Chapter 17

2.3K 111 163
                                    

Chapter 17
Jeep

I bit my lower lip as I simply glance at River and Ate Jia's side.

Naroon sila sa labas at doon pala ang kanilang shooting para sa araw na ito. Ang sabi lang ni River ay sa area na ito ang shooting. Hindi ko alam na rito mismo.

Narito kami sa St. Valdemor ngayon dahil may practice kami para sa nalalapit na pageant. Hindi pa naman makapagsimula dahil pati ang trainor ay abala sa panonood ng shooting ng isang motor brand. Tahimik ako at mag-isa na nakatayo sa gilid habang ang mga kasamahan ko ay kani-kaniyang kwentuhan.

Wala naman akong kausap palagi rito.

Si Ate Jia ay hindi ko na rin kinakausap.

Ayaw kong mabuhay sa kasinungalingan niya.

Hindi alam ng iba... hindi alam ni River na si Ate Jia na pala ang nagrereply sa mga text niya.

Nakakasama ng loob. Nakakainis. Hindi ko na lang sinasabi kay River dahil baka magkasiraan pa sila. Ayaw ko noon dahil trabaho niya ito.

Kaya pala si Ate Jia itong sumipot sa runway ni River nitong nakaraan.

Hindi ko alam kung anong mali ang nagawa ko sa kanila ni Attila at ganito nila ako tratuhin.

Hindi ko inagaw si River sa kanila, kung iyon man ang dahilan ng lahat. Kahit kailan ay hindi ako nagpumilit na mapansin ng isang iyon. Siya itong pilit na gumawa ng koneksyon namin.

"Hays, ang cute talaga nila."

Biglang may bumangga ng balikat ko at saka ako nilagpasan.

Mabilis na kumunot ang aking noo. It's Attila.

At bakit siya narito?

"Oops! Nariyan pala si Virgin Mary!"

Pang-aasar pa niya sa akin.

She's wearing a baby pink dress with her killer heels. Maganda si Attila. Sobrang ganda. Hindi ko lang masasabi na maganda rin ang ugali.

Ang ilan sa mga kasamahan ko sa pageant ay napalingon na sa aming gawi dahil sa biglaang eksena na iyon.

Kilala si Attila at ako naman... ay wala lang. Simpleng estudyante.

Inayos ko ang aking bag na nagulo sa pagkakasabit at hindi ko siya pinansin. Akmang lalagpasan ko siya nang hawakan niya ako sa braso.

"I thought he likes you? Bakit naglilihim sa'yo? Bakit sa iba sumasama?" ngumisi sa akin si Attila at hinawakan ako sa ulo para iharap sa shooting na nangyayari sa labas. "Bulag-bulagan ka ba? Uto-uto ka?"

Para akong nabilaukan sa biglang ginawa ni Attila.

I can feel that my knees are trembling now. I tried to calm myself.

"Nagsusumbong ka pa? Ikaw naman talaga itong manunulot. Ako unang nagkagusto sa kaniya. Ikaw lang itong easy to get, e," biglang tumawa si Attila at bigla akong binitawan.

Kung... easy to get nga ako... bakit hanggang ngayon ay hindi ko boyfriend si River? Bakit hindi ako naghahabol?

Nagulat ako nang biglang tumawa si Attila. Pumalakpak pa siya at ginaya ang madalas kong ginagawa na paghawi sa aking buhok.

Tuluyan na kaming nakakuha ng atensyon dahil sa distracting na tawa niya.

Nanginginig na ang labi ko at ang mata ko ay nag-iinit na sa nagbabadyang luha.

But no.

Ayaw ko umiyak. Hindi naman ako ganoon kahina. Hindi ako mahina.

Hindi ka mahina, Maria.

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Where stories live. Discover now