Kalandian 5

547 49 16
                                    

"Kapag hindi mo ko crinushback. Magpapasagasa ako dito." nakita ko na ang paparating na malaking truck.

Rule #10 Dapat handa kang mamatay para kay crush.

"Hoy! Tanga! Umalis ka diyan!"

"Sabihin mo munang kina-crushback mo na ako!"

Papalapit na ng papalapit ang truck. Nanlaki naman ang mga mata ni crush. Kinakabahan din ako mamaya mamatay pa ako dito no.

"Gusto mo ba talaga akong mamatay?" sigaw ko ulit sa kaniya.

"Hala anong ginagawa ng babaeng yan?"

"Tanga ba siya?"

"Nako baka masagasaan yan."

Nariring ko ang mga side comments nila. NiILA! Ng mga chismosa.

"Oo na! Crushback na kita!" malakas na sigaw ng crush ko.

Tama ba ang narinig ko? Parang mahihimatay ako sa baho ng bibig ko. I mean sa sinabi ni crush. Ni crushback niya na ako. I'm so happiest. Happiness? Happing? Hape? Basta masaya ako. Yey! This is the waiting for ko. The wait for me? The waiting me for? Tagalog na lang. Ito ang pinakahinihintay ko na pangyayari sa buhay ko sa wakas. Yes!

Tatakbo na sana ako palapit sa kaniya. Pero huli na ang lahat dahil nasagasaan na ako ng malking truck. Parang nagka buhol buhol at nag diskaylot. Disinfectant. Disposable. Dislocate? Ang buto ko.

Tumilapon ako sa ire. At bumagsak sa lupa. Dumanak din ang napaka rami kong dugo sa daan.

Nagsigawan ang mga tao.

Imbes na tulongan ako ay kinuha nila ang mga cellphone nila para picture-ran ako. Siguro ay i-a-upload nila sa Facebook para sumikat sila.

Pero may mabuti din namang puso na tumawag sa Albularyo para maligtas ako. Pinasakay ako ng Albularyo sa kaniyang likod at tumakbo lang siya papuntang hospital.

Huli na ang lahat dahil inagawan na ako ng buhay.

Namatay na ako.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ay, namatay si Chummy Anne Batongbukid.

Rules paano ma-crushbackWhere stories live. Discover now