Chapter 2: Punishment

59 18 34
                                    

"At dahil late kayo kanina... as usual, magbibigay ako ng parusa" agad na tugon ni Sir.

Sabi na nga ba.

"A-ano po yun sir?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm, Since bago kalang dito Alishia, magaan na parusa muna ang ibibigay ko sa'yo, syempre pati na rin kay Brylle. All you need to do is to help me to clean my Office.

O.M.G.

Libo-libong papel at basura na nakakalat sa office niya isa isa naming itatapon at aayusin? Mukhang di kami makaka-uwi nito.

Tinuruan kami ni sir kung paano ayusin lahat ng papel, pagkatapos nito ay agad naming sinunod ang mga sinabi niya.

Mautak rin pala tong si sir, kunwari pang parusa toh eh talagang tinatamad lang siya mag-ayos ng office niya kaya nagpapatulong sa iba.

Hindi pa kami nakakakalahati sa mga papel ay may biglang tumawag sa telepono ni Brylle... hindi niya ito sinasagot dahil baka mapagalitan siya ni sir, patuloy lang siya sa pag aayos ng mga papel.

Halatang-halata yung inis ni Brylle HAHAHAH, kawawa naman.

"Why don't you answer the phone? Baka kailangan yan... sagutin mo" Sambit ni sir, agad naman na sinagot ito ni Brylle.

"H-hello papa?" Sambit ni Brylle sa telepono... habang pinakikinggan niya ang nagsasalita ay bigla siyang nagulat,

Pagkababa niya ng telepono ay agad kong itinanong kung ano ang nangyari.

"M-may emergency sa'min... n-naaksidente daw si mama... kailangan ko nang umalis, sorry sir"

"You may go" Sambit ni sir Lucas.

"Mag-ingat ka, Brylle" sambit ko.

"S-salamat, una na po ako" tugon niya... agad siyang tumakbo palabas, ano kayang nangyari?

Pagkalabas ni Brylle ay biglang nagsalita si sir.

"I know you're confused. May dementia yung nanay niya, minsan hindi niya nacocontrol yung sarili niya. May time na bigla nalang yun lalabas then mawawala... Yung tatay naman niya... Palagi raw nasa inuman. si Brylle ang nag iintindi sa nanay niya kaya madalas siyang nagcucutting class" buong kwento ni sir.

Kawawa naman si Brylle... hindi ko alam na ganon siya kaalaga. Pero nasaan kaya yung ibang miyembro ng pamilya nila? Ni hindi man lang siya matulungan.

Pagka-kwento nito ni sir ay biglang nanahimik ang paligid... ngayon ko lang na-realize na kami nalang ang nandito ni sir sa office niya.

Ang awkward.

"Bakit ka nga pala nalate kanina?" Tanong ni sir.

"A-ahh.. may nangyari lang po"

"Ikaw yung nag-iisang naka-uniform kanina right?"

"N-nakita niyo po? N-nakakahiya naman"

"Of course, actually pinagkekwentuhan ka nung mga estudyante dito kanina" daldal ni sir habang patuloy na nag-aayos ng mga papeles.

Bigla na namang nanahimik ang paligid. Gusto kong basagin ang nakakarinding katahimikan.

"Ahmm, sir... matanong ko lang po"

"What?"

Ay antaray... what talaga?

"Ahmm... nakwento lang po sakin nung kaibigan ko kanina, broken hearted daw po kayo, totoo po ba?" Tanong ko... bigla niya akong sinamaan ng tingin.

Educationally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon