang mini bar. Umupo ako sa bakanteng isa kahit wala namang order na kahit ano.

Apparently, I didn't order anything but as soon as I settled on the seat, distressing thoughts were served on my table.

Hindi raw siya nakikipaghiwalay no'n. Regrets swallowed me alive. Kaso hindi ko rin naman masisi ang sarili sa naging reaksyon ko noong araw na 'yon.

Pero... umaasa siya na ibsan ko ang sakit tapos iniwan ko lang siya noon. Mukha ngang hindi pa siya tapos sa mga sasabihin, umalis na ako!

Tapos ay umalis talaga ako nang tuluyan. Ilang taon bago nakabalik.

Just the TicketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon