Kabanata 8

2.7K 147 5
                                    

Magnus POV

Hindi ko alam na siya ang ipapadala ng Amaris kung alam ko lamang sana ay sa kanilang lalawigan na lamang ako nanghingi. Kung alam ko lamang na siya ang ipapadala ay dapat nakapaghanda man lamang ako. Nagtataka siguro kayo kung bakit ko sinasabi ang mga bagay na iyan ngunit bago ako magsalaysay ay hayaan ninyo muna na ako ay magpakilala.

Ako si Haring Magnus Carion ang kasalukuyang namumuno sa kaharian ng Ravaryn. Minana ko ang trono ng mamatay ang aking ama dahil sa digmaan. Hindi man handa noon ay kailangan kong maupo at mamuno sa buong Ravaryn at bilang isang hari ay kailangan ko ng isang reyna at pinakasal ako noon sa anak ng noo'y gobernador ng Alynthi na si Beatrix.

Mabalik ako sa sinasabi ko kanina ang tinutukoy ko ay si Gui kung alam ko lang na siya ang ipapadala ng Amaris ay ako na sana ang sumalubong sa kaniya. Noong buhay pa ang ama niya ay lagi kaming magkasama dahil magkaibigan ang aming ama kahit na nagkaroon ng alitan ang mga taga-Esmond at Amaris ay nanatiling tagapagsanay ng amang hari ang ama ni Gui. Tuwing magkakaroon noon ng pagsasanay ang aming mga ama ay lagi akong sumasama para makasama at makalaro si Gui. Ngunit simula ng mamatay ang kaniyang ama ay hindi na kami nagkita pa. Hindi ko alam kung nakalimutan lamang ba niya ako o pinili talaga niya akong kalimutan. Ngunit ako hanggang ngayon ay hindi ko siya nakakalimutan kahit ang pagtingin na mayroon ako sa kaniya noong mga bata pa lamang kami ay hindi nabawasan. Kaya rin sinikap ko noon na maging karapat-dapat na emperador upang maipagmalaki niya ako pagdumating ang araw na ako na ang mauupo sa trono. Sabi ko rin noon na pagako na ang naupo sa trono ay gusto ko na siya ang aking maging reyna dahil bukas naman ang aming kaharian sa mga ganoong bagay ngunit hindi ko na siya nakita simula noon.

Naalala ko na nakita ko lamang siyang muli ng dumalaw ako sa lupain ng Amaris upang bisitahin ang aking nasasakupan. Nakita ko siyang naglalakad sa bulwagan ng Amaris at hinding-hindi ako maaaring magkamali na siya iyon. Hindi nagbago ang kaniyang mga nangungusap na mata at maamong mukha lalo ko pangnapatunayan na siya nga si Gui ng mag-alay siya ng bulaklak sa puntod ng kaniyang ama. Gusto ko na sana siyang lapitan noon ngunit ng ako ay papalapit na ay bigla na lamang siyang nawala noong nilinga-linga ko ang aking paningin ay hindi ko na siya makita.

Simula noon ay pinahanap ko na siya sa aking mga kawal sa lupain ng lalawigan ng Amaris at ng makita siya ng aking mga kawal ay lihim ko na siyang pinasubaybayan. Nahinto lamang ito ng maraming ginawa ang mga kawal dito sa palasyo kaya hindi ko natunugan na siya ang ipadadala ng Amaris dahil kung nalaman ko lamang ito ng mas maaga sana ay nakapagpahanda ako at nabigyan ko siya ng mas magandang silid.

"Nakita ko ang mga titig mo sa kaniya kanina" sabi sa akin ng inang reyna ng kami na lamang sa punong bulwagan

"Hindi ko alam na siya ang ipadadala ng Amaris ina kung alam ko lamang sana ay napaghandaan ko ang araw na ito" sagot ko naman sa kaniya ng buong galak

"Huminahon ka muna kamahalan tandaan mo na nasa loob siya ng pagsusulit at hindi ka maaaring magpadalos-dalos dahil baka imbis na makatulong ka sa kaniyang upang siya ang mapili ay makasira ka pa at ikaw ang maging dahilan ng kaniyang pagbagsak" bilin sa akin ng inang reyna

"Naiintindihan ko hindi ko lamang matago ang saya sa aking kalooban na sa wakas nasa loob na ng palasyo si Gui at sisiguraduhin ko na mananatili siya rito ng pangmatagalan" sabi ko sabay talikod at lakad patungo sa aking silid.

Beatrix POV

"Ngayon na alam ko na kung sino ang taong lubos mong kinahuhumalingan ay hindi-hindi ako makakapayag na siya ang magwagi sa pagsusulit na ito lahat ng paraan ay gagawin ko mapanatili lamang na hindi siya makapasok sa buhay natin dito sa palasyo. Gawin na ninyo ang mga dapat gawin Tallulah at Salde upang hindi magwagi ang taga-Amaris" turan ko sa aking mga tagapagsilbi

"Masusunod po kamahalan" sagot nila at nakita ko ang ngisi sa kanilang mga mukha

Vote | Comment

The King's Concubine (BxB)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin