-51: The last lost chapter

11 4 0
                                    


The last lost chapter.










ITZELL
Innocent

I'm going to the store, balak ko kasing bumili ng regalo para kay ate Dria. Mag bi-birthday na kasi sya sa isang linggo. "Hey Ainsley, maganda ba ito?" Tanong ko kay Ainsley. Nakasalubong ko sya kanina eh, kaya sinama ko na sya. Pati magkatulad kami ng dahilan, bibili din daw kasi sya ng regalo para kay ate.

"Oo maganda na yan, maya lang may tinitingnan ako dito eh." Sabi nito sakin, tiningnan kong mabuti ang damit. Sana magustuhan nya ito, at maging masaya sya. Naging malungkot na kasi sya simula nung namatay si kuya Jake.

*Kring*Kring*Kring*Kring*

Agad kong kinuha ang phone, dahil tumawag si Lillian.

"Sino yan?" Tanong sakin ni Ainsley.

"Si Lillian." Sagot ko dito.

"Yes, Lillian?" Sagot ko sa phone.

"Ze---zell, pumunta ka sa condo ng ate mo. May...nangyari." Ramdam ko ang takot sa boses nya at binaba nya agad ito. Tinangay ko agad si Ainsley at tumawag ng taxi papunta sa condo ni ate.

"Ano ba zell, nasasaktan ako, talagang nakaya mo akong tangayin sa liit mong yan." Pang aasar ni Ainsley sakin.

"Che, tumawag sakin si Lillian, may nangyari daw kay ate."

****

Pinasok agad namin ang kwarto ni ate dria, kanina pa ako kinakabahan lalo na nung nakita namin na may mga ambulansya sa tapat ng building.

"A--ate Dria.." Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nakatali ang leeg nya sa tali.

"Di--dria, anong nangyari sakanya?" Tanong ni Ainsley.

"Parating na ang pulis, maya maya lang." Sabi ni Lillian.

"Sino ang unang nakakita sakanya?" Tanong ko.

"Ako." Napalingon ako kay Sierra at nakita ko ang dugo nya sa kamay.

"Bakit ka may dugo sa kamay?" Agad kong tanong at lumapit ako sakanya.

"Sinubukan kong alisin sya sa tali, kaya nagkadugo ang kamay ko. Pero hindi ko kaya." Sabi nya, at napayuko. Naalala ko bigla ang nakita ko at narinig nung gabing pinaalam samin ni ate Dria na sila na ni kuya Jake. Na kung mawawala si ate, ay pede ng mapasakanya si kuya Jake. Umiinit ang dugo ko ngayun kay Sierra.

"Di ka manlang ba natakot nung aalisin mo si ate sa tali?" Tanong ko sakanya.

"Syempre oo." Sabi nya sakin na may nakakaawang mata. Hindi ko alam pero may namumuong galit akong nararamdaman. Hindi pwedeng suicide lang Ito. Hindi kaya ni ate mag suicide.

GIRLS TALKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon