RTF15

1.1K 32 6
                                    

RTF15

Umuwi ako nung araw na yon na iniisip pa rin ang mga sinabi niya. My mind's cloudy and torn about something. Ang hirap naman ilayo ang sarili sa isang tulad niya. He's damn persistent and rude! Wala ba talagang halaga ang personal preference ko sa kanya?

Somehow, it made me feel like I'm a prize he has to win and it's not good. It doesn't make me feel good at all.

I'm not an object and definitely not a prize. I am my own self and he thinks of me that way, then I'll hate him even more.

I had my legs crossed, while sitting on a bench near the soccer field. May hawak akong isang frappe sa kamay at ang isa ay nakahawak sa cellphone. Wala ako kasama ngayon, gusto ko lang mapag-isa kaya tumakas ako sa kanilang lahat.

A message popped out on my notif.

Brax: Hi! I'm back, wanna hang out?

I twitched my lips. So far, he had no bad intentions. Mukhang mabait at gentleman naman. Kaya lang ay ganoon rin ang mga nakaraang lalaking sumubok sa akin. It's not new to me anymore.

Ako: Sorry, busy lang. Some other time?

Pinatay ko nalang ang cellphone para wala na akong irereply pa. I inserted it inside my bag and heaved a deep sigh.

Sorry, Brax. Wala lang talaga ako sa mood ngayon.

I decided to walk around the campus, my frappe and phone in hand. Tumigil ako nung may makitang pamilyar na lalaki. My eyes landed on Quest. Instantly, my feet stopped on its own and observed him.

He had his headphones on, di niya suot ang blazer at bukas ang ilang butones ng puting polo. Tanging white shirt ang labas ngayon, at nakapatong lang ang necktie at blazer sa bag. He didn't seem like he cares about the things around him. May mga iilang bumati, pero di niya napansin dahil abala siya sa pakikinig.

I haven't spoken to Quest after that kiss. Hindi ko alam kung ayos lang ba sa kanya dahil lasing na rin siya non.

Hindi pa man ako nakakalapit ay nag-angat na si Quest ng tingin. I got a closer look on his face now.

He parted his red lips. Napatitig siya sa akin, bago ito ngumisi. Nilagay niya ang headphones sa leeg at tinapik ang katabing upuan.

"Upo ka," ngiti nito.

I observed him from head to toe. Damn, Vallezes... you really are good looking, huh?

Ang gwapo niya sa bagong gupit na buhok at lalong lumakas ang dating. His red lips are curved up slightly, you can't help but to stare at them. Ngayon naiisip ko na kung bakit ko siya nagawang halikan nung gabing iyon.

Umupo ako sa tabi niya. Wala masyadong taong dumadaan dito, kaya tahimik. It's just the two of us here. Just the two of us...

"I want to say sorry..." I started. "Ano kasi, lasing ako non. I might've taken advantage of your drunken state too. Sorry, nahalikan kita..."

Nakatitig siya sa akin. Bahagyang nakaawang ang labi bago ito kinagat. I noticed his new piercing on his ear. Pansin kong mayroon ring ganyan ang pinsan niyang si Kannon.

"And I might've overdone it. Kaya sorry, hindi ko sinasadya..." I kept apologizing.

Tumango siya bago napangisi. Napapatitig ako sa mukha niya. Damn, he's shining even in the afternoon! Paano ba biniyayaan ng ganitong kagwapuhan ang mga Vallezes?

"You don't have to be sorry," aniya. "I like it anyway. Ginusto kong halikan ka. I wouldn't have pulled you back to me if I didn't..."

Tumaas ang sulok ng labi niya, napatitig ngayon sa akin. I didn't know how to respond. He liked that kiss?

Rule #2: Ruling The FlamesWhere stories live. Discover now