Chapter 4

2.3K 82 4
                                    

Yumi's POV

Kalma lang Yumi, si Tita lang yan. 

Sige na please. Sean, please.

O sya sya. Sige. Papunta nako.

Thank you. Bye.

Bye.

At binaba nya na.

"Anong sabi?." Tanong sakin ni Sean. 

"Dun nalang daw ako sa bahay nila."

"Woooh booty call, I love it." asar ni Sean.

"Yuuuck. Kahit kailan talaga Sean ang baboy mo."

"Joke lang. Pero malay mo naman diba?."

"Hindi ganun si Bianca. Matino syang babae." I sincerely said. 

"Pero lalaki ka na ngayon kaya--"

"Kahit na. Di parin yun rason para bastusin sya o pag-isipan ng kung anong kahalayan. Besides, she's my bestfriend. At ang magbestfriends, di nagtataluhan. Saka ginagawa ko lang naman to kasi ayoko syang makitang nalulungkot."

"Okay. Sabi mo eh. Basta, ingat sa biyahe. Baka mahulog ka, mahirap na. It's either sa bangin or kay Bianca."

"Sira."

 At ayun umalis nako. Habang papunta dun ay naramdaman kong medyo kinakabahan ako. Di ako mapakali. I checked my phone. Wala pakong natatanggap na text from Bianca. Mayamaya'y nakarating narin ako.

Pagdating dun ay nagulat nalang ako nang pagbuksan ako ni Tita.

"Good evening po Tita." Beso ko rito. Yun kasi talaga madalas kong ginagawa sa tuwing pumupunta ako dito.

"Di nako magpapaligoy ligoy pa. Manliligaw ka ba ng anak ko?." Grabe, nakakatakot si Tita. Ibang iba sa pakikitungo nya sakin nung babae pako kasi parang mas tinuturing pa nya akong anak kesa kay Bianca.

Pero ngayon, Oh my gosh.

"P-po?."

"Ma, ano ba? Nakakahiyaaa." Lapit samin ni Bianca.

"Tumahimik ka, di ikaw ang kinakausap ko. Ano lalaki? Sagot!."

"H-hindi po Tita. Magkaibigan lang po kami." Medyo nakayuko ko nang sagot rito.

"Saka Ma, sinabi ko na sayo diba?. Bakla po siya. Diba girl?." Sabi ni Bianca na medyo ikinagulat ko.

"O-opo. B-bakla po ako hehe. Beki, vaklush, sisteret. Ganern."

"H-halika na nga sa loob, andami nang lamok dito." Hila sakin ni Bianca papasok at pinaupo ako sa couch dito sa sala.

First time kong nakaramdam ng awkwardness kasi madalas talaga feel at home lang ako.

"Dito ka lang ah, kuha lang ako ng food. Kumain ka na ba?." Tanong ni Bianca. Di ako sanay kasi madalas,

FLASHBACK

Pagpasok namin ng bahay nina Bianca,

"Kung nagugutom ka may pagkain dun sa kusina. Kumuha ka nalang." Sabi nito at umakyat na sa kwarto niya.

EOFB

Pero ngayon sya pa yung nag-ooffer.

"Ah h-hindi na. Busog nako eh. Kumain na kami sa bahay." Sabi ko. Dami ko ngang nakain ngayon eh, nakakagutom pala maging lalaki.

Girl Space Friend (BIAMI)Where stories live. Discover now