Chapter 3

7.5K 317 14
                                    




Sherwin

"Hi Girls! Congratulations!" Binati kami ng babaeng kinababaliwan ni Von kanina. Devin yata ang pangalan nito.

Isa-isa niya kaming yinakap pero pagdating sa'kin agad ako umiwas. Nakakunot-noo naman siyang tinignan ako. "Uh—pasensya ka na Devin, ganyan talaga 'yan. Ayaw niyang may yumayakap sa kanya. May phobia ang hinayupak na 'yan eh." Humingi ng tawad si Von, sinamaan ko siya ng tingin. Loko-loko ang babaeng 'to. Ngumiti nalang ako kay Devin ng pilit.

"No worries." Nginitian niya rin ako pabalik. Sa totoo lang, muntik na akong matunaw sa ngiti niya, ang ganda kasi eh. Well, maganda naman silang lahat kaya maraming humahanga at nahuhumaling sa kanila.

"Bago namin malaman ang mga pangalan ninyo kami muna ang magpapakilala." Paliwanag niya.

"Ay—hindi niyo na kailangan magpakilala kilala na namin kayo. Except sa isang 'to." Siniko ako ni Von ng mahina kaya napatingin ako sa kanya.

"Talaga? It's too rare na walang nakakakilala sa amin." May dating ang pagkakasabi nito.

"Hindi naman kasi porke't sikat tayo, kilala na tayo ng lahat." Biglang may nagsalita sa likod. Ewan ko kung bakit pero may naramdaman akong kakaiba ng marinig ko ang boses na 'yon.

Naglakad siya sa harap ko at inilahad 'yung kamay niya. Napagtanto ko na siya ang babaeng tinititigan ko kanina. Medyo nagulat pa ako dahil ang ganda niya sa malapitan.

"Hi, I'm Amanda. Amanda Zhang." Pagpapakilala niya. Zhang? So, may lahi rin siyang chinese? Pero parang wala sa itsura.

Tinanggap ko 'yung kamay niya at do'n ko naramdaman ang bultahe ng kuryente na dumadaloy mula sa kamay papunta sa kabuoan ko.

Agad kong binawi ang kamay ko dahil nakangisi na siya sa'kin ngayon. "Hindi ka man lang ba magpapakilala?" Nakataas ang isa niyang kilay pero nando'n pa rin ang ngisi sa kanyang magandang mukha.

She tilted her head to the side no'ng mapansin niyang umatras ako ng kaonti. "Sherwin."

"Sherwin?" Ang ganda ng pagkakasabi niya sa pangalan ko dahil mala-anghel ang kanyang boses. "Sherwin Yun."

"Sherwin Yun—hmm..." Ewan ko pero parang kilala ko siya, hindi dahil sa ninanakawan ko siya ng tingin kanina pero parang matagal na kaming magkakilala. "Interesting."

"Ehem—baka matunaw kayong dalawa n'yan." Napabaling ang tingin ko kay Lia. Hindi ko alam na nandyan pala sila, hindi ko napansin.

"Paanong hindi mo mapapansin eh, busy ka kakatitig kay Amanda." Sinamaan ko ng tingin si Von.

"Anyways, Hi! I'm Devin. Nice to meet you." Akala ko ilalahad niya rin 'yung kamay pero flinex niya lang kanyang muscles. Dahil doon parang asong naglalaway dito sa tabi ko si Val.

"Gosh, Bal. Ang hot niya talaga." Bulong niya sa'kin habang nakatitig pa rin kay Devin na kanina pa pinapakita ang muscles.

"Baka magalit si Toni n'yan." Balik kong sabi.

"Huh? Bakit naman magagalit 'yon?" Nagkibit-balikat ako at tumingin sa kanya.

"Nakita kong tinititigan ka niya kanina, hindi lang sa laro niyo pati na rin ngayon." Binigyan ko siya ng nakaka-asar na ngisi. Kanina ko pa kasi napapansin na panay sulyap sa kanya ni Toni, ewan ko ba dito sa babaeng 'to na sobrang manhid.

Tumingin si Bal kay Toni at napansin niyang nakatitig pa rin ito sa kanya. "Oh my Gosh, Bal. Grabe naman 'yung titig niya."

Napatawa ako ng mahina. "Bakit? Naaapektuhan ka ba?"

𝐀𝐌𝐀𝐍𝐃𝐀 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon