Kabanata 29

1.6K 90 1
                                    

Gui POV

"Kung ganoon ay mag-iingat kayo" bilin sa amin ng inang reyna

Kasalukuyan kaming nandito sa kaniyang silid upang magpaalam na tutungo ako sa Amaris at sasabit sa akin ang mahal na hari. Pagkarating namin kanina rito, akala niya ay dadalaw lamang kami upang magbigay ng respeto ngunit sinabi ko nga an gaming dahilan. Nagtanong rin siya kung bakit kasama ang hari at ang sagot lamang niya ay nais niya akong samahan. Nang marinig ito ay binigyan ako ng mapatuksong tingin ng inang reyna kaya nginitian ko na lamang siya.

"Kung ganoon ay aalis na kami inang reyna sapagkat baka kami ay hapunin pa sa aming daraanan" paalam ng hari at kami ay lumabas na sa silid

"Huwag ka na kayang sumama" lingon ko sa kaniya habang inihahanda ang karwaheng aming sasakyan

"Bakit ayaw mo akong kasama siguro ay may lalaki kang kikitain sa Amaris" sabi nito sa akin na ikinangisi ko naman

"Basta wag ka ng sumama Fredrik ihatid mo na muli ang hari sa kaniyang silid" baling ko kay Fredrik at yumuko naman ito. Paglingon kong muli sa hari ay nakasimangot ang mukha nito

"Paghindi mo ako sinama ay wala ka ng babalikan dito subukan mo" pananakot nito sa akin nakita ko naman na napangiti ang mga kawal at tagapagsilbi naming kasama marahil iniisip nila na may ganitong ugali pala ang hari na isip bata

"Mas ayos po iyan makakabalik na ako sa Amaris" sabi ko sa kaniya na mas ikinalukot ng kaniyang mukha kaya natawa ako ng malakas. Tawanan lamang kami ng tawanan hanggang sa natigil kami dahil sa prisensya ng reyna nakadamit ito na purong puti hudyat na magtutungo siya sa sambahan upang magdasal

"Kamahalan" bati nito sa hari at yumuko nakita ko naman na nagbago ang mukha niya at bumalik ito sa pagiging seryoso. Nakita ko naman na papalabas ang inang reyna sa kaniyang silid

"Saan ka pupunta Beatrix at ikaw ay nakadamit na pangayuno" tanong nito sa reyna

"Ako po ay magtutungo sa sambahan upang manalangin kay ala na bigyan na ako ng anak sapagkat matagal-tagal na rin simula ng ako ay nagdasal na ito ang aking kahilingan." Sabi nito sabay tingin sa hari pagkatapos ay sa akin

"Kung ganoon ay mag-iingat ka" sabi ng inang reyna at ito ay umalis na marahil ay bibisita ito sa bulwagan ng mga gobernador para sabihing wala ang hari

"Ako po ay mauuna na mahal na hari" paalam nito ngunit hindi man lamang sumagot ang hari sa kaniya kaya nagpatuloy na siya sa paglalakad

Bigla namang pumasok sa aking isipan ang pananalangin ng reyna para sila ay biyayaan na ng anak. Parang may kirot sa aking puso at sinasabi ng aking utak na sa oras na mabigyan ng reyna ang hari ng isang lalaking anak ay matutuon na ang atensyo nito sa kanila at maisasantabi na lamang kaming kababaihan sa isang sulok. Iwinagayway ko ang aking ulo upang mawala ang mga pag-iisip na ito sapagkat labis akong nasasaktan

"Alam ko ang iyong iniisip" sabi ng hari ng lumapit ito sa akin

"Paano kami mabibigyan ng anak kung laging sa silid mo ako namamalagi" pagpapatuloy niya

"Sa silid ko man ikaw laging mamalagi ay walang magagawa ito hindi kita mabibigyan ng tagapagmana kaya kailangan mong gawin ang responsibilidad mo sa reyna o kaya ay manatili ka sa ibang silid ng kababaihan" sabi ko sa kaniya sabay alis at sakay sa karwahe dahil dumating na ito. Alam kung hindi tama ang aking iniasta ngunit ako na ang nagsabi kaysa sa iba pa manggaling mas masasaktan lamang ako

Ilang saglit pa ay sumunod na rin sa pagsakay ang hari tumabi ito sa akin ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang paghawak nito sa aking ulo at inihilig sa kaniyang balikat

"Wag mong isipin ang mga ganoong bagay mabigyan man nila ako ng anak ngunit iyon lang ang maibibigay nila pero ang pagmamahal na kailangan ko ikaw lamang ang makakapagbigay noon sa akin" sabi niya na damang-dama ko ang bawat salita na kanyang sinabi

Siguro nga ay tama siya hindi ko dapat iniisip ang ganoong bagay isa pa ang kailangan kong isipin ay kung paano magiging masaya ang dalawang araw na kami ay magkasama

Vote | Comment

The King's Concubine (BxB)Место, где живут истории. Откройте их для себя