Chapter 1

830 19 1
                                    

"KAILANGAN MONG makilala ang lalaking ito, hija. I've heard so many great things about him."

"Sorry, Ma. Not this time. Hindi na ako interesado sa mga lalaking itinutulak niyo sa akin." Sabi ni Roxan sa mama niya habang naka-upo siya sa kusina at umiinom ng kape.

Kakagising niya lang ng umagang iyon at mukhang masisira pa ng mama niya ang monday niya. Kaya pala hindi siya nito kinikibo mula pa kahapon dahil abala pala ito sa paghahanap ng mapapangasawa niya.

"At bakit naman hindi, anak? Basahin mo 'to," lumapit sa kanya ang mama niya na ikinaikot ng kanyang mga mata. Pinabasa nito sa kanya ang text conversation. "ang sabi ni Cynthia, mukhang nababagay ka raw sa panganay niyang anak. Remember Martin?" Walang gana siyang tumango sa tanong nito. Si Martin ang ikinwento sa kanya noon ng mama niya. Mukhang ire-reto na naman siya nito ulit sa Martin na 'yon. "Single pa rin! At sabi pa ni Cynthia, uuwi daw ang anak niya next weekend to find a bride to settle down with." Anito na kinikilig pa.

Inilayo niya ang cellphone. Bumalik naman ang mama niya sa pagluluto ng almusal nila. "Ma, seriously. I'm not interested in being hooked up."

"Bakit nga hindi?" Tanong nito na kasalukuyang nag-iinit ng mantika sa frying pan.

"Because the last time you played matchmaker it turned out to be a total disaster! Remember?" Napailing siya. Simula ng tumuntong siya sa edad na biente tres hindi na siya tinantanan ng mama niya.

Tutal ay nakapag-tapos naman daw na siya at nalibot na ang mundo, panahon na daw para mag-asawa na siya. For Pete's sake! Twenty seven pa lang siya at wala pa siyang naipupundar na sarili niyang bahay! At nilalangaw pa yata ang negosyo niyang milk tea dahil sa pandemic!

"Oh, Roxan. Nobody's perfect, sweetheart. I mean, how was I supposed to know that Mrs. Gonzales' son was a killer! Dios mio!" Her mother replied. Flipping the fried rice with such force one would think she was displacing her anger on the fried rice.

"Yeah, he was supposed to kill me with his smile to get my heart, but not trying to kill me!" Roxan tightened her lips, trying to conceal her fear. She placed her cup down on the table and gazed out the window as the morning sunlight beamed into the kitchen.

.

Hanggang sa mga oras na iyon ay natatakot pa rin siya sa anak ng amiga ng kanyang mama. Kakatapos lang siyang i-date ng anak ng amiga ng mama niya. She rejected him and she thought matatanggap ng binata ang desisyon niya but she was wrong. Dinala pa siya nito sa talahiban para tangkaing gahasain at patayin! Buti na lang ay may dumating na lalaki at niligtas siya kundi ay nasa ilalim na siya ng lupa.

"Okay, that one was a screw up, sweetheart. But trust me, hija." Nilagay nito sa dinner plate ang nilutong friend rice. Pagkatapos ay tinanggal ang wax ng hotdog na susunod nitong lutuin. "Ibang-iba ang binatang ito. Sinasabi ko sa'yo. You remember that party I went to a while back? Your tita Cynthia married into an aristocrat family which you already know, and well nasabi niya sa akin na Martin has trouble settling down. And in order to take over their business one day, he should marry suitable."

"You mean, kailangan niyang mag-asawa ng mayamang babae at may dugong bughaw of which I am clearly not."

"No, we're not...yet, sweetheart. Pero mayroon rin naman tayong aristokratang dugo. It's sort of like Anne Hathaway before she became a princess. You know?" Anito saka nagprito na ng hotdog.

"Yes, I know that, ma. Ang kaibahan lang," napangiwi siya sa ininom na kape dahil sa init. "nobody knows about our supposed link to some dead forgotten aristocrats o kung sino pa mang may mga dugong bughaw. And besides, we're a struggling working class family all the way. No glamour there."

Matched In Siargao(Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon