Kalandian 3

569 53 16
                                    

Medyo matagal din ako na nanatili sa principal office. Pinatawag pa sila Mama. Kaya ayon pinagalitan ako ni Mama. Ako daw maghuhugas ng mga pinggan mamaya bilang parusa. Pero sanay naman na ako no. Dahil ako naman talaga naghuhugas ng pinggan parati.

"Sus, si mama pauso. Ako naman naghuhugas parati ng pinggan eh."

"Hindi mo ko madadala sa biro mong yan Chummy Anne!" di na ako humirit pa dahil kapag binanggit na ni mama ang full name ko ibig sabihin marunong siyang magsalita.

Pagkatapos ng sin. seen. SCENE! na yon ay pumunta na akong canteen. Nanghingi pa ako ng bente kay mama para sa kargdagang baon. Sinabi ko na lang sa kaniya na nawala ang baon ko. Naniwala naman siya.

Hinanap agad ng malandi kong mga mata si crush.

Spotlight. Spotify. Spotting. Spotter. Spotted?

Rule #5: Parating kumain ng kalabasa upang madaling makita si crush.

Tumakbo na ako papalapit sa kaniya. Pero sa kasamaang palad. Nadapa ako. Dahil siguro sa cellphone 'to kaya ako lampa.

"Crush pwede be ekeng meke epe dete se tebe me?" medyo pabebe kong sabi.

Rule #6: Medyo pabebe ka lang dapat kay crush para di ka masuntok.

"Ano daw pre? Nakagat niya ata dila niya eh." rinig kong sabi ng kaibigan niya. Hmp! Epal nito.

"Ano ba Chuchu!? Umalis ka nga diti. Nakakawala ka ng gana eh." pagsusungit niya pa sa akin.

Dahil masunurin ako hindi ako umalis sa harapan niya.

Rule #7: Hindi lahat ng sinasabi ng crush mo sundin mo lalo na kapag magkakalayo kayo.

Kita ko naman ang iritasyon sa mga mata niya.

"Bili lang ako crush ng food ko." paalam ko sa kaniya.

Bumili na ako ng makakain ko at excited na bumalik sa pwesto namin ng crush ko pero nanlumo ako dahil wala na sila don.

Mag-isa na lang akong kumain ng snacks ko don.

Nag-post pa ako ng:

Iniwan niya ako sa pwesto namin.
#sadgirl

Oh? Inggit kayo na pwede kaming mag cellphone no.

Pagkatapos kong mag snack hinanap ko na agad si crush.

Rule #8: Kung nasaan si crush nandoon ka rin dapat para di siya lapitan ng iba.

Pagpasok ko sa classroom parang dinurog ang puso ko dahil nakikipag-tawanan si crush sa babae naming classmate.

Hindi na ako nagpa ligoy ligoy pa  sinugod ko na agad ang babae at sinabunotan.

"Chuchu! Ano ba tama na!" natigil ako sa pagsabunot ko sa babae dahil sa sigaw ni crush. Tinignan ko siya at umiigting ang panga niya. Agresibo din niyang nilulunok ang laway niya.

"Hala... Baka maubusan ka ng laway.." nag-aalala kong sabi.

"Chuchu tigilan mo na nga ako at yang kahibangan mo. Grade seven pa lang tayo. Crush crush na ang alam mo eh hindi ka nga nag-aaral ng mabuti paano ako magkakagusto niyan sa'yo??!!!"  pagkatapos niya 'yong sabihin ay lumabas siya ng classroom kahit oras na ng klase.

"BAWAL LUMABAS!" sigaw ko sa kaniya.

"OH?" galit na ani niya.

"BAWAL LUMABAS!" ulit ko pa pero lumabas pa rin siya. Kaya wala na akong ginawa kundi sundan siya sa labas.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mag co-comply siguro sila kaya lumabas.

Rules paano ma-crushbackWhere stories live. Discover now