Chapter 4: Pride

36 13 66
                                    

"Oh, yan na mga gagamitin mo... may unan at kumot ka na kaya wag ka nang aangal." sambit ko sa kanya.

"Wow ha, baka naman nakakalimutan mong adviser mo pa din ako, bat ganan kang magsalita sakin? T-Tsaka 5 taon pa din ang tanda ko sayo kaya wag kang bastos. Pitikin ko yang bibig mo eh" tugon niya.

"Attt... siguraduhin mong wala kang gagawin sa'kin habang natutulog ako, kung ayaw mong masira yang posisyon mo bilang teacher"

"Baliw ka na ba talaga? Ano namang gagawin ko sayo? Plus estudyante lang kita at hindi ko type yang ugali mo... Ganito na ba talaga mag isip ang mga estudyante ngayon?" tugon niya.

"Hay nako oo na, pero tandaan mo toh, hindi porke't teacher kita eh palagi kitang gagalangin, sa school ayos lang kahit kada salita ko may kasamang "po... pero wag mong asahan na susundin kita kapag tayo lang ang magkasama"

"Sige na sige na, wala talaga akong mailalaban sa mga dimunyo. Matulog ka na nga, goodnight"

"Goodnight ren sa feeling anghel na kaparehas ko lang din naman na dimunyito. Akala mo nakalimutan ko na yung ginawa mong pamimilosopo sakin kanina? Kung di lang ako nakapagpigil baka nahanggit ko na yang buhok mong may napakadaming wax"

"Ano pa ba sinasabi mo? Pati buhok ko idadamay mo pa sa kamalditahan mo. Gabing gabi na pumuputak ka pa. Matulog ka na nakakarindi na yang boses mo" tugon niya.

Makalipas ang ilang minuto ay nanahimik na ang dimunyitong Lucas. Hayss sa wakas.

Imagine, 1st Day of School magkaaway na agad kami. Plus andito na agad siya sa bahay namin, nakikitulog. Weird.

Sa sobrang tahimik ng kapaligiran ay agad naman akong nakatulog. Sana wala nang makaistorbo.



--

"Alishia. Alishia, huyy, gumising ka dali. Alishia, Alishanggg!"

"T-teka ano b-... Lucas? Anong ginagawa mo dito sa kama ko?! Sinasabi ko na nga ba! Anong ginawa mo sakin?! M-mamaaaa-!" Sigaw ko sa kanya, agad naman niyang natakluban ang bibig ko sa sobrang lakas ng boses ko.

"Wth Alishia? Ano ba talagang pag iisip meron ka?! Napakadumi ng utak mong babae ka."

"Eh ano ba naman kasing ginagawa mo sa kama ko?! Yun ba namang madaling araw na tas makikita kita kasama ko dito?!"

"Hay nako ewan ko sayo. Mag isip ka nga ng ayos bago ka magsalita, nandito lang ako sa may paanan, wala diyan sa tabi mo, plus gigisingin ba kita kung may balak akong gawin sayo? Nakakadiri ka"

"Eh ano nga kasing kailangan mo?!"

"Magbabanyo ako, hindi ko alam kung asan"

"Bat naman kasi hindi mo agad sinabi?! Bahala ka nga dyan, magpigil ka na lang, tutulog na ako"

"Alishia naman! Naiihi na talaga ako"

Sa awa ko ay sinamahan ko na siya papuntang banyo. Syempre sa labas lang ako noh.

Wala pang isang minuto ay lumabas na agad siya ng banyo. Nakakapagtaka.

"Nag-cr ka ba talaga?"

"O-oo naman"

"Yung totoo? Parang pumasok ka nga lang ng banyo eh"

"Ah, eh, actually hindi na talaga ako naiihi. Tara na"

Agad akong naweirdohan sa kilos niya kaya naisipan kong silipin ang banyo.

Pagkasilip ko ay agad akong napahagalpak sa tawa. May ipis lang naman sa banyo na halatang kiniluan ng nag-iisang sir Lucas. Tama na sa palusot sir, halata naman eh HAHAHAH.

Educationally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon