Kabanata 37

1.5K 92 0
                                    

Gui POV

Umaga na ngunit wala akong ganang bumangon kung tutuusin ay hindi naman ako natulog nakapikit lamang ang aking mga mata ngunit gising ang aking diwa. Iniisip kung kaya ko pa bang magpatuloy sa lahat ng ito sapagkat labis ang sakit na parang ito na ang ikatutumba ko.

Gusto ko ng umuwi sa Amaris. Ayan ang tumatakbo sa aking isipan palagay ko kasi ay makakatulong iyon sa akin upang makausad sa mga bagay. Upang maghilom ang sugat na mayroon ako ngayon ngunit ano ang aking idadahilan at isasabay ko pa ito sa pagdadalang tao ng reyna siguradong magiging usap-usapan lamang ito rito sa palasyon.

Isa rin sa aking iniisip ay kung kaya ko bang harapin ang hari dahil alam kung babalik lang ang sakit pagnakaharap ko siya kaya siguro ay iiwasan ko muna siya siguro naman ay hindi niya ito mapapansin sapagkat matutuon ang pansin niya sa kaniyang mag-ina.

"Kamahalan ipapapasok ko na po ba ang agahan ninyo" tanong sa akin ni Zara at tumango lang ako sa kaniya rito rin natulog si Zara sa aking silid hindi niya ako iniwan simula pa kagabi at lubhang pinagpapasalamat koi yon

Ilang subo pa lamang ang aking nagagawa ay itinabi ko na ang pagkain wala talaga akong gana baka isuka ko lamang kung ipipilit kong kumain kaya tumayo na ako at nagbihis ng aking kasuotan

"Lalabas ako Zara palagay ko ay kailangan ko ng sariwang hangin" sabi ko kay Zara iniligpit muna nito ang aking pagkain at sumunod sa akin sa labasan

Naglalakad-lakad lang kaming dalawa sa hardin ng palasyo upang magnilay-nilay at mahimasmasan sa sakit

"Ganoon siguro talaga Zara kalakip na siguro ng pagmamahal ang masaktan kasi lagi na lamang itong nangyayari sa akin" pagbasag ko ng katahimikan sa pagitan naming

"Natatandaan ko po noon kamahalan na sabi sa akin ng aking ina na kapag nagmamahal raw po tayo ay bahagi na nito ang masaktan. Kung hindi ka raw po nasasaktan ay hindi ka nagmamahal" sagot nito sa akin at tumulo nanaman ang aking mga luha

"Pero bakit ganoon Zara bakit lagi na lamang ako hindi ba maaaring isang sakit na lamang ang aking maramdaman yung ibigay ng lahat upang magsumaya ako ay tuloy-tuloy na" sabi ko sa kaniya at nakita ko naman na nakikinig lamang siya

"Pero wala akong magagawa sapagkat ito ang tadhana na ibinigay sa akin ng mga Diyos at Diyosa kaya marahil nagaganap ang mag bagay na ito" sabi ko sa kaniya niyakap ko na lamang siya at humagulgol ng humagulgol at ipinangako sa aking sarili na ito na ang huli na iiyak ako ng dahil sa pag-ibig

Magnus POV

Nandito ako ngayon sa aking silid at kumakain ng agahan o mas tamang sabihin na tinititigan ko ang pagkain sa aking harapan. Wala akong ganang kumain simula pa kagabi ng dahil sa mga nangyari kung tutuusin ay dapat masaya ako sapagkat sa wakas ay magkaka-anak na ako pero hindi ko makuhang maging maligaya lalo na at alam kung lubha kong nasaktan si Gui.

"Fredrik may balita kaba kay Gui" tanong ko kay Fredrik pagpasok niya sa aking silid

"Wala po kamahalan ang sabi po sa akin ng ilang tagapagsilbi ay ang huling kita nila ay nasa hardin ito kaninang umaga at kausap po si Zara" sabi nito sa akin marahil ay naglalabas ito ng sama ng loob

"Nais ko lamang po palang sabihin kamahalan..." biglang naputol ang sasabihin ni Fredrik na biglag dumating ang isa sa mga tagapagsilbi na siya ring hinihingan ko ng balita tungkol kay Gui.

"Bakit ka humahangos ano at naparito ka" tanong ni Fredrik dito naghabol muna ito ng hininga bago ito magsalita

"Nandito po ang inyong kapatid at dumiretso po siya agad sa silid ng kamahalang Gui pagkarating niya" sabi nito at agad akong napatayo. Kailangan kong magtungo sa silid ni Gui ngayon kaya agad-agad akong lumabas at nagtungo rito

"Sandali lamang po kamahalan huminahon muna kayo" pigil sa akin ni Fredrik habang nakasunod sa aking paglalakad ngunit hindi ako nagpapigil. Natatakot ako na baka kunin ng aking kapatid si Gui may pagtitinginan sila noon at hindi pa kasal ang aking kapatid kaya hindi malabo ang aking iniisip kaya kailangan kong magmadali

Pagkarating sa silid ni Gui ay hindi muna ako pumasok narinig ko rin ang usapan nila sa loob na lubhang nagpabilis ng tibok na kaing puso

"Babalik ka na ng Amaris at sasama ka na sa akin" sabi ng isang boses na alam kong galing sa aking kapatid

Walang sumagot kaya naman walang pagdadalawang isip na ako ay pumasok at ang bumungad sa akin ay ang aking kapatid na nakahawak sa kamay ni Gui

"Walang aalis sa palasyong ito" matigas kong sabi sa kanilang dalawa nakita ko naman na sinardo ni Fredrik ang pinto ng silid upang walang makakita sa amin

"Hindi iaalis ko si Gui rito alam ko na ang nangyari magkakaanak na kayo ng reyna kaya hindi kabawasan kung aalis si Gui rito sa palasyo" sabi ni Caspian

"Hindi walang aalis subukan mong umalis dito Gui at sinasabi ko sayong hindi mo magugustuhan ang aking gagawin" banta ko sasabat pa sana ang aking kapatid ng hawakan ni Gui ang kaniyang kamay nakaramdam naman ako ng kirot sa aking dibdib ng makita ito

"Iwanan mo muna kami" sabi nito tututol pa sana ang aking kapatid ngunit pinakiusapan siya ng Gui kaya sa huli ay wala rin siyang nagawa kung hindi ang iwan kami

"Gusto kong pumayag sa alok ng iyong kapatid Magnus" sabi niya sa akin ngayon lamang niya akong tinawag sa aking tunay na pangalan at lubahang nakakadurog ng puso sapagkat maririnig ko pa ito na magpapalaam siya sa akin

"Hindi ayaw ko alam mong hindi ako papayag Gui" sabi ko sa kaniya at yumakap sa kaniya hindi ko na napigilan pa ang aking sarili.

"Ngunit mas lalo lamang tayong masasaktan pareho kung mananatili ako rito mas mabuti pang umalis na lamang ako nang sa ganoon ay mas mapagtuunan mo ng pansin ang iyong mag-ina upang hindi na ako makasagabal" ang sabi nito sa akin ganoon na ba kasakit ang naidulot nito sa kaniya na nais na niyang lumayo sa akin

"Kahit kailan ay hindi ka naging sagabal sa akin dahil ikaw lamang ang sentor ng buhay ko Gui" sagot ko sa kaniya

"Ngunit magkakaanak ka na dapat ay..." pinutol ko na ang sasabihin niya sa pamamagitan ng halik

Noong una ay ako lamang ang humahalik sa kaniya hanggang sa laliman ko ito at tumugon na rin siya. Unti-unti ay hinubad ko ang kasuotan niya hanggang sa sinunod ko ang akin at kapwa na kaming hubad. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama na hindi pinuputol an gaming halikan. Hanggang sa pumaibabaw na ako sa kaniya at pinasaluhan naming ang init na pagkasabik sa isa't isa.

Vote | Comment

The King's Concubine (BxB)Where stories live. Discover now