RTF07

1.2K 38 3
                                    

RTF07

My curiosity was piqued.

Madalas, sinasabi sa akin ni Troy pag may gusto siya sa isang babae. But this time, he didn't tell me about it. Maski anong clue or kahit ano, wala akong nakuha sa kanya.

Nakaupo lang kami rito sa labas, habang hinihintay si Troy. Biglang tumayo si Blaze at umupo sa tabi ko. I glanced at him and maintained a distance. Hindi ko pa rin alam kung paano nga ba kikilos pag nandyan siya.

"What did Troy say to you?" tanong niya.

Hinarap ko siya. Troy's words really made me curious. He sounds so in love with the new girl and happy with his decision to break up with Kenzie. I wonder if he told Blaze and Trent?

"It's nothing," hindi ko pa pwedeng sabihin, dahil baka ayaw pa ni Troy. I have to think about my next step. Ayoko rin na hayaang hindi maparusahan si Kenzie sa ginawa niya. Sinaktan niya ang kaibigan ko. And to think, I thought she was the nicest girlfriend he had! Yun pala, nakatago lang ang mga sungay sa likod.

"Wala?" he arched a brow, obviously not convinced. "You too seemed immersed with your conversation, earlier. Parang kayo nga lang ang magkasama dahil hindi niyo kami pinapansin sa likod niyo."

I gulped a bit.

"That's nothing," I said.

Mukhang hindi siya naniniwala. Biglang tumayo si Trent at tumingin sa cellphone niya.

"I have to go. Tell Troy that I left already." he told us.

I nodded slightly. Blaze did the same, and did a small handshake with Trent. I was left with the person I wanted to avoid the most. Bakit ba tuwing mga ganitong pangyayari sa kanya ako lagi naiiwan?

Bumalik siya sa upuan, matalim pa rin ang tingin sa akin.

"So what did he tell you?" pangungulit niya.

I groaned. "Would you please leave me alone?"

"What? I'm just curious. Saan niya nga nakuha 'yan? I just need to know, so I can teach whoever who did this, a lesson..."

I scoffed and shook my head. "Kamao mo lang ba ang sagot mo sa lahat ng problema mo?"

Kumunot ang noo niya.

"I didn't say anything about fighting, pero kung nalaman ko kung sino siya, I won't hesitate to throw a fist!" halata mong naiinis na rin siya nangyayari. Ever since then, Blaze has always been hot-headed. Bagay sa pangalan niyang may kinalaman rin sa apoy.

Nailing ako. "Know the story first, before acting up. Ayan ka nanaman, you're so impulsive."

Ilang sandali kaming natahimik bago bumukas ang pinto. Troy went out and thanked the doctor. Lumapit siya sa amin.

"I'm fine now. Sabi sainyo, hindi naman ganoon kalala e!" he tried to laugh it off, pero hindi kami natutuwa.

"Sino nga kase 'yan? I'll go and teach him a lesson!" tumayo si Blaze at inakbayan siya.

Troy looked at me. Sa tingin niya palang na iyon ay alam ko na ang ibig niyang sabihin. I nodded. His secret is safe with me.

"No one. Tara, uwi na tayo. Sayang yung pagkain, sana tinake out niyo lang." Troy avoided the topic and walked past us. Naramdaman kong ayaw niya rin pag-usapan, kaya hindi na rin pinilit ni Blaze.

Umuwi na kami agad, pagkatapos. Halos gabi na rin pala, at nakabukas na ang mga ilaw sa labas. Luckily, available ang driver namin, kaya  nakauwi rin ako agad. Nadatnan ko sina Mommy and Daddy, kasama ang mga kapatid ko na kumakain na at nagtatawanan.

Rule #2: Ruling The FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon