13

293 9 14
                                    

"Did something happened?" 


Napatingin ako kay Zach na nag-aalalang nakatingin sa akin. Kinagabihan habang kumakain ako sa condo mag-isa ay bigla siyang  pumunta dito. Nakaayos pa siya at halatang nag-ready na sa date namin. Medyo na-guilty naman ako doon. 


I stood up and hugged him. "Masama lang ang pakiramdam ko but I'm fine." I lied.


Ayaw ko sabihin sa kaniya ang about kay Divine at Daddy. Hindi ko alam kung bakit. I just have this feeling na hindi tama kapag sinabi ko sa kaniya. Hindi ko alam kung alam niya ang tungkol sa mommy ko since wala naman din masyadong nakakaalam doon. Ayaw ko naman sa sabihin pa sa mga tao 'yon. It's a private matter. 


I looked at Zach when he didn't speak. Nakatulala lang siya at parang may naisip. Matapos ng ilang segundo ay ngumiti din siya pero parang may galit sa mata. O baka naman nagi-imagine lang ako. 


"Are you sure?" He asked but his voice is serious. 


"Yeah, babawi ako." I said while nodding. Nagu-guilty ako kasi halatang naghanda na siya sa date namin. Though, hindi naman niya sinabi na sayang ang pinaghandaan niya. Parang wala nga lang sa kaniya na hindi natuloy ang date namin. Ewan, iyon ang nararamdaman ko. 


He smiled and kissed my forehead. "Okay. Pahinga ka. I have to go."


"Agad?" I pouted. Gusto ko pa sana siya makasama ng matagal. 


"I'm sorry." He said and planted a kiss on my lips. 


"Okay. Ingat ka, ha." Paalam ko. "I love you." Habol ko.


He just smiled and left my condo immediately, halatang nagmamadali. I just shrugged and continue eating. Kailangan ko din matulog ng maaga dahil bukas na ang alis ko. Kaya naman pagkatapos ay naghilamos na ako natulog. Nakapag-empake naman na ako, e. 


The next day, maaga ako nagising dahil maaga din akong susunduin nila Kiya. Kaya kahit na antok na antok pa ay bumangon na ako. Pero nang maalala ko ang Fashion show ay napangiti at nagising agad ang diwa ko. Medyo kinakabahan din ako dahil syempre! Puro sikat na models ang mga nandoon at designers!


Nagsuot lang ako ng white tube top na pinatungan ko ng maong jacket at mom jeans. Nag sneakers na lang ako at nagdala ng shoulder bag para malagay ang phone at wallet ko. Nagdala din ako ng extra calming oil para kapag kinakabahan ako before the stage, may magpapa kalma sa akin. Pagkatapos ko mag-ayos ay kumuha na lang ako ng mask at shades bago bumaba ng lobby kasama ang luggage ko. Nandoon na daw kasi sila Kiya. 


Pagkababa ko ng lobby ay sumalubong sa akin si Kiya at ang Driver para buhatin ang gamit ko. Ngumiti ako kay Kiya at kumapit sa braso niya at sabay kaming pumasok sa van. Nakita ko agad si Cleo na as usual, nakatutok ang mata sa iPad. Nasa shotgun seat siya nakaupo.


"Good morning, Manager." Bati ko at ngumiti dahil excited. 


Tinanguan niya lang ako kaya napairap na lang ako. Sungit!


Umupo ako sa may bintana at tumabi naman sa akin si Kiya. Nakangiti din siya at halatang excited. 

Every Lies of Love (Fernandez Series #3)Where stories live. Discover now