Chapter 29

3.4K 108 87
                                    

Chapter 29
Payback

Nagising ang diwa ko nang makarinig ako ng paghikbi sa aking tabi. Unti-unti kong iminulat ang aking mata. I saw River leaning beside me. His shoulders are going up and down while holding my hand. He's crying hard. Nasa hospital kami, I'm pretty sure.

Nang makagalaw ako ay dahan-dahan kong hinaplos ang kaniyang ulo, napatingin siya sa akin dahil doon. Mabilis niya akong niyakap at doon umiyak nang umiyak.

"Hey... why is my baby crying?" I asked him gently. Mas tila umiyak siya. "Hey... calm down... Shh."

"I... I thought I'd lose you..." he replied while sobbing. Napangiti ako dahil doon at hinalikan siya sa ulo. Umupo siya at parang bata na kinusot ang kaniyang mata. He's such a baby! "You went fifty-fifty, Mahal. That was the scariest part of my life!"

Nilingon ako ni River, kaagad kong pinunasan ang kaniyang luha. I kissed his cheeks. Same old River Lopez, iyakin pa rin pagdating sa'kin.

"I'm still here..." marahan kong sabi. Pilit ko siyang kinalma, mukhang nakatulong iyon dahil lumayo na siya sa akin at muling naupo ng maayos. He then smiled at me. "Hindi naman ako namatay."

Nagulat ako nang biglang tumayo si River at dahan-dahang nakihiga sa aking hospital bed. Wala akong nagawa nang ipatong niya ang kaniyang hita sa aking hita. Niyakap niya ako at isiniksik ang kaniyang mukha sa aking leeg.

"We have twins, Mahal," he whispered gently. Kaagad nangunot ang aking noo dahil doon. Itinaas ko ang kumot para silipin aking aking tiyan. Muli kong binalingan si River na ngayo'y nakangiti na sa akin.

"Seryoso?" I replied. Nanlaki ang mata ko. "Kaya ako dinugo? May kambal... na tayo? Totoo?" sunod-sunod kong tanong.

Natawa si River at tumango. Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge at saka ako hinalikan sa labi. "Yes! I told you He'll hear us!"

"A-anong sabi ng doktor?" tanong ko ulit.

"Bedridden ka raw for days hanggang sa maging ayos ang kapit ng mga bata."

Natulala ako sa kaniyang sinabi. I heard him sigh kaya muli ko siyang binalingan. "They almost died... when you're about to," he said in a weak way. "Mababaliw ako kaiiyak sa D'yos, Mahal. He heard me, at least!!"

Parang piniga ang aking puso dahil sa narinig. Para akong idinuduyan ng mga salita ni River na palagi kong nadarama.

"Then, I won't work muna?" bigla kong tanong. Mabilis na kumunot ang noo niya at pinisil ako sa ilong. "River!"

"Sorry, sorry! Napalakas ba?" bigla siyang nataranta. Akma niyang hahalikan ang aking labi nang matawa siya. "You're red as tomato, Mahal!" may pang-aasar niyang sabi. Sinimangutan ko siya at itinulak sa mukha. Nagulat siya sa aking ginawa.

"Battered husband na ako, Mahal!" he said dramatically. Napangiwi ako at hindi siya inimikan. "And yes, you're right. You won't work. Kahit magkaanak ka."

"Ano ka, sineswerte? Magtatrabaho ako kapag nanganak na ako!" bulyaw ko. Inirapan ko pa siya kaya muling nanlaki ang mata niya.

"Mahal, nalaman mo lang na buntis ka ay inaaway mo na ako," he said and pouted. "Huwag mo naman ako ipagpalit sa anak natin, Mahal."

"Ang drama mo," angal ko. Natawa siya at akmang pipisain ulit ang aking ilong kaya mabilis ko siyang pinalo sa kamay. Maya-maya pa'y natawa na rin ako nang yakapin niya ako.

"Congratulations!"

Natigilan ang tawanan namin ni River nang may magpasukan sa loob ng kwarto. Kaagad napataas ang kilay ko nang makita ko si Attila na kasama nila T at Raciela. May mga dala silang lobo, box ng cake, at iba pang pagkain.

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Where stories live. Discover now