Chapter 42

1.6K 53 28
                                    

Freyja.

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko habang nasa counter ako. Nakita ko ang pagpasok ni Luke kanina kasama yung babae kahapon. Kinagat ko ang labi ko at nagdasal na sana ay hindi ako ang mag-serve sakanila.

Tumunog ang buzzer at pinasa ko kay June ang order sa VIP 10 kung nasa'n si Luke. Nakahinga ako nang maluwag dahil s'ya ang magdadala no'n pero bigla siyang tinawag ni Sir kaya naman pinasa niya sa 'kin yung tray bago nagmamadaling umalis.

Nagbuntong-hininga ako bago inunat ang nalukot na uniform. Inipit ko ang ilang hibla ng buhok salikod ng tenga bago nagsimulang humakbang papunta sa second floor kung nasa'n ang mga VIP rooms.

Kumatok muna ako ng dalawang beses bago binuksan ang pinto. Hindi ko alam kung nasanay na ba agad ako sa environment ng bar kaya hindi na ako nagulat nang naabutan ko silang naghahalikan. May kaunting kirot sa puso ko habang marahan kong nilalapag ang tray sa salamin na lamesa.

A hand slide a 1000 peso bill next to my hand so I looked up and saw Luke wiping the smudged lipstick on the side of his lips. Nag-iwas ako ng tingin at umayos ng tayo bago kinuha ang pera sa lamesa.

Tumalikod ako bago binulsa iyon. Habang palabas ako ng pinto ay narinig ko pang nagsalita yung babae.

"Cheap gold digger, mukhang pera."

Nagkibit balikat nalang ako dahil mukha naman talaga akong pera. Isampal ko kaya sakanya yung karton ng gatas ni Art 'no. Lumipas ang dalawang linggo at walang palya na laging nasa bar si Luke kaya naman lagi akong may uwing isang libo o kay limang libo kung nando'n sila Ale.

Hindi ko nga alam kung parang namamalimos na ba ako sa kanila, kinakapalan ko nalang ang mukha ko para kay Art dahil hindi ko naman maitatanggi na kailangan ko talaga ng pera.

Ngayong araw ay nagday-off muna ako. Tinext ko si Natalie na siyang pinag-iiwanan ko kay Luke nitong mga nakaraang araw na hindi muna ako makaka-uwi at bukas ng umaga ko nalang dadaanan. Magsisimula na din siyang mag-aral sa susunod na buwan pero hindi ko alam kung sino ang pwedeng sumundo sakanya. Napapansin ko din na nangungulila na siya sa 'kin.

Siguro ay dahil hindi siya sanay na wala ako sa tabi niya kaya miski ako ay nalulungkot na din. Pinara ko ang taxi nang makita na ang tuktok ng dati naming bahay. Binigay ko ang bayad sakanya pagtapos ay bumaba na ako.

Ngumiti ako habang nakatanaw sa aming bahay, ang bahay na siyang kinalakihan ko.

Home Sweet Home.

Pagkapasok ko sa loob ay ganoon pa rin ang ayos ng lahat ng mga gamit. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng lungkot. Ang dating masiglang bahay na punong-puno ng pagmamahal ay naging matamlay at malungkot na bahay.

Bumalik sa 'kin ang lahat ng mga ala-ala kasama ng mga magulang ko. Nakikita ko pa rin ang batang ako na patakbo-takbo habang hinahabol ako ni Mama. Ang pagtabi ko sa kanila sa pagtulog.

Pinadulas ko ang kamay ko sa dating vanity ni Mama, dati ay alagang-alaga niya ito pero ngayon ay puro alikabok na 'yon. Miski ang kama, ilang taon na ding hindi napapalitan ang bedsheets. Inikot ko ang mata ko sa kwarto bago tumigil ang tingin sa kahoy na aparador.

Binuksan ko iyon at tumambad sa 'kin ang mga bestida ni Mama, kinuha ko ang pinaka-paborito niya sa lahat. Niyakap ko iyon at bago ko pa man namalayan ay sunod-sunod na tumulo ang luha mula sa 'king mga mata.

Napaupo sa maalikabok na sahig habang humihikbi. I hugged the dress tightly while screaming my heart out.

"Mama... Mama!" hikbi ko. Ilang taon man ang lumipas ay amoy na amoy ko pa din ang amoy ni Mama sa bestidang ito. It's like her smell is embedded in this dress forever.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto habang bitbit pa din ang bestida na naka-hanger pa. Pinunasan ko ang mga luhang dumikit na sa 'king pisngi bago bumaba ng hagdan.

Being here only makes my heart break more. Paglabas ko ng bahay ay 'di na ako nag-abalang pumara ng taxi. I walked and walked on the pavement, not knowing where my feet would take me.

Everytime I try to wipe my tears, it just keeps on falling like falls. My heart clenches at the thought of my parents.

Hindi ko alam kung paano ako naka-uwi pero pagka-gising ko ay nasa apartment nalang ako. Napatulala nalang ako sa kisame, ramdam ko ang pamamaga ng aking mga mata dahil sa sobrang pag-iyak ko kagabi. At ngayong naaalala ko namaman ay nagsisimulang mabuo ang luha sa 'king mga mata.

Nabalik ako sa ulirat nang tumunog ng malakas ang cellphone ko. Napa-upo ako bago pinunasan ang luha sa pisngi, inabot ko ang cellphone ko mula sa nightstand.

I swiped the screen before putting it on my ear.

[WAHHHH!!!—Hello, Frey? Your son is looking for you. He's been crying since he woke up. You wouldn't answer earlier, good thing you answered now.]

Tsaka ko lang naalala, ang anak ko!

"Papunta na ako d'yan! Pasensya na talaga, Natty!" tumayo ako at binuksan ang pintuan sa banyo. Kinuha ko ang towel ko at binuksan ang gripo.

[It's fine, no worries! WAHH!!! MAMA!!!–Your mama is coming, don't cry na.]

Agad kong binaba ang linya at nilagay sa lababo ang cellphone. Nagmamadali akong naghubad ng damit. Hindi na ako nag-dalawang isip at binuhos ko agad sa katawan ang tubig mula sa gripo.

"SHITTTT!!!!!!!!!" na napaka-lamig pala!

To be continued....

Supremo Got Me Pregnant (Mafioso Series #1)Where stories live. Discover now