-34:End of the 4th mission-

15 5 0
                                    

S I E R R A

[Sunday, 10:21am]

Nasa may cafe na ako ngayun, hinihintay sila. Hindi parin mawala ang kaba sakin dibdib. Paano kung sinabi lang ni unknown na may nag volunteer para maging suprise yung pagpatay sakin?. Andami ko pang gustong gawin sa buhay. Hindi ko pa nararanasan magka love life. Pero nakakatapagtaka bakit sya nag volunteer, para iligtas ako o alam nya ang totoo. Ang hirap isipin na may nag listas sakin at di ko maisip kung sino yun. Kung si Keyla ang nag ligtas sakin, napaka imposible dahil bestfriend nya si Dria, malamang may galit yun sakin. Si Lillian naman hindi nya ako kayang iligtas dahil mas naniniwala sya na ako ang killer samantalang si thalia ay ganun din. Tapos si Ainsley siguro hindi rin dahil naniniwala syang ako ang pumatay, halata naman sa chat nya kagabi.

"Hoy". Natauhan ako nang dumating si Lillian. Ngumiti lang ako. Sunod na dumating si Thalia at Keyla. Ang hinihintay nalang namin ay si Ainsley

"Tagal naman nun". Sabi ni Lillian.

"Nahawa yata sya kay Presley".Sabi ni Keyla, Nung narinig namin ang pangalan na yun, Nag iba ang atmosphere.

"Sorry". Sabi ni keyla at napayuko.

"Hoyyyy sorrrryyyy nalateeee akooo".Rinig namin sabi ni Ainsley na kararating lang.

"Order na tayo?, Gutom na ako eh". Sabi nya pa. Nag sitanguhan kami.

"Sino kaya yung nagvolunteer?". Napatanong ni Lillian.

"Isa satin". Sabi ko, at napatingin sakin.

"Pano kaya sya nakapag volunteer?, Ni walang sinabi satin si unknown tungkol dun"Sabi ni Keyla. Tama sya wala talagang sinabi si unknown. Ang unfair siguro nun.

"Kumain nalang muna tayo, saka na natin pag usapan yan"Sabi ni Ainsley na mukang seryoso.

Napatingin ako sakanya, ang weird ng kinikilos nya. Sya kaya ang nag volunteer?, Kung si Ainsley man ang nag volunteer, Babantayan ko sya.

Natapos na kaming kumain, napansin kong walang imik si Thalia, napaisip ako na baka sya ang nag volunteer dahil napaka tahimik nya, so weird. Napansin ko rin si Lillian, Normal ang kinikilos nya pero kapag titingnan mo sya sa mata, umiiwas Ito na parang may tinatago. Si Keyla naman normal lang din pero nakita at nararamdaman kong natetense sya dahil nangingilig ang kamay nya habang kumakain. Kakaiba talaga ang atmosphere ngayun. Siguro dahil sa takot mamatay or may mamatay. Naalala ko bigla si Itzell at Presley, wala na akong balita sa pamilya nila, nawala ng parang bula kaya naman hindi na kami nakapunta sa burol nila or nakita ang katawan nila. May okay na yun kesa makita silang walang buhay dahil nakakakonsensya. Ako ang pangalawa sa panganay pero wala manlang akong nagawa.

"So let's start"Sabi ni Lillian at mas naging seryoso ang atmosphere.

"Lilinawin ko lang, hindi mamatay si Sierra ngayun dahil may nag vulunteer, tama ba?"tanong ni Keyla.

"Oo, at isa sa atin ang nag vulunteer, pero bakit? Alam nya ba ang totoo?"tanong naman ni Ainsley.

"Siguro, or alam nya kung sino ang killer"Sabi ko at napatigil sila.

"Oo nga, isa yan sa posibilidad. Ngayun na mamatay ang isa saatin kaya kailangan natin magkasama ngayung araw". Sabi naman ni Ainsley.

Nagtaka ako nang biglang umalis si Thalia, na para bang may nakitang multo. "Anong nangyari sakanya?"tanong ni Keyla.

"I don't know". Sabi naman ni Lillian.

"Kakasabi ko lang, walang mahihiwalay satin, ni hindi manlang sya nagsalita". Sabi ni Ainsley na pailing iling.

"Ako na bahala sakanya, susundan ko sya"Sabi ko at dali dali akong sumunod. Halatang may tinatago sya, ni hindi sya makapag salita kanina. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maisip na baka sya ang volunteer. Alam na nyang mamatay sya kaya umalis sya. Tumakbo na ako at nakita ko na sya na parang may hinahanap sa parking lot.

"THALIA!!!". Sigaw ko dito at napalingon sya. Agad ko syang niyakap dahil hindi dapat sya ang mamatay, alam kong inosente sya. Tiningnan nya ako na gulat na gulat.

"I--ikaw ba ang nag vulunteer?"tanong ko sakanya at kumawala sa yakap. Umiling sya.

"Pero bakit ka umalis?"tanong ko sakanya at umiwas sya ng tingin.

*Ting*

Nagtayuan ang balahibo ko sa katawan, ay lalo akong kinabahan. Nag katinginan kaming dalawa ni thalia na halatang nagulat. Sabay namin tiningnan ang phone.

Unknown:
I have a shocking announcement
again!!. The volunteer is gone now.
The volunteer is innocent.
The 4th mission is failed. Be ready
To the 5th mission. Goodluck
(。•̀ᴗ-)✧.

*Unknown sent a video

Unknown remove Ainsley to the group.

****

GIRLS TALKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon