Kabanata 19

1.6K 66 14
                                    

Freyja.

"S-Supremo Luke. Anong ginagawa mo dito?" kinakabahan kong tanong sa lalaking kaharap ko ngayon.

I was slammed perfectly on his broad chest. Hindi ko maiwasang mapakapit ng mahigpit sa kaniyang balikat dahil malakas ang hangin dito sa itaas. Tinanaw ko ang ibaba at nakitang lahat ng baril ng mga tauhan ni Lukashenko ay nakatututok sa chopper na sinasakyan namin.

Nakatigil lang sila do'n at mukhang hinihintay nalang ang senyas ng amo nila na ratratin kami. Bigla akong kinabahan, knowing Lukashenko, paniguradong nanggagalaiti na 'yon ngayon.

Napakagat ako sa aking kabi habang pinagmamasdan si Luke na may hawak na baril ngunit hawak pa din ang aking bewang habang nakadungaw sa ibaba. Napangisi siya na parang may naisip at kinabig ako paupo kasabay niya.

Napaupo naman ako sa tabi niya at tuluyan ng tumaas ang chopper kaya naman kinabit sa 'kin ni Supremo Luke ang seatbelt. Nangangatog ang mga binti't kamay dahil sa sobrang kaba ko. Baka mamaya ay paputukan kami nila Lukashenko, paniguradong dedo agad ako nito.

Napatigil ako sa pago-overthink ng may biglang kamay na pumatong sa aking hita, causing it to stop trembling. Napaangat ang tingin ko kay Luke. Nakangiti siya sa 'kin na para banag sinasabing magiging okay lang ang lahat. Unti unting nalusaw ang kaba sa aking dibdib at sinuklian ang kaniyang ngiti.

Hinaplos niya ang aking batok at pinadikit ang noo namin. Halos maduling ako sa sobrang lapit namin sa isa't isa pero nanatili akong titig na titig sa magagandang mata ni Supremo Luke. His eyes holds the whole universe, it's fascinating.

Nginitian niya ako at pagkatapos ay binitawan na din. Umayos ako ng upo at nag-ehem kunwari. Pati ang mga tauhan niya na nasa harap ko ay napaubo nalang din. Namula ang aking pisngi at nagiwas ng tingin sa kanila. Nakakahiya naman kasi ang pinaggagawa nitong si Supremo Luke.

"Bababa tayo sa aking private island. It will not took long for Lukashenko to find us so we will not stay too long. My wife still needs to rest and... change." tumaas ang kilay ko nang dumilim ang mukha ni Supremo habang sinasabi ang huling kataga.

I shifted on my seat uncomfortably when I realized I'm still wearing a very thin piece of clothing. It wasn't very revealing but it's not also comfortable to wear, especially when the wind was blowing strongly. Nilalamig ako dito sa aking upuan.

Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang pigil hiningang tanawin sa ibaba. Kitang kita ko ang iilan sa mga island malapit dito sa himpapawid. Maya maya ay unti unting bumaba ang chopper sa isang island. Napahawak ako sa braso ni Luke at napapikit, ipinagdadasal na sana ay walang Lukashenkong sumalubong sa 'min bigla.

Nakahinga ako ng maluwag ng sa aking pagdilat ay tanging ang ganda ng island ang bumungad sa 'kin at hindi mga armadong lalaki at baril. Naunang bumaba sa 'kin si Luke hawak pa din ang kaniyang baril. Nakangiti kong inabot ang kamay niya na inaalok niya sa 'kin.

When my feet landed on the finest white sand, the cold wind blew testing my hair and dress. Napatili ako ng biglang lumutang sa ere ang aking katawan.

Binuhat ako ni Supremo!

"Omy gosh, Luke! Ibaba mo nga ako!" angil ko kay Supremo pero umasta siyang parang walang nadinig at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa isang bahay sa gitna ng island.

"Wag kang magalaw. Baka mabitawan kita." napanguso nalang ako at hindi na nga muna gumalaw.

Pumasok kami sa loob ng bahay at saka niya lang ako binaba sa kahoy na lapag. Humawak ako sa kaniyang balikat para balansehin ang aking katawan bago tuluyang nakatayo. Nilingon ko saglit si Luke bago nilibot ang tingin sa buong silid.

Naglakad ako papalapit sa may glass na sliding dior kng saan kita ang paglubog ng araw at ang mga puno't halaman. Naramdaman ko ang presensya ni Luke sa aking likod kaya agad akong napaayos ng tayo. Hinaplos ko ang aking tiyan bago tumalikod para maglibot pa.

"You should change, aalis na din tayo." napalingon ako sa kay Supremo Luke pagkatapos niyang sabihin iyon.

What? Kakarating lang namin sa magandang island na 'to tas aalis kami agad?

"Just change if you don't wanna see my twin coming for us." napalunok ako sa sinabi niya at walang nagawa kundi ang abutin ang paper bag na inaabot niya sa 'kin.

Umakyat ako sa ikalawang palapag at pumasok sa isa sa mga silid na nandoon. Pagkapasok ko ay sobrang ganda din ng kwartong ito. May kama, mayro'n ding kabinet. May tukador sa gilid at night stand na kahoy sa tabi ng kama.

Hinubad ko ang aking damit at nilabas ang damit na nasa loob ng paper bag para iyon ang aking suotin. Simpleng itim na bodycon dress na may square neck line iyon na parang pang-buntis talaga, mesh ang puff sleeves. May nakalagay din sa loob ng paper bag na puting sneakers. Umupo ako sa kama pero hindi ko na talaga maabot ang paa ko.

Saktong papatayo na sana ako para tawagin si Lukr nang bumukas ang pinto. Iniluwa no'n si Supremo Luke na iba na din ang bihis. Umupo ulit ako sa kama.

"Need some help?" tanong niya at lumapit sa 'kin.

"Oo, hindi ko na maabot ang paa ko sa sobrang laki ng tiyan ko. Dalawa ba naman ang laman eh." napatigil siya sa pagluhod sa aking harapan at napatingala sa 'kin.

Laglag ang panga niya at parang gulat na gulat sa narinig. Kumunot ang noo ko. Hindi niya alam na twins ang magiging anak niya?

"What did you just say?" his figure slowly towered infront of me hanggang sa ako na ang nakatingala sakanya.

His breathing become rapid and violent. His cheeks reddened and his eyes become bloodshot. This is the view of Luke breaking down infront of me after finding we're having twins. Napangiti ako at pinunasan ang luhang tumulo sa piangi ko.

"We're having twins, Supremo." nakangiti kong sabi. I was immediately slammed on his chest. Sinuklian ko ang mahigpit na yakap niya.

Naramdaman kong namasa ang balikat ko kung nasa'n nakatago ang kaniyang mukha. He's crying! My big boy is crying! Nahalakhak ako at bumitaw sa yakap. Hinarap ko ang mukha niya sa 'kin at pinunasan ang kaniyang luha.

"The big boy can cry, huh? Isintas mo na nga yung sapatos ko ng makalarga na tayo." nakanguso kong sabi sakanya. Nagulat ako ng nakawan niya ako ng mabilis na halik sa labi bago ulit lumuhod sa harap ko.

Napailing nalang ako. Papatayo na sana ako pagkatapos masintas ng aking sapatos ng makarinig kami ng malakas na pagsabog. Dumiretso ako sa dibdib ni Supremo Luke ng muntikang matumba sa lakas ng pag-uga ng lapag.

Bumilis ang tibok ng aking puso at parang binabayo ng marinig ko ang putulan ng mga baril. Nagsisimula na. Diskumpyado ako tumingin kay Luke na ngayon ay parang kinakabhan na.

May kinuha siyang baril sa ilalim ng kama bago ulit kinuha ang bewang ko. Kinakabahan kong hinaplos ang aking tiyan bago siya tinanguan. Sabay kaming lumabas.

Diyos ko, sana naman ay makaalis na ako ng tuluyan sa bihag ni Lukashenko.

to be continued...

Supremo Got Me Pregnant (Mafioso Series #1)Where stories live. Discover now