-38: S with T

15 4 0
                                    

S I E R R A

"Thalia." Sabi ko dito at napatingin sya sakin na takot na takot.

"A--ayos ka lang ba?, You look pale."Sabi ko dito. Tumango lang sya at umiwas ng tingin saakin.

"Hindi ka naman mukang maayos eh." Sabi ko, Nagulat ako ng hinawakan ni Thalia ng mahigpit ang braso ko.

"Ba--bakit?" Tanong ko dito ngunit hindi ito nag salita at hinila ako sa isang iskinita. Kinakabahan ako sa kinikilos nya.

"Magsalita ka nga?, Ano bang nangyayari sayo ha?" Tanong ko dito ngunit kumuha lang sya ng notebook at ballpen sa bag nya.

"Hoy, Thalia!" Tawag ko dito ngunit di nya ako pinagtutuunan ng pansin. May isinusulat sya sa papel.


*Ting*

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ko kung sino ang nagchat.

Unknown:
Miss men, Just kidding.
The 5th mission is find the
killer. Be ready because y'all
going to the past!. Be excited
and i have a ultimate surprise
again!. Goodluck (。•̀ᴗ-)✧.

Hala paktay na naman, suprise?!, Going to the past? PASHNEA!. Napailing ako dahil mukang mahihimatay na naman ako ng walang oras.

"I can't talk, di ko pedeng sabihin sayo kung bakit" Yan ang isinulat ni Thalia sakin, at nagsimula na umagos ang kaniyang luha.

"Pero bakit? Kelan pa?, Simula ba nung namatay si Ainsley?" Sunod sunod kong tanong dito pero umiling sya. Nagsimula na naman syang mag-sulat.

Lillian:
Suprise again?!

Keyla:
Omo

Lillian:
May mamatay na naman

Keyla:
Yah

Lillian:
Umamin na kasi eh

Sierra:
Haha, Di nakakatuwa
Unknown

Lillian:
Yeah, grabe nakakapanibago

Keyla:
What do you mean?

Lillian:
Feel ko may kulang

Sierra:
May kulang naman talaga

Napabuntong hininga ako, don't worry Lillian, aamin na ako. Tumingin ulit ako kay Thalia at kakatapos nya lang magsulat.

"Di ko pedeng sabihin sayo, pero ang lagay ko ngayun ay 2nd warning, kapag lumabag na naman ako sa rule, mamatay na ako". Napalunok ako sa nabasa ko. Ang ibig sabihin ba nun ay dalawang beses syang lumabag?.

"Ano bang ginawa mo or nilabag mo?" Tanong ko dito pero umiling lang ito. Pati ba naman yun 'hindi pedeng sabihin.

"Seen ka sa gc, may 5th mission na." Pagbabago ko ng topic, dahil halata namang hindi nya sasagutin ang lahat ng tanong ko. Nagsulat muna sya at ipinakita sakin.

"O sige, pero kung may balak ka man umamin, WAG. Alam ko na ang lahat kaya naman hindi ako makapagsalita ngayun, sorry". Napakunot ang noo ko, paano nya nalaman na gusto kong umamin, at alam nya ang lahat?.

Ang ibig sabihin ba nun alam nya ang taong pumatay kay Dria?!?!?!?!

"Kilala mo ang killer?" Tanong ko dito at tumango ako.

"Sino?, Sabi-------." Napatigil ako nang umikot ang paningin ko at naisip ko bigla ang sabi ni Unknown na may supresa sya, mukang ito na yun.

Paktay.

****

GIRLS TALKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon