RTF17

1.1K 33 13
                                    

RTF17

Busangot ang mukha ko habang naglalakad patungo sa court. It's a saturday and I'm being forced to come here just because my so called "boyfriend" has a match for today.

Hindi naman siya basketball player! He was a soccer player, so I don't see why he would be playing basketball today! Natripan lang daw ng mga Vallezes at ilang mga kaibigan dahil gusto raw nilang makalaro si Troy bago ito umalis.

Troy is not a basketball player either. He's more focused on academics, so he doesn't involve himself as much in sports like Blaze and Trent.

Si Trent lang talaga ang naglalaro sa kanila. He thinks of it as a rest for everytime someone forces him to take part in math and science competitions.

I wore a white printed shirt, black skort and a pair of black high waisted converse sneakers. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ko aakalaing madaming mga babae ang manonood ngayon.

Nag-uusap sa kabilang bleachers ang mga lalaki. Legend and Nikki is sitting away from them, nakayakap sa baywang si Legend habang hinahalikan ang leeg ni Nikki. Nakasuot na siya ng basketball jersey at mukhang handa na maglaro.

"Nasa labas kayo, oy!" saway ni Forrest, sabay halakhak. Isa rin siya sa mga Vallezes.

"Wala kaming pake..." rinig kong sagot ni Legend at pinagpatuloy ang ginagawa. Nikki blushed and lightly hit his arm before kissing him in the cheeks and chuckling.

I've always been envious of their relationship. Bago lang sila pero kung makadikit sa isa't isa ay parang di na maghihiwalay. Legend is a good guy. Gusto ko sana ng boyfriend na tulad niya pero iba naman ang binigay sa akin. Nikki is truly lucky to have him as her boyfriend.

Hindi ko alam kung saan pupunta dahil wala naman akong kakilala sa kabilang bleachers na puro babae. I didn't know that there will be a crowd today.

Ang iba sa mga babae ay napatingin sa gawi ko. They seemed shock or bothered to see me here. Inismiran ko lang sila habang nakakrus ang mga braso ko.

"I didn't know that you'll watch today?"

Halos mapatalon ako nung bumulong sa tainga ko si Quest. He smirked at me as his dimples showed up.

"Uh, hi... kaninong team ka?" I awkwardly asked.

"I'm with Trent. Ayokong sumama kina Gage kasi alam kong maduming maglaro ang mga iyon." humalakhak siya. "Akala ko, hindi ka mahilig sa sports?"

Ngumuso ako. "I'm not, napilitan lang ako."

Speaking of, I can't seem to find that boyfriend of mine who forced me to come today.

Boyfriend? Eww! I'm getting chills just by the mere thought of it!

Quest had a smile on his face that I can't seem to take my eyes off. Hindi ko maiwasan ang maghinayang. Kung wala kami ni Blaze ngayon, edi sana siya na ang boyfriend ko, diba?

He seems to like me, based on what I see. Mukhang wala naman na rin sa kanya ang nililigawan niyang binasted siya. I mean, that's why he kissed me before, right? Kasi kung gusto niya pa iyon, hindi niya ako hahalikan ulit.

"Audrey," I heard his voice.

I tried not to roll my eyes as the most annoying creature on the planet approaches me and placed his arms around me.

"Anong pinag-uusapan niyo ng girlfriend ko?" he asked Quest.

Alam ko namang may issue siya kay Quest mula nung nahuli niya kaming naghahalikan. I can't do anything about that and I don't care either. Hayaan mo siyang magselos para sukuan niya na ako agad.

Rule #2: Ruling The FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon