Kalandian 4

531 48 5
                                    

Sinundan ko siya sa labas. Pero di ko na siya naabutan. Para siyang si flush. Flashing? Clash. Ewan. Basta ang bilis niyang naglakad palayo sa akin.

Pero dapat habulin ko pa rin kahit pagod na ako.

Rule #9: Huwag mo hahayaang makalayo sa'yo si crush.

Hinanap ko siya sa buong paligid.

Tagaktak na rin ang pawis ko sa kilikili. Kaya basa na ang uniform ko.

Hanggang sa nakita ko siya sa harap ng guidance office.

"Baby anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya nang makalapit ako sa kaniya. Tinignan niya naman ako ng may kunwaring iritasyon. If I knowledge. understand. comprehend. knowing? Hmp! Alam ko naman na gusto niya akong narito ako sa tabi niya no.

"Buti naman sumunod ka. Hindi na ako mahihirapan na ipa-tawag ka sa classroom dahil—" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Dahil na mimiss mo na ako kaya mo ako gusto na sundan ka. At ayaw mo na ipa-tawag ako dahil mahihirapan ang kalooban mo na tawagin ako ng iba?" proud ko pang sabi. "Nandito na ako mahal ko kaya—"

"Dahil ipa-pa-guidance kita. Tanga!"

Nanlaki naman ang mga mata at butas ng ilong ko. Dahil lumaki ang butas ng ilong ko nasinghot ko yong baho ng kilikili ko.

"Bakit? Wala naman akong ginagawang masama ah. Ang ginagawa ko lang naman ay maghabol sa taong di ako gusto. Masama ba yon?" madrama ko pang sabi.

"Tanga! Sinabunotan mo kaya si Tricia! Lintek ka crush ko yon si tricia bakit mo sinaktan? Kaltukan kita diyan eh!" nadurog naman ang puso ko sa sinabi niya. Si Tricia pala ang crush niya kaya di niya ako ni crushback.

Tinalikuran ko naman siya kasi parang di ko na mapigilan ang luha ko.

Bumalik ako sa classroom at nagsulat ako sa notebook ko.

Dear Jon,

Sinaktan mo ang puso ko. Sinaksak mo ng martilyo. *Cry* *cry*

Nadudurog,
Chuchu

Naghapon na at hindi ko parin tinitignan si Jon. Di ko na siya crush no.

Habang naglalakad ako sa daan nakita ko naman na sumusunod siya sa akin.

"Bakit mo ako sinusundan ano? Crush mo na ako?" mataray kong sabi sa kaniya. "Pwes ako di nakita cru—"

"Pareho tayo ng daan pauwi. Tanga!"

Sa sinabi ni crush. Oo crush ko na siya ulit. Kasi naman eh. Wala na akong nagawa kundi pumunta sa gitna ng daan. Isa ito sa pinagbabawal na teknik!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ಠ﹏ಠ

Rules paano ma-crushbackWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu