DAYO 28

1.5K 120 20
                                    

URIEL

Pabalik-balik lang ang lakad ko. Wala sariling napasabunot ako sa buhok ko. Agad akong napaharap sa pinto ng bigla itong bumukas at pumasok doon si Cadmus. Yumuko sya.

"Galing daw po roon ang binibini upang magpaalam sa kanila."

Napakunot ang noo ko. "Magpaalam?"

"Opo, sapagkat uuwi na raw po siya sa mundo niya." Biglang pumintig ang tainga ko sa winika ni Cadmus.

"WHAT THE HELL!"

"W-wala raw pong binaggit ang binibini kung saan, ngunit ang sabi ay isang mangkukulam."

"What? Shit!"

Hell may ganon ba sa emperyo ko?

"Isa lang pong alam kong mangkukulam sa emperyong ito." Napakunot ang noo ko. So meron nga?

"Wag mo kong bitinin, Cadmus" nagtatagis bagang na saad ko.

"Pardon me, your Highness. Nasa gitna ng gubat maria."

"Ipahanda mo si Dahlia, mag-utos ka ng kawal pabalikin mo si Fireo at Lighden, magbibihis lang ako" mariing utos ko bago tumalikod at umakyat ulit sa itaas.

"As your your order, your highness," dinig kong sagot niya.

Hindi ka uuwi, Amira. Narito ang bahay mo! Narito ang buhay mo!

Paglabas ko ng main door, agad kong nakita ang tatlong knight na nakasakay na sa kanya-kanyang mga kabayo. Naglakad ako palapit kay Dahlia, hinimas ko muna ang ulo nito bago sumampa.

"Your highness nabalitaan ng kapatid ninyo ang pagkawala ng binibini, nasa tarangkahan na siya ng bayan kasama ang personal knight niya," sabi ni Lighden. Na nasa gilid ko. Napahigpit ang hawak ko sa lubid ng kabayo.

The more the better.

"Let's go."

Pinauna kong patakbuhin si Dahlia nakasunod lang sila Cadmus. Paglabas namin sa estate ng palasyo ay nakaabang doon si Wave kasama ang knight niya at...ano naman ginawa ng mga gagong 'to dito.

Napaiwas ng tingin si Sevestian, habang ang duke ay malamig na nakatanaw sa kung saan habang pasipol-sipol lang si Swezzer at nakangisi naman si Alejandro. Tiningnan ko si Zenith, mukhang siya lang ang matino.

"Sama kami, di pwedeng kayo lang noh," depensa nya. Napailing nalang ako sa inasal ni Zenith. Binabawi ko na pala ang sinabi ko.

Pinatakbo ko nalang ulit si Dahlia, sumunod naman sila. Dumiretso kami hanggang sa labas ng tarangkahan ng bayan. Nasa pagitan ng emperyo ko at emperyo ni Wave ang gubat Maria.

Wait for me woman, talagang paparusahan kita!

Nahila ko ng wala sa oras ang lubid ni Dahlia ng may biglang lumitaw na lalaki sa gitna ng daan. Nagulat din si Dahlia sa biglang paglitaw ng tao, napahiyaw ito at napatayo.

"Easy there, girl" pagpapakalma ko sa kanya. Hinimas ko ang balahibo niya para tuluyan na siyang kumalma. Binalingan ko ulit ang tao sa ibaba. Nakabahag lang siya at may tatoo sa iba't ibang katawan, base sa mga nakikita kong kaanyoaan niya ay isa siyang Moroca. Ang tribong nanghaharang at nangunguha ng mga bagay na may halaga, marami na ang nagrereklamo sa mga taong ito. Sinusubukan kong ipahuli sila ngunit masyadong matunog ang mga ito kaya nakakalipat agad sila ng lugar at doon na naman maghahasik ng lagim.

Nakita ko ring nakatayo na sa harapan ko ang tatlong Knight, nakahawak sila sa hilt ng espada nila.

"Umalis ka sa gitna ng daan, taong gubat." Humalakhak ang lalaki

"Wala ka sa territoryo niyo ginoo, kaya wag mo ko utusan."

"Order to kill this creature, your highness." Magalang ngunit alam kong nagngingit na sa galit si Fireo. Sa higpit pa lang ng hawak niya sa hilt ng espada niya, ay alam ko ng nagpipigil lang siya.

"Take him down quickly and quietly, Fireo boy," dinig kong singit ni Zenith.

"Shut up will you? Baka may kasama pa yan at carnivorous pa, makain pa tayo ng wala sa oras," mariing saway ni Swezzer. He has point, usually these kind of people are human eater. I dont know, if it's true or not. I don't care, anyway.

"Let's go," 'yon na lamang ang nasabi ko at pinatakbo si Dahlia.

"KAMAHALAN!/KUYA!"

Nanlalaki ang mata ko sa biglang pagsigaw nila ng sabay-sabay. Mabilis akong napatalon pababa kay Dahlia, nang may mga sibat na lumipad papunta sakin. Ngunit di ko inaasahan na may magkakamaling atakihin ako. Lahat naiwasan ko pwera nalang sa isa, nadaplisan ako sa braso. Aish makakapatay ako, sinamaan ko sila ng tingin.

DAMN IT!

Iginala ko ang tingin ko. Tanging ang binata lang na nakaharang sa daraanan namin. Napatiim bagang ako at napakuyom ng kamao.

How dare this stupid piece of trash!

"Lumabas na kayo sa pinagtataguan niyo," mariing utos ko.

Maya-maya ay may mga lalaking kagayang-kagaya ng binatang humarang sakin ang lumabas mula sa likod ng mga puno.

"Name your price"

Tch, pera lang naman ang katapat ng lahat. Humalakhak ang nasa gitnang binata.

"Pasensya na ginoo ngunit hindi ka namin maintindihan."

Ano namang nakakatawa do'n?

"Ano ba Kailangan niyo? Alam niyo bang nasa kasagsagan kami ng pagmamadali, tch." Humakbang ako papunta kay Dahlia, umakyat ako sa kanya. Pinasahan ko sila ng tingin, lahat ay mga binata.

"Dakpin silang lahat pati ang lahat ng katribo ng mga 'to."

Mula lamang sa kung saan ay mga nakaitim at nakapulang mga tao ang sumulpot, balot na balot ang mga ito, tanging mga mata lamang ang makikita sa kanila. Napailing nalang ako dahil nagsimula ng magtakbuhan sa iba't ibang direksyon ang mga moroca. Tss asan na ang tapang ng mga 'yon.

"Tara na." Pinatkbo ko na Dahlia hanggang sa makarating kami gitna ng gubat. May maliit na bahay kaming nakita, halatang may tao sa loob kasi may usok na lumabas.

"Ito na kaya yon?" tanong ni Wave na nasa tabi ko.

"Sa tingin ko," mahinang tugon ko.

Nilapitan nila Cadmus ang pinto tapos ay kinatok.

"Tao po," malakas na tawag ni Lighden. Mayamaya ay bumukas ang pinto at lumabas ang isang matanda. Nakasuot siya ng mahabang itim na damit, mahaba rin ang buhok niya at kulubot na balat. Tumingin siya sa direksyon namin at ngumiti, hindi ako sigurado kung ngiti ba iyon o ngising nakakaloko.

"Sino ba sila?" marahang tanong niya kila Fireo

"May nagtungo bang babae dito?" Si Cadmus naman ang nagsalita. Napaiwas siya ng tingin.

"Naku, wala naman." Tila nadadalawang-isip na tugon niya. I frown.

"Maari ba naming pasokin?" magalang na tanong ni Fireo. Bigla na lang nawala ang ngiti sa labi niya.

"Hindi maari ginoo, pasensya na."

Napaigtad ako ng biglang may tumili mula sa loob. I knew that voice.

Shit! Amira!

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon