Kabanata 25

1.3K 59 8
                                    

Freyja.

Kumunot ang noo ko at napatingin sa orasan. Mag a-alas dose na ng gabi, naka-dim na ang ilaw sa kwarto at nakahiga na sa may babang tabi ng kama ko si Aleia.

Kinabahan ako bigla habang bumubukas ang pintuan. Malakas ang tibok ng puso ko at nagsimula na ding manginig ang aking mga kamay.

Hinanda ko na ang sarili ko sa pagsigaw kung sakaling impostor ang pumasok pero naginhawaan ang puso ko ng makitang si Stefan lang pala iyon.

Binaba ko sa tabi ko ang kamay ko ang sumandal sa headboard. Umupo naman ang biaita sa sofa sa tapat ng kama ko. Kinunotan niya ako ng noo.

"Something happened?" aniya. Umiling ako at hinila ang kumot pataas sa bewang ko.

Nagpatuloy ako sa panood ng Hospital Playlist sa iPad na binili sa 'kin ni Aleia. Nasa last episode na ako at iniisip ko kung ano na ang sunod kong papanoorin.

"Bakit hindi ka pa matulog? Masama sa'yo ang magpuyat." napatingin ako kay Stefan nang bigla siyang magsalita.

Nginusuan ko siya, "Ilang araw na akong puro tulog at kain lang. Tignan mo nga ang katawan ko, ang taba ko na!" asik ko at tinuro sakanya ang malaman ko ng katawan,

"Atsaka buong magdamag akong natulog kaganina, kakagising ko lang pagkapasok-" napapikit ako ng bigla ako humikab. Pinunasan ko ang tubig na lumabas sa aking mata, "-mo." tuloy ko sa sasabihin.

Lumapit siya sa 'kin at kinuha ang iPad sa may hita ko. Napanganga ako ng patayin niya iyon.

"H-Hoy, teka! Nanunuod pa ako eh! Akin na kasi!!" sigaw ko sakanya at pinalo siya sa may braso pero naglakad na siya palayo.

Tatayo na sana ako para kuhanin kay Stefan ang iPad nang may biglang humawak sa balikat ko. Nagualt ako ng makita ang pipikit-pikit na si Aleia. Mariin kong naitikom ang aking bibig.

Lagot, nagising ata siya sa pagsigaw ko!

Pinanlakihan ko ng mata si Stefan pero inirapan niya lang ako. 'Tong masungit na 'to!
Nginitian ko si Aleia at niyakap.

"Hehe, tulog ka na, Aleia. Inaanyok ka pa kaya oh." pilit ko siyang nginingitian dahil baka mamaya ay sermonan niya pa ulit ako ng pagkahaba-haba. Inaantok na 'ko, baka hindi na talaga ako makatulog.

"Ba't gising ka pa?-" nilingon niya ang orasan, napapikit nalang ako at nagdarasal na huwag niya akong pagalitan. Ngumiti ako ng lingunin niya ulit ako, "-anong oras na, Frey! Dapat ay natutulog ka na, makakasama pa ito sa pagbubuntis mo!" napangiwi ako ng tumaas na ang boses niya.

"Ito na nga patulog na nga po eh. Nang-istirbo kasi itong asawa mo eh!" paninisi ko kay Stefan na halos mahulog sa kinauupuan niya ng bigla siyang linunginin ni Aleia.

Nilabas ko ang dila ko ng panlakihan niya ako ng mata bago tuluyang humiga. Nilapitan ulit ako ni Aleia at tinulungang ayusin ang kumot ko. Ginulo niya pa ang buhok ko bago ako tuluyang makatulog.

Pagkagising ko ay si Stefan nalang ang naabutan ko na nakaupo sa sofa at umiinom ng kape.

"Si Aleia?" tanong ko at humikab. Sinuot ko ang tsinelas na nakahanda sa gilid ng kama ko at naglakad papinta sa banyo para maghilamos.

"May inasikaso lang. Gutom ka na ba, ipapadala ko na ang almusal mo. Bawal kang magpalipas ng gutom." dinig kong sabi ni Stefan mula sa labas ng banyo.

"Teka-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pinto, umalis na siya.

Lumabas ako ng banyo at inayos ang buhok. I put it on a high ponytail before putting some face powder. Ngumiti ako sa compact mirror bago naglakad palabas ng pinto. Dinungaw ko ang ulo ko sa labas at nakitang walang katao-tao sa hallway.

Kumunot ang noo ko bago tuluyang lumabas. Oo nga pala, ang sabi sa 'kin ni Aleia ay kinailangan nilang i-reserved ang isang buong floor para sa 'kin. Mas naglakad pa 'ko palayo bago ko narating ang pinakadulo ng hallway kung nasa'n ang isang automatic glass door.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang dosenang bodyguard sa labas ng pinto. Nagtago agad ako sa isang gilid. Kinagat ko ang aking labi habang nag-isisip ng pwedeng gawin para makatakas.

Napagisi ako ng makitang grupo ng mga nurses na palabas, siguro ay nandito sila para mag-check ng ilang rooms kahit wala namang pasyente. Umayos ako ng tayo at nakisabay sakanila.

Pigil ang hininga ko habang naglalakad kami papunta sa may elevator. Ramdam ko ang tingin ng mga bodyguard sa 'kin. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag ng makasakay kami ng tuluyan.

Hinaplos ko ang aking tiyan habang pababa ng elevator. Nakikinig lang ako sa pianguuspaan ng mga nurses na nasa harap ko.

"Sa'n na ang next round mo nito?"

"Sa may fourth floor na. Kay Sir Santiago."

Nanlaki ang mata ko ng marinig ang apelyido ni Luke. I licked my lower lips and listened more. Guminhawa ang dibdib ko, buti naman ay okay na pala ang lagay niya ngayon.

Hindi na ako makapaghintay na makita si Luke, sisilip lang siguro ako sandali ngayon tas tataas ulit bago pa mahuli ni Stefan.

"Ay nako, kawawa nga 'yon 'no?"

"Oo nga eh, ay dito na pala kami. Sige, see you later!" bumilis ang tibom ng aking puso. Pa'nong naging kawawa si Luke?? Anong nangyayari?

Tumigil na ang elevator sa fourth floor. Sinundan ko ang nurse na siya daw magche-check kay Luke. Tumigil siya sa apat ng isang VIP room kung sa'n may nakalagay na 'Luke Santiago' sa gilid na wooden door.

Sisilip na sana ako sa loob ng kwarto ng biglang may humarang sa paningin ko. Si Stefan. He looks terrified as he slwoly closed the door. Hinaroa niya ako ng may matigas at galit na ekspresyon.

Hinila niya ang braso ko at dinala pabalik sa elevator. Pinindot niya ang floor kung nasa'n ang kwarto ko.

"What are you doing down there, Freyja?" I was scared of his baritone voice. Nanginig ang kamay ko babang napapalunok.

"I was just-"

"What will you do if you come across one of Lukashenko's people, huh?!" I flinched when he suddenly shouted.

"I-I..." hindi na ako tuljyang nakapagsalita at napayuko nalang ako. A tear escaped my eye. The elevator stopped and Stefan continued to drag me.

Nakasalubong namin ang mga bodyguards na nagulat ng makitang hila ako ng boss nila. Nanlaki ang mata nila at dumaan ang takot sa kanilang mga mukha. Nakita ko si Aleia na tumaas ang isang kilay.

"Oh?"

"S-Sir--"

"Meet me at the basement later. I want all of your to be their." there was terror on his voice. Guilt crept inside me. This is all of my fault.

"Areglado, boss!"

At hinila niya na ulit ako papunta sa kwarto pero binawi ni Aleia ang braso ko mula sa kaniyang asawa.

"Tsk, kung makahila naman 'to wagas. Galit yarn!?" aniya at hinaplos ang namumula kong pulsuhan.

Napatili ako ng bigla akong buhatin ni Aleia, pati si Stefan ay napanganga. Humalakhak si Aleai at nauna nang maglakad kasama ako.

"Shit, mas bumigat ka lalo ngayon ah. Mababali na ata ang mga buto ko!"

To be continued...

Supremo Got Me Pregnant (Mafioso Series #1)Where stories live. Discover now