Chapter 2

285 18 1
                                    

A/N
Kung hindi niyo na po matandaan kung sino si Mark, you can read his name and scenes on Slept With A Stranger at sa My Bastard Ex. Pinalitan ko lang 'yong name ng babae rito since this is a Fanfiction genre. Thanks and enjoy reading! Don't forget to vote!

INIP NA nakatayo si Mark sa labas ng Airport ng Siargao habang hinihintay ang van na susundo at hahatid sa kanya sa Alpas—ang cabin na tutuluyan niya sa loob ng dalawang linggo habang nagba-bakasyon sa isla. 
Mahigit sampung minuto rin ang hinintay niya at sa wakas ay dumating na ang van at siya lang ang lulan nito. Ng makaparada ang van ay agad na bumaba ang driver saka binati siya. Kaagad siya nitong tinulungan na ilagay sa compartment ang dala niyang backpack na naglalaman ng go-pro at drone.


"I'm sorry sir if I was late." Anito ng pareho na silang makasakay habang pinapaandar ang makina ng van. "I'm Rodney by the way, sir." Pagpapakilala nito ng nakangiti na tinanguhan lang niya.


Dalawang beses niya ng punta 'yon sa Siargao, so far ganoon pa rin ang pakiramdam niya sa isla. Relaxing and exciting. Pero unang beses niyang tutuloy sa 'di kamahalang cabin. 

"Have you been to Siargao before, sir?" Usisa nito sa kanya. Kasalukuyan nilang binabagtas ang Gen. Luna road. Medyo mabagal ang takbo ng van dahil sa mga turistang naglalakad at two lanes lang ang kalsada. 


"Yes, kuya." Tipid niyang sagot dito.

"Ah! So you know how to speak Filipino? That's nice!"

Ngumiti lang siya. Mukhang nakuha naman nito na ayaw niyang makipagkwentuhan dahil tumigil na itong kausapin siya. Isang oras din ang binyahe nila mula airport papuntang Alpas. Tulad ng ginawa ng driver, tinulungan siya nitong muli sa backpack niya. Nagbigay siya ng isang libong tip sa driver pagkatapos ay pumasok na sa Alpas. 

"Good morning, sir!" The receptionist greeted Mark with pleasant smile. "Welcome to Alpas Siargao! May I know your name so I can check which room you booked?" 

"Mark Ortega." He told her.

Kaagad na hinanap ng receptionist ang kanyang pangalan sa booking system nito. "You booked in Papo private room 2, sir." Anito. May kinuha itong bathrobe at towel sa likuran nito saka inabot sa kanya. "It's already open, sir. We have free breakfast sir and you can also rent our surf boards." Anito na nakangiti pa rin sa kanya. 

"Thanks." Mark didn't ask any questions. He took the bathrobe and towel and brought it with him to his cabin. At dahil maliit lang ang Alpas, madali lang siyang nakarating sa cabin. It's a sliding door cabin. White curtains, bamboo bedframes, bamboo table, chandelier made of shells and hanging mosquito nets.

He put down his back pack. Sa sobrang pagod sa byahe at jet lag ay mabilis siyang naghubad. He only left his boxer short and slammed his body on the bed.  He was finally able to get away from the problems of the family and work. His life had too many back stabbers and opportunists in the way. He'd come to Siargao for vacation and to get away from it all. By the sea. The sunlight beamed into his room.

Kahit ang amoy ng kanyang kama mabango. "Perfect." Bulong niya at napapikit.

He was finally getting time to himself and to think about the most important decision of his life. He was on the verge of success with the Estate company that he co-founded with his best friend- Matthew del Prado. Ngunit nagka-problema ang sarili niyang business. Wala na gaanong may nabebenta sa mga disenyo niya. Kung dati ay kahilera pa ng business niya ang LV at iba pang fashion company, ngayon ay mukhang babagsak pa yata. 

And now he wouldn't be able to spend as much time in his company as he had thought. The decision needed to be made fast sa utos ng kanyang lolo. Ayaw niya sa software company nito ngunit kakailanganin niya iyon upang isalba ang papalugi niyang kompanya. He hated to be under pressure—but for the first time in his workaholic life, he was taking a real break. Thankfully, he'd be alone. Solitude was necessary.

Matched In Siargao(Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon