Chapter 14

2.3K 93 25
                                    

Chapter 14
Frustrated

Another school year has ended. Narito ako ngayon sa Giga Pizza para hintayin sila Troye at Raciela dahil kanina ko pa sila hinihintay.

Kanina pa rin ako nakatitig sa laptop ko. Nakabukas doon ang Instagram account ko at kanina pang tila nanangati ang aking mga daliri na tumipa.

It's been three weeks since River made an appearance. Hindi ko rin naman alam ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kamustahin gayong ang sabi niya ay mag message lang daw ako sa kaniya anytime na gustohin ko.

He's in Maldives with his family and... friends? Ang alam ko ay kasama nila ang pamilya nila Astrid. Hindi ko alam kung kailan pa ang balik nila. Basta ang alam ko ay three weeks na sila roon. May dalawang linggo pa naman bago ang pasukan.

He's now on his fifth year. A business course.

And yes, I can't even move a single finger to message him even though I feel like doing it.

Hindi ko itinuloy ang aking plano. Bumisita na lang ako sa walla niya sa IG. I can't help but smile whenever I see his recent post. That was from last month.

Nasa tapat siya ng malaking salamin niya sa kaniyang bahay at kulay abo ang buhok. Kita roon ang braso ko na may purselas na kagaya ng kaniya. Nasa ulo niya ang aking kamay dahil bino-blower ko ang kaniyang buhok.

He's much more attractive with that ash gray hair.

That was his dare.

Nagchampion sila noong recent season ng Saints League Basketball. I lit the torch for their team.

Bilang kapalit ng pagkapanalo niya ay inimbitahan niya ako ng isang buong araw sa dorm niya. Nitong malapit nang magbakasyon iyon kaya pumayag ako. Wala na masyadong tao. Pinakulayan lang naman niya ang kaniyang buhok. Maghapon lang kaming kumain nang kumain.

That day was... lovely.

Hindi ko lang alam kung nalaman na ba ng mga tagahanga niya kung sino ang kasama niya sa picture. Nakita ko noong nakaraan ay pinag uusapan na iyon.

He's dead silent in socmed.

Nangalumbaba ako at saka bumuntong hininga. Nilingon ko ang labas ng shop.

"Solo gaming."

Napalingon ako kay Shawntell nang ilapag niya ang aking order na pizza at gatas.

"How are you?" ngumiti ako sa kaniya kahit araw-araw ko naman siyang nakikita.

"Fine. Last day ko na rito ngayon!" she said in a jolly voice.

Nakita ko ang saglit na panginginig ng kaniyang kamay. Mabilis naman niyang itinago sa kaniyang apron.

"Congrats! Anong plano mo?" sinenyasan ko siyang maupo kaya masayang siyang ngumiti at naupo sa harapan ko.

I can stare at her angelic face the whole day. Napakaganda niya.

"Wala naman. Ayaw ko lang na maging sakit sa ulo rito," she whispered and rolled her eyes. Natawa ako roon.

"You're never a burden," umiling ako. She smiled sweetly again.

"You looks so problematic. I saw you from afar. What is it?" tanong niya.

I sighed and looked at my laptop. "I... I..." I shook my head. "N-never mind -"

"You miss River?" tumawa si Shawntell kaya napanguso na lang ako. "Huwag kang mag-alala at makakalimutin naman ako kaya kahit sabihin mo pa sa akin na mahal mo s'ya ay ayos lang," dagdag niya.

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Where stories live. Discover now