DAYO 43

929 55 17
                                    

"There is really no way" paguulit pa ni Wave habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko.

"And even if there is a way, I won't let you get away far from me." Napasinghap ako sabay napaupo ng matuwid dahil sa biglang pagbulong ni Uriel sa tainga ko, nakikiliti pa ako sa bawat mainit na hininga niyang tumatama sa leeg ko. Sinamaan ko ng tingin si Wave nang tawanan niya ako dahil siguro sa pula ng buong mukha ko, para akong kamatis sa pula.

"Anyway, ano pa ba ang ginagawa mo dito Wave, umalis ka na nga sa teritoryo ko" biglang baling niya sa kapatid.

"Tsk don't worry my attendant is very good" natutuwang saad pa niya.

Proud na proud pa siyang iniwan niya lang ang trabaho niya sa kan'yang attendant. Kawawang bata

"Don't leave the throne empty for a long time, Wave" the chills in Uriel voice made us gulped. Kahit si Wave ay biglang namutla nang marinig niya ang warning ng kapatid.

"Yes brother, so can you stop nagging?" Pagkatapos ay bumaba siya ng karwahe, kagat labi ko siyang pinanood na papalayo.

Shit gusto kong isigaw na isama mo ako!

Baka bigla akong lapain ng lalaking nasa harapan ko. Napaigtad ako nang bigla akong nakaramdam ng magaang haplos sa ulo ko, nag-angat ako ng Kay Uriel. He's looking at me softly

"And you, don't go anywhere ilang oras lang ay babalik na tayo sa palasyo," saad niya sa'kin tumango naman ako. He smiled and  kissed my forehead before he left, leaving me dumbfounded.

Geez. Damn Amira just look at the bright side hindi ka man makabalik sa tunay mong mundo nandito pa naman sina Diwana at Ate Reechil .

Pagkatapos kong kumbinsihin ang sarili ko ay napabaling ang tingin ko sa labas ng bintana mayamaya lang ay may lumapit na kawal sakin at sinabing babalik na kami sa palasyo. Hindi sumabay sa'kin si Uriel dahil mas pinili niyang mangabayo at nasa unahan siya ngayon kasama ang iba pang kawal.

Pagdating namin sa palasyo ay nagkagulo na sa loob. 

"What's happening?"

"Lord Agustus found dead hanging in his chamber, this morning" mabilis na saad ng assistance ni Uriel.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatakip ang kamay sa bibig. Did he committed suicide?

"What?"

Even Uriel couldn't utter any other words.

How about Arian? Oh my, parang naawa na ako sa kan'ya ngayon.

"ATE!!"

Isang sigaw ng babae ang umagaw ng atensyon ko. Saka sinunggaban niya ako ng isang mahigpit na yakap.

"Ate wahhh~"

Natawa ako nang marinig ko ang pag-iyak niya tapos ay lumuhod sa harapan niya.

"Saan ka ba galing? Nag-alala kaming lahat sa'yo."

Hinaplos ko ang buhok niya tapos ay niyakap siya ng mahigpit.

"Si ate Reechil? Nasaan?" tanong ko lumayo muna siya sa'kin bago ako sinagot

"Nasa kusina po"

Tiningala ko si Uriel upang tingnan siya at sinalubong naman ako ng mga titig niya. I'm asking permission to go to Reechil. Naiintindihan naman ata niya ang ibig sabihin ng mga titig ko, tumango siya na labis kong ikinasiya.

Tumayo ako at tumakbo papuntang kusina at nakita ko roon ang isang matangkad na babaeng nakatalikod habang nagbibigay ng instructions sa mga chiefs.

"Ano pa nga ba ang gustong kainin ni Amira?"

Dahan-dahan akong lumapit sa likuran niya, napatigil ang mga chiefs sa kanilang ginagawa ng makita ako sa likuran ni Reechil. I put my pointed finger in my lips at naintindihan din ata ng mga ito ang nais kong ipahiwatig.

Nang makalapit na ako sa kan'ya agad ko siyang sinunggaban ng isang yakap mula sa likuran sa gulat niya ay napatili pa siya. 

"AMIRA, JUSKO BA'T KA BA NANGUGULAT?!" hiyaw niya natawa naman ako ng sobra dahil sa naging reaksyon niya. Mayamaya lang ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit

"Kailan ka lang dumating?" Her voice broke and her tears keep rolling on her cheeks, tinuyo niya naman ito

"Kanina lang po," tugon ko naman

"Kamusta ka na?" Tanong niya ngumiti ako ng malaki

"Maayos na man po ako, eh kayo ho ba kamusta kayo?"

He sniffed and replied. "Maayos din naman kami ni Diwana"

I smiled and guide her into another room and we talked all the things that I missed. The study of Diwana, her achievements, and many more. Nagpaalam kami sa isa't-isa nang gumabi na dahil pupuntahan niya pa raw si Diwana sa kanyang mga kaibigan habang kami naman ni Uriel ay nauna nang maghapunan.

"Kumain ka ng marami"

Napaangat ako ng tingin kay Uriel, naghihiwa na siya ng steak niya tapos ay napasulyap sa'kin.

"Ilang araw kang walang kain kaya ko pinasadyang magluto ng marami para sa'yo" saad niya pa biglang uminit ang dalawa kong pisngi ko kaya ako yumuko at tumingin na lang sa Plato ko.

Ehh! Akala ko si Reechil ang nagpahanda nito.

Nag-angat ulit ako ng ulo upang tingnan siya sa mata tapos ay ngumiti.

"Y-yes, I'll eat well your majesty, thank you so much," saad ko pa. He nodded his head and continue eating at gano'n na rin ako.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid ako ng mga katulong sa isang kwarto na sobrang laki at iniwan ako. Ang ganda pa sa loob, blue and gold ang motif ng buong kwarto tapos sa kisame ay may malaking imahe ng simbolo ng emperyo habang sa sahig ng pinakagitna ng kwarto ay may nakaguhit na mapa na sakop ni Uriel. Habang tumatagal ay parang iba na ang nararamdaman ko sa kwarto na ito, sa mga desinyo, sa mga gamit, sobrang mamahalin at feeling ko kahit itong sahig na tinatapakan ko nagkakahalaga na ng ilang ginto.

"Why are you still standing there?"

Napalingon ako sa likuran ko, na roon si Uriel nakasandal ang balikat niya sa door frame while crossing his arms and looking at me. Hindi na ako nakapagsalita nang sundan niya ulit ito ng isa pang tanong.

"Done checking the whole room?" He asked again. Tumango ako.

Tang*na parang kinakalkula ko na nga ang bawat gamit na nakikita ko sa buong kwarto. Minsan nagtatalo pa kami ng isipan ko kung gold ba talaga ang mga nakikita kong kumikislap na dilaw, gaya nong malaking frame ng salamin na nasa gilid or that king sized bed. Feeling ko talaga maling kwarto nila ako dinala, kasi parang sa itong princess room or more than that.

He grin widely that makes him even more attractive and handsome in his red outfit. "What do you think? Isn't it beautiful?"

"Yes, but I think the maids brought me here by mistake" Ani ko pa kumunot ang noo niya tapos ay umayos ng tindig at lumapit sa'kin.

He caressed my cheeks and lifted up mg chin and pecked on my lips, then he hugged me tightly.

"This is your room from now on, the Empress room" he whispered I froze.

WHAT?

*********

Yikes, 2 more chapters to go then special chapters na agad ang kasunod at magtatapos na ang nobelang ito. Anyway nakalimutan ko kasi ang apelyido ni Arian paki-comment nga po if may namention ako hehe.

Sana magustuhan ninyo ang update na 'to

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon