DAYO 1

4.6K 177 25
                                    

AMIRA'S POV

Nakapamulsa akong naglalakad sa madilim na eskinita ng biglang may humarang sa daraanan ko, napatigil ako sa paghakbang saka napatingala. Tinaasan ko s'ya ng kilay, kilala ko 'tong nasa gitna ahh, kung 'di ako nagkakamali s'ya 'yong binugbog ko, no'ng nakaraang linggo. Angas n'ya kasi mukha namang tukmol.

(FLASHBACK)

Tahimik lang akong naglalakad kagagaling ko lang sa coffee shop na pinagtatrabahohan ko. Napatigil ako nang may natanaw akong isang grupo ng kalalakihan, nakapaikot sila sa isang matanda. Tss mga walang magawa sa buhay. Mabilis akong naglakad at nagtago muna sa madilim na parte upang panoorin sila. Madalas ko na ring nababalitaan ang harang-harang gang hindi ko sila matyempuhan sa tuwing uuwi ako.

"Hoy! Tanda, akin na pera mo," maangas na sabi ng lalaking nakabandana. Napaismid naman ako pamilyar sa'kin ang boses niya, pero 'di ko lang maalala kong saan ko na ba iyon narinig at saka tinatamad na rin akong mag-isip. I'm sleepy and exhausted, damn.

"Wag ito lang ang pera ko, may mga apo pa akong naghihintay sakin" nagsusumamong katuwiran pa ng matanda. Teka si Mang Isko ba 'yon?

Pasimple along sumilip. shit! Si Mang Isko nga! Mga gago talaga itong mga 'to ah! God uugod-ugod na nga ang matanda kukutongan pa nila.

"Wala kaming pake alam, ngayon akin na" nanggigil na wika ng lalaking nakacap umatras naman ang matanda. Napakuyom ako ng kamao habang pinapanood sila. Mga walang awa talaga.

"Hindi, wag pakiusap," mahinang pakiusap ng matanda pero tumawa lang yo'ng mga impakto. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanila at hindi ko na nga talaga mapigilan, tuluyan na akong lumabas sa pinagtataguan ko.

"HOY!" sigaw ko sa kanila ng akto nang hahawakan ng dalawang lalaki ang braso ng matanda.

Napalingon sila sakin ng sabay kaya naman ay sinenyasan kong tumakbo na si Mang Isko. Nababasa ko pa ang pag-aalangan sa mata niya, pero binigyan ko lang siya ng magaang ngiti kaya naman ay agad s'yang kumaripas ng takbo.

"Ang matanda habolin nyo!" pasigaw na utos ng lalaking nakabandana, hahabolin na sana nila ng sumigaw ako

"HOY MGA DUWAG!" Marahas silang napalingon sa gawi ko

"HOY KA DIN BABAE!" mariing bulyaw nang nakabandana. Luminga-linga muna ako, wala gusto ko lang silang asarin.

"Yes" nakangiti kong sagot

"Mag-iingat ka sa mga pananalita mo." Tapos ay tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. Abat!

"Kahit babae ka papatolan kita," dagdag nya pa. Napahalakhak naman ako sa tinuran n'ya.

Ayan tayo ehh, 'yan naman laging sinabi ng mga duwag.

"What are you laughing at?" asar na hiyaw n'ya

Nagpipigil ngiti naman ako. "Nakakatawa kasi mga pagmumukha n'yo eh" mapang asar ko pang saad. "Papangit nyo pa" dugtong na singhal ko saka natawa. Kita ko namang naasar ng sobra ang leader nila dahil sa sama ng tingin niya sa'kin.

"Aba't hawakan nyo!" bulyaw n'ya pero bago pa man lumapat sa balat ko ang kamay ng dalawang lalaki nang may nagka-crack na sa mga buto nila. Tsk, naunahan ko lang naman ang mga unggoy.

"AHHHHH" Nakaluhod na palahaw nila mula sa sakit

"Ops sorry, sadya lang" may mapang asar na ngiti na saad ko sa dalawang nakaluhod bago hinawakan ang ang mga ulo nila at binunggo sa isa't-isa. Oh! sakit no'n boy. Siguro laki ng bukol nila sa noo bukas.

"Tss easy," saad ko pa habang nakatingin sa nakahandusay na mga walang malay na katawan, saka inangatan ko ang isa, masamang-masama s'yang nakatingin sakin.

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon