Chapter 2

2.7K 90 19
                                    

Yumi's POV

"Yes po Tita, okay lang. Okay lang po talaga."

"Sige. Matulog na kayo, lalo ka na Yumi. Maaga ka pa bukas."

"Ye-" Magsasalita pa sana ako, buti nalang tinakpan ni Sean ang bibig ko. 

"Goodnight po Tita." Sabi nalang ni Sean.

"Okay, goodnight." Sabi nalang ni mommy at pumunta na ata sa room nya.

..

Bianca's POV

Excited nako para bukas. Ngayon palang hinahanda ko na ang dress na susuotin ko. Ano kayang itsura nya?. Mabait kaya sya gaya ng kinukwento ni Yumi?. 

Napalingon ako sa polaroid pictures namin ni Yumi na nakahang sa room ko. At dun din sa picture namin ni Daddy na nakaframe at nakalagay sa ibabaw ng desk ko. That picture was when I was 7. Pinicturan kami ni Mommy habang isinasayaw ako ni Daddy sa garden.

FLASHBACK

"Pag 18 ka na sasayaw din tayo ng ganito." Sabi ni Daddy.

"Talaga Dad?. Promise?."

"Promise. Mamatay man si batman."

Ang daya naman kasi mas nauna pa sya kay batman. Di na nya natupad yung pangako niya. At walang sayaw na naganap last year nung nag-18 ako.

EOFB

Hay naku Sean, I can't wait to finally meet you.

..

Yumi's POV

"I swear I'm gonna kill you pag--" Banta ko sa kanya. Nanggigigil ako sa baklang to, ako pa talaga ang naisipang pagtripan tsk.

"Oo na, oo na. Gagawan na nga ng paraan diba?. Saka date lang naman." What the--

"W-wait, date?. You mean ako yung--"

"Oo. Alangan naman ako. Tsk kaya nga kita ginawang ganyan diba?. Duh." 

"Nagdadahilan ka pa, nagdadalahilan ka pa--" Hampas ko sa kanya. Nanggigigil ako. Nanganagatwiran pa tsk.

"Chill muna okay?. It's not like the end of the world."

"Chill?! Chill?! First of all, this thing in between my legs freaks me out like hell!. And here, look at this face, legs and armpits. It would take eternity to take all these body hair off!. And you expect me to chill?!."

"But at least you look good."

"I do, b-but that's not the point!. Sean, ayokong maging lalaki okay?. And especially not going to date Bianca. That's just freaking weird and gross."

"Eh wala na nga tayong magagawa. Andyan na yan. Saka diba ayaw mong idisappoint si Bianca?. Couz, come on. Just give it a try."

"No. I'm not dating Bianca. I don't think I could ever lie to her."

KINABUKASAN 

Today is Friday at ngayong gabi na dapat yung date nina Sean at Bianca.

Sinalubong nya ko sa entrance ng school. Sasabihin ko na sana sa kanya na di na matutuloy yung date pero bigla nalang siyang umiyak at niyakap ako.

"Heeey, what's wrong?. Anong nangyari?." Nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Si Chichi. Iniwan nya na tayo." Iyak nito. Si chichi yung aso nyang chihuahua na niregalo ko sa kanya last year. Ayaw kasi ng mommy niya ng magulo at malaking pet kaya yun nalang yung binigay ko sa kanya. 

"Ano?."

"Iniwan ko lang sya saglit sa garage kasi tinawag ako ni Mommy, pagbalik ko di ko na sya mahanap."

"T-tapos?." 

"Paglabas ko pisa."

"Pisa?."

 "P-pisa na syaaa. Na-na-nasagasaan sya ng tru-ck ng bah-suhura." Hagulgul nya pa.

"H-hayaan mo, bibigyan nalang kita ulit. Wag ka nang umiyak please. Bili kita bago. Wag na yung aso. Ano bang gusto mo?. Tahan na kasi, pumapanget ka na. Sige ka, wala nang magkakagusto sayo nyan." Punas ko ng mga luha nya.

"Andyan pa naman si Sean diba?. Ipapakilala mo pa siya sakin." Nang sinabi nya yun para akong nakalunok ng isang kilong karayom na bumara lahat sa dibdib at lalamunan ko. 

Her heart just broke this morning. I don't think kakayanin kong dagdagan pa yung sakit na nararamdaman nya ngayon. Saka medyo ngumingiti na siya.

Kaya mamaya na nga lang. 

5:26pm. 

"Ayan, itext or tawagan mo si Bianca na di na matutuloy yung date. Pupuntahan ko lang muna yung restaurant na pinareserve ko." Abot ko kay Sean ng phone ko.

"Pero magiging lalaki ka na in a couple of minutes."

"Don't worry, nagbaon naman nako ng damit na masusuot. Pahiram muna ah."

"Kailangan mo ba talagang pumunta dun?."

"Eh kanina ko pa nga sinusubukang tawagan yung restau kaso wala namang sumasagot. Saka malaki laki din yung ibinayad ko no. Mas maganda kung ako mismo kumuha nung refund. Sige na, baka matraffic pako."

Kaya ayun umalis nako. I'm sorry Bianca. 

..

Bianca's POV 

Nakabihis nako. Naghihintay nalang ako ng pwedeng masakyan papunta dun sa restau dito sa sakayan. Bigla naman akong naexcite nang tumawag si Yumi.

Sasagutin ko na sana nang biglang hinablot ang phone ko.

"Nalintik na tsk." Seriously?. 

Alam kong delikado na pag hinabol ko pa yun kaya hinayaan ko nalang, baka mapatay pako nung snatcher at di nako matuloy dun sa date ko. 

Sa wakas may sasakyan na. Sumakay nako agad. 

Ba't kasi di nalang ako pumayag magpasundo? Haaays.

Ayan kasi, kunwari independent woman. Yan tuloy. Pero kaya mo yan B. You can do it.

..

Sean's POV

Sht pinatay ni girl. Pano na ngayon to? Tsk. Matawagan nga si Yumi. Nagtataka ako kung bakit busy yung linya, saka ko lang narealize na hawak ko nga pala ang phone niya. Tanga tanga.

Pano ko na ngayon masasabi kay Yumi na di ko nasabi kay Bianca na hindi na matutuloy yung date?. Ano ba kasing trip nitong Bianca na to? Tsk. Ba't nya pinatay yung phone niya?.

Well, come to think of it hmm.

Destiny, ikaw ba yan?. 

..

Yumi's POV

Papunta nako ngayon sa restau. Mabuti nalang di gaanong traffic kaya makakarating ako dun agad. Mommy's out of town because of work at iniwan nya ang kotse sa bahay. 

7:20pm nang makarating ako sa restau. Nagpark muna ako at dito na sa loob ng sasakyan nagbihis. Salamat sa nag-imbento ng tinted windows. Casual lang naman ang suot ko. After nun ay pumasok nako sa restau at lumapit sa counter.

"Good evening po sir. How may I help you?." Tanong nung babae na tila nagpapacute pa. Kinilabutan tuloy ako. 

"Uhm uh ako po yung nagpareserve ng table for two tonight. Gusto ko lang po sanang ipacancel."

"Ganun ho ba?. Name nyo po sir." 

"Ah ano uh Sean. Sean Garcia." 

"Sean?." Nagulat ako nang marinig ang boses na yun. Napalingon ako at nagulat sa nakita ko. You gotta be kidding me.  Ba't sya andito?.

Damn it. 

Girl Space Friend (BIAMI)Where stories live. Discover now