29

420 15 11
                                    

"Mommy, tara na po!"


Naalis ang tingin ko kay Sabrina nang bigla akong tawagin ng anak ko. Kinakabahang lumapit ako sa kanila at hindi inaalis ang tingin sa anak ko kahit na ramdam na ramdam ko ang titig sa akin ni Axton. Namukhaan kaya niya ang anak ko? Sasabihin niya ba kay Zach?


"Oh! Hi, Jeila!" Nagulat ako nang bigla akong tawagin ni Sabrina dahilan para mapatingin ako sa kanya.


Pilit akong ngumiti sa kanya at hinawakan ang kamay ng anak ko. "Hello, Sabrina." Mahinang bati ko. "Nice to meet you."


"Grabe ang ganda mo! By the way, husband ko si Axton at si Shauntel, anak namin." Sabi ni Sabrina.


Tumigil sa pag-iyak ang bata at tumingin sa akin. Mumula pa ang ilong nito at kinamot ang mata.


"Pasensya na, ang likot kasi kanina, nadapa. E 'to namang si Axton ay kinunsinti pa." Umirap si Sabrina sa asawa. "Pero ang ganda ng anak mo!" Sabi niya bigla at tiningnan si Zeneia.


Naiilang na nguniti ako. :S-salamat, ah.." Pinanlakihan ko ng mata si Kean. "Ahm, may gagawin pa kasi kami."


"Ah, oo! Pupunta pa kami sa office. Una na kami, ah, Sab, Axton, pre." Paalam niya kila Axton na nakatingin pa rin sa anak ko.


Dahil sa kaba ay binuhat ko na lang si Zeneia at tinalikuran na sila. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang mabilis na naglalakad papunta sa sasakyan namin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanginginig ang mga kamay ko sa kaba.


Hindi naman niya siguro sasabihin kay Zach 'di ba? At kung namukhaan niya nga ang anak ko, maiintindihan naman niya siguro kung bakit ko tinatago ang anak ko 'di ba? Hindi naman ganoong tao si Axton para hindi respetuhin ang desisyon ko.


Hindi ako mapakali habang pauwi kami ng bahay. Idadaan muna namin doon si Zeneia bago ako kami dumiretso ni Kean sa company. Sa condo naman kasi kami magpapalit ni Kean. Mamaya ay nandoon din si Kiya para tulungan ako mag-ayos. Nakapaghanda na din ako ng speech para mamaya.


"Sa tingin mo ba namukhaan ni Axton si Zeneia?" Tanong ko kay Kean habang papunta kaming company.


He sighed. "Oo." Napatingin ako sa kanya. "Totoo naman kasing kamukha ni Zeneia si Zach. Kahit ako na matagal nang hindi nakikita si Zach ng personal ay masasabi ko na replika ni Zach si Zeneia."


Totoo iyon. When we were in New York, some of my friends were saying that Zeneia reminds them of someone. Whenever they say that, I just laugh and deny it so they won't make conclusions anymore.


Zach is a model. Everyone knows him. Kilala ng lahat ang mukha ni Zach kaya mas mahirap magtago. Kung bakit ba kasi hindi na lang sa akin nagmana si Zeneia.


"Alam mo, ate. Hindi mo naman matatago habang buhay si Zeneia. Alam kong hindi mo kayang sabihin sa kanya ngayon pero, malalaman at malalaman pa rin 'yan ni Zach." Sabi ni Kean. "Hindi ba nagkita kayo ni Zach kahapon sa mall? Fernandez iyon, ate. Maraming connections ang mga Fernandez."

Every Lies of Love (Fernandez Series #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora