-36: Weird-

14 4 0
                                    

S I E R R A

[ Monday]

Kelan ba matatapos itong laro?, Nakakasura na. Mukang isa lang  sa amin ang mabubuhay dito sa laro. Ang nakakapag taka lang, bakit hindi umamin ang killer?. Pero naisip ko rin na walang umaamin na killer maliban nalang kung guilty ito. Napakasama nya, dahil sakanya nasira ang buong buhay ko. Lahat nalang kinamuhian ang pag katao ko. Napatingin ako sa bracelet na ibinigay sakin ni Dria, napangiti ako.

Dahil maaga pa naman at medyo malapit ang sementeryo. Pumunta ako sa puntod ni Dria. Matagal tagal narin noong pumunta ako dito.

"Nakakamiss din pala yung dati". Sabi ko sa puntod nya.

"Pumunta lang naman ako dito, para maka pag sorry sayo bago mamatay. Di ko aakalain na mangyayari ang mga ito. Sinabi mo sakin dati na wag akong aamin sa hindi ko naman ginawa. Sinusunod ko ang mga sinabi mo Dria kaso wala namang naniniwala at madami ng namatay, siguro kailangan ko nang umamin para naman wala ng mamatay sa amin. Sorry Dria." Nagbuntong hininga ako at tumayo.

Kung mababalik lang ang dati..

****

Pumunta na ako sa school, bali 7:40 na. Magsisimula ang klase mamayang 8:00.

"Long time no see." Napalingon ako sa may nagsalita.

"Skyler?".

"Oh, nagulat ka naman. Mukang may pinagdadaanan ka ah, lagi kang wala sa klase." Sabi nito sakin at napayuko ako.

"Oh?, Eh ano naman?" Sabi ko dito at napailing nalang sya. Di ko naman pedeng sabihin sakanya ang tungkol sa girls talk, baka madamay lang sya sa problema ko at mamatay kaming lahat. Mas pipiliin ko pang may isang makakaligtas kesa sa mamatay kaming lahat.

"Kung umamin na kaya ako?" Tanong ko sa sarili ko.

"Saan? Hoyyyy may crush ka na noh?? Aamin ka sa crush mo?woiiiii!!!" Nabigla ako sa reaction ni Skyler. Inirapan ko nalang sya dahil mali ang pagkakaintindi nya.

"Shunga ka." Sabi ko dito at umirap. Tumigil ako dahil kalapit na ako ng pintuan ng classroom ko.

"Woiiii, Sus nahihiya ka lang sakin. Siguro ako yung crush mo nohhhh." Mapang-asar nitong sabi saakin kaya pinandilatan ko ito ng mata, tumawa naman sya.

"Che, bahala ka dyan." Sabi ko dito at pumasok na sa room. Bago sya umalis ngumiti ito na parang aso.

Nababaliw na sya.

Back to the topic, kung aamin na ako 'ang ibig sabihin nun ay titigil na ang laro!. Kaso napaka unfair kay na Itzell at Ainsley kung di mahuhuli ang taong pumatay kay Dria diba?.

Mababaliw na yata ako nito.

(ب_ب)

****

Tapos na ang klase at pauwi na ako ng apartment. Iniisip ko parin ang tungkol sa pag amin ko. Naguguluhan parin ako pero ikakabuti naman ito nina thalia. Speaking of thalia, natatanaw ko sya sa kabila ng kalsada. Lumapit ako dito ngunit may kakaiba sakanya. Batay sa pag lalakad nya at mukang nangingilig Ito sa takot. Lumapit ako sa tabi nya ngunit hindi nya ako napapansin, ang weirdo nya simula nung pagkamatay ni Ainsley.

****

GIRLS TALKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon