Chapter 22

2.8K 125 268
                                    

Chapter 22
Disappointment

Tahimik kong isinara ang pintuan ng aking bahay nang masigurado kong handa na ako para sa aking klase. Hindi na ako lumingon pa sa katabi kong unit, dumiretso na kaagad ako sa elevator para makababa.

Hindi kaagad ako lumabas ng apartment building, dumiretso lang ako sa bahay ng magkapatid na Suson.

"Oh? Miss mo 'ko?" ngumiti sa akin si Rad. Sinamaan ko siya ng tingin. "Pasok! Good morning na rin!" he added sarcastically. He's on his shirt already.

"I just want to ask a thing," panimula ko. Medyo kabado pa. Hindi na ako pumasok hanggang sa sala nila.

"Oh?" tanong ni Rad. Pumasok siya sa loob.

"Why... why is he my neighbor? Anong mayro'n?" taka kong tanong. Narinig ko ang tawa ni Rad mula roon.

"Bakit mo pinoproblema?" bumalik si Rad sa aking harapan, inabutan ako ng sandwich at bottled of milk.

"H-hindi—"

"Sus! Kaya pala ang aga mo rito!" he smirked. Nakita kong kinuha na niya ang kaniyang susi sa sabitan nito. "Ihahatid na kita. Walang klase si Gela ngayon," he added.

Nangunot ang aking noo sa narinig. Kaagad akong umiling. "Kaya ko ang sarili ko—"

"Yeah, I know," tumawa si Rad. Hinigit niya ako sa braso palabas ng kanilang bahay. He quickly wore his coat. "You wanna get rid of him, right? You need more time to face him?" tila nang-aakit niyang sabi. Inakbayan pa ako.

"Oh?" inip kong tanong. Nakarating kami sa parking lot ng building. Nasa tapat na kami ngayon ng kaniyang sasakyan.

"Let him know that you moved on already," Rad winked. Tinakluban ko ang kaniyang mukha gamit
aking palad. Natawa siya. "What? I'm helping you—"

Ang tawa ni Rad ay natigilan nang may bumusina sa aming likuran. Masyadong malakas at sunod-sunod iyon, tila galit at nagmamadali.

"For God's sake! Pwede bang umalis kayo sa daan?!" malakas na sigaw ni River ang sumalubong sa amin nang buksan niya ang pintuan ng kaniyang sasakyan. "Nagmamadali ako at parking lot ito! Hindi dating place! Damn it!" huli niyang sigaw, muli siyang pumasok sa sasakyan.

Bumusina pa ng isang beses si River. Dali-dali na kaming tumabi ni Rad dahil doon. Mabilis namang umarangkada na palabas ng building ang sasakyan, akala mo'y babanggain lahat ng haharang sa kaniyang dinaraanan.

"That's what I'm talking about," nagkibit-balikat si Rad nang makabawi. Mabilis ko namang inalis ang kaniyang akbay sa akin. Umuna na ako sa sasakyan habang siya ay tatawa-tawa na sumunod.

"Dalawa ang pwedeng resulta ng competition na ito kay River, M," pangungulit na naman ni Rad. Inilingan ko siya, he then started the engine. "One, pwedeng mas i-persue ka niya dahil competitive siya... Or two, he'll leave you alone because he'll think he can't win you back 'cause you're into someone now and... he'll do everything just to make you happy," dagdag niya. Umandar na ng tuluyan ang kaniyang sasakyan.

Hindi ko na lang sinagot ang mga sinasabi ni Rad. Nanatili akong tahimik at dinama ang katahimikan ng payapang kalsada.

"Loved your shots yesterday, Maria!"

Sigaw sa akin ni Arie mula sa kabilang side nang makita ako nitong pumasok sa school. Kaagad akong ngumiti at kumaway sa kaniya.

"Thank you!" sigaw ko pabalik, nagmamadali na akong dumiretso papunta sa architecture department. Bago pa ako makarating ay nakailang tigil pa ako dahil sa pag-bati sa mga kakilala ko.

"Pretty Maria! I'm coming you! Count me in!" sigaw naman ni Roberto.

Natawa ako dahil doon, inilingan ko pa ang ilan sa kanila bago ako tumuloy.

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Where stories live. Discover now