Kabanata 24

1.6K 101 3
                                    

Beatrix POV

"Ano ang hiyawang naririnig ko sa inyong bulwagan" tanong ko kay Salde pagpasok nito sa aking silid. Hanggang dito kasi ay naririnig ko ang ingay na nagmumula sa gawi ng kanilang bulwagan

"Ang mga tagapagsilbi pong ating inutusan na magbigay ng pnaghilamos ng Kamahalang Gui ay kasalukuyang nakaluhod sa baga" sabi nito na ikinakunot ng aking noo

"Lubha niyang pinatutunayan na siya ay matalino sapagkat nalaman niya ang nakalagay sa kaniyang tubig na panghilamos. Nalaman ba nito na ako ay maykagagawan?" tanong ko kay Salde

"Hindi po kamahalan hindi po nagsalita mga tagapagsilbi" sagot naman nito na ikinaluwag ng aking paghinga mahirap ng malaman ni Gui na ako ang nagutos noon

"Mabuti kung ganoon halika ka na roon upang makita ko ang kaganapan" utos ko at nagtungo na kami sa bulwagan ng mga tagapagsilbi

Pagdating doon ay nakita ko ang mga pawisang tagapagsilbi na nakaluhod sa baga. Nakabantay din si Leo ang tagapanguna ng kawal ni Gui.

"Patayuin sila at gamutin ang kanilang sugat" utos ko at nakita ko naman ang kaluwagan sa kanilang mukha marahil ay kanina pa sila nakaluhod dito ngunit hindi sumusunod si Leo.

"Ako ba ay hindi ninyo naririnig mga bingi" sigaw ko na sa kanila dahil sa inis sapagkat para silang walang naririnig at nakatayo pa rin roon.

"Sundin na ninyo ang kamahalan" rinig kong sabi ng boses ng bagong dating at paglingon ko ay si Gui ito.

"Nandito ka na pala narinig ko ang balita ayos ka lamang ba?" tanong ko rito at nakita ko naman ang pagngiti nito

"Ayos lamang po ako kamahalan wala namang pong nangyari" sagot nito kaya nginitian ko siya pabalik.

Nang makita niyang papalayo na ang mga tagapagsilbi ay agad siyang nagsalita upang sila ay pigilan.

"Dalin sila sa bulwagan ng pagpaparusa kung hindi sila natinig sa pagluhod sa baga ay ako ang magpapaamin sa kanila" turan nito habang nakatingin sa akin kaya naman tinginan ko rin siya ng masama

"Pinagbibintangan mo ba ako?" tanong ko sa kaniya na hindi pinuputol ang aming tinginan

"May dapat ba akong ipaghinala kamahalan?" pabalik na tanong niya tuso talaga siya kahit kailangan. Pero kung akala niya ay mahuhuli niya ako ay nagkakamali siya

"Wala kailanman ay hindi ko gagawin ang mga bagay na mga ganyan sapagkat kung gusto kitang patayin ay hindi sa ganiyang paraan" sabi ko sa kaniya na may halong pagbabanta nakita ko naman na ang mga tao sa aming paligid ay nakamasid lamang sa aming dalawa

"Kung ganoon ay hihintayin ko kamahalan" sagot lamang niya at ngumiti sa akin ng nakakainis

"Wag kang magalala magugulat ka na lamang" bulong ko sa kaniya pagdaan ko sa harapan niya bago ako lumabas

Tingna natin kung hanggang saan ang tapang at lakas ng loob mo Gui. Ito pa lamang ang simula ng impyernong pinasok mo at sisiguraduhing kong hanggang sa huling hininga mo ay pagsisisihan mong ako ang iyong kinalaban

"Ihanda na ninyo ang mga gamot upang maiwasan ang pagbubuntis ng mga lapastangang babae. Malapit na ang oras ng pagsasanay" utos ko kay Salde at Tallulah. Tumango naman sila at agad na ginawa ang aking pinaguutos.

Vote | Comment

The King's Concubine (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon