DAYO 35

1.3K 72 6
                                    

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano? Looking at him, he looks very annoyed, nakasimangot siya at sa magulo ang buhok. Masamang-masama ang tingin niya sa pagkain na nasa harapan niya na para bang handa na niya itong atakihin, lasuglasugin at patayin. Masamang-masama talaga ang loob niya dahil pina-uwi ko talaga siya kagabi, dinadabogan pa ako parang nawala sa isip niya ang etiquette niya bilang isang emperor. Bandang alas singko ata ay bumalik siya dito and viola andito pa rin siya. Hayss.

"Walang mangyayari kung titingnan mo lang yan, your highness" nagpipigil ngiting saad ko napaangat naman siya ng tingin sa'kin.

"Tss" he hissed before rolling his eyes.  Nagpipigil tawang tinitigan ko lang  siya bago nagkibit-balikat. Looks like someone woke up in the other side of the bed. Naiiling nalang akong pumunta sa gilid niya at nilagyan ng pagkain ang plato niya, tila nagulat pa siya sa ginawa kong iyon.

"Ahm, kumain ka muna"

"Tss" inirapan niya ulit ako bago pinulot ang kutsara. Napaka-attitude ng isang to hmp. Umupo na lang ako sa katapat niya upuan bago nagsimulang kumain. Ilang minuto lang dumaan ay napasulyap naman ako sa kanya.

"Hindi ka pa ba uuwi sa palasyo?" casual na tanong ko

He furrowed. "Bakit pinapalayas mo na ba ako?" Mabilis naman akong napailing ng magkakasunod.

"Of course not. Baka kailanganin ka na do'n," mahinang tugon ko.

"Whatever" pairap pa na saad niya.

"Umalis ka na kasi," pilit na pangtataboy ko sa espirito-ay este sa emperor.

"Oo na, mamaya okay. Let me finish eating first, tsk?" Palihim ako natawa, he looks really annoyed and I find it kinda cute.

Oh God! I want to smack myself, tss what the hell I am blubbering.

"Your highness, nagkakagulo na Ang buong palasyo dahil nalaman nilang nawawala ka po" napaigtad pa ako sa biglang pagsulpot ni Fireo kahit si Uriel ay halatang nagulat.

"Fuck it!" he cursed before he breathe heavily saka niya ibinaba ang kubyestos at tumayo.

"Forgive my disrespectful act your highness" nakaluhod na paumanhin ni Fireo saglit naman siyang tinapunan ng tingin ni Uriel bago bumaling ulit sa akin.

"See you later" medyo napaatras pa ako nang bigla siyang mabilis na lumapit at hinila ako sa ulo tapos ay hinalikan ako sa noo. Halos mapugto ang hiningi ko habang ninanamnam ang mainit niyang labi na nakadikit sa noo ko.

The hell, Amira! Wake-up! Hindi ito ang tamang oras para sa ganyan, nanganganib pa ang buhay mo! 

Huminga muna ako ng malalim bago siya tinanguan ng inilayo na niya ang kanyang labi. Napatingala pa ako sa kanya at diretso siyang tinitigan sa mata. Itinaas naman niya ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ko.

"Take care here, if you need something just tell it to the maids, and never go anywhere." I don't know if we're my eyes playing tricks on me, but while he's saying those, he looks so soft. Ilang besses muna akong kumarap saka sumimangot.

"Oo na, alis na. Dami mo pang sinasabi" nakasimangot na pagtataboy ko sa kaniya. 

"Kiss me first" nakangising pangongondesyon niya pa. Uminit naman bigla ang pisngi ko mabilis akong napaiwas ng tingin.

"Alis na kasi" mariing pagtataboy ko.

"Kis-" agad kong pinutol ang sasabihin niya sa pamamagitan ng mahinang pagtulak sa kan'ya.

"Alis"

"Tss." Inirapan niya pa ako bago tumalikod hindi ko naman mapigilang mapangiti saka mapailing.  Grabe rin ang trip ng isang yon. May pa kiss-kiss pa siyang nalalaman.

Wala sa sariling napahilamos ako sa mukha kong nagsisimula ng uminit. The hell!

"My lady, kumain na po kayo." Agad akong napaangat ng tingin sa isang katulong, ngayon ko lang napansin andito na pala silang lahat. Napatikhim naman ako saka tumango.

"Ah, oh sige" tugon ko na lang bago pinulot ang mga kubyertos  at nagsimula nang sumubo.

Pasipol-sipol lang ako habang nakahiga at nakapatong sa head rest ang paa ko, humigpit bigla ang hawak ko sa libro bago gumulong. Shit! Hindi ko na alam kung ano ang maramdaman ko, napakamot ako sa ulo sabay napakagat sa labi. Unti-unti akong napasapo sa dibdib ko, bigla kasing kumabog ng malakas at mabilis ang puso ko. Dahil sa kalikotan ko ay hindi ko namamalayang nasa pinakadulo na pala ako ng kama, isang malakas na kalabog ang narinig ko kasabay no'n ay ang magkakasunod na malulutong na mura ko.

"Aray ko naman" mahinang daing ko pagkatapos no'n ay isang marahas na pagbukas ng pinto ang narinig ko. Napaangat naman ako ng ulo pero agad ding napayuko. The hell katangahan nga naman. 

"My lady, tulungan ka na po namin" mahinang saad ng isang babae saka nila ako inalalayan pa at pinaupo sa kama.

"Ahm...salamat" nakatingin sa sahig na saad ko.

"Wala po bang masakit sa inyo? Pinapatawag na po namin ang manggagamot" agad akong napatingala sa kanila.

"Ha? Hindi na iyon kailangan, maayos lang naman ang pakiramdam ko" mabilis na saad ko.

"Kailangan mo naming maniguro, kami po ang mananagot sa emperor kapag may nangyaring masama sa inyo" tugon naman ng babae. Napapansin ko lang ah siya lang ang kumakausap sa'kin, yong mga nasa likuran niya kasi parang mga robot. Walang emosyon ang mukha, matuwid na nakatayo matuwid pa keysa sa ruler, at hindi rin kumikilos.

Napakamot naman ako sa ulo. "Ah sige"

Tss napaka-OA talaga ng Emperor na yon.

"Andito na ang manggagamot" anunsyo ng kararating lang na katulong, if I'm not mistaken walo lang silang naririto habang may nararamdaman akong kakaibang presensya na nakapaligid samin or sa ibabaw ng mga puno to be exact. Minsan nga nararamdaman ko ang presensya ni Lighden and Cadmus tapos mawawala din agad.

"Just stay still, my lady" someone snapped agad akong napaangat ng tingin sa kanya. Isang matandang may mahaba kulay abong buhok gano'n din ang kanyang mahabang balbas.

Sinuri niya ako saglit bago lumayo.

"Maayos naman ang binibini, wala nang dapat na ipag-alala" saad niya habang titig na titig sakin. Napaiwas naman ako ng ulo. Ayoko ng klase ng tingin niya, parang may kinokompirma siya. Aish, don't think too much, Amira.

"Magpapaalam na ako my lady" napaangat naman ang tingin ko sa manggamot saka tumango.

"Sige po" tugon ko yumuko naman siya bago lumabas

"Nasa labas lang kami binibini, kung may kailangan ka po tawagin niyo lang po kami"

"Okay, thanks." Ngumiti at yumuko naman sila bago magkakasunod na lumabas.

 IM A DAYO [NOBLEMEN SERIES #1] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon