Chapter 49

2.7K 128 38
                                    


[Trigger Warning]

Amanda

"Ms. Zhang, pinapapirmahan po ng head of finances. Need po ng signature niyo for approval." Napatigil ako sa trabahong ginagawa ko nang dumating ang secretary ko.

"Tanya, I already told Jack na hindi na kailangan ng pirma ko. I already gave him my answer." Napahilot ako sa sentido ko.

"Eh, Ma'am. Ibang kontrata na raw po ito, eh."

"Fine. Amin na." Inibot niya ang mga papeles na hawak niya at inilagay ito sa lamesa ko.

"What's my remaining schedule for today?" Tanong ko habang pinipirmahan ang mga papeles.

"At 4 pm po, you have a meeting with the board members which is ngayon na po and at 6:30 pm, a dinner po with your fiancee."

I sighed heavily. "Did I not told you to cancel the dinner?" Inis kong sabi. Wala akong time makipagdinner. Mabuting umuwi ako kaagad at sa bahay nalang kumain.

"Y-Yes po, pero kabilin-bilinan po ng fiancee niyo na 'wag daw ipa-cancel."

"Gosh, she's the worst." Napasandal ako sa upuan ko dahil sa pagod.

Agad kong napansin ang singsing sa kamay ko, ipinaikot-ikot ko ito sa aking daliri. I suddenly remembered something.

"This is a promise ring, a temporary one kapag hindi pa tayo kasal. I'm giving this to you, which means I want to spend my whole entire life with you. I would be delighted if you wear it."

"I know this is not my business pero... mahal niyo pa po 'yong ex niyo, 'no?" Malungkot akong tumingin kay Tanya. She's been my secretary for almost 3 years, we became friends at naging komportable na kami sa isa't isa pero pagdating sa trabaho we remain professional.

Pagka-graduate ko ay sinabak agad ako ni Dad sa business world. He assigned me as the new CEO of one of our companies. While si Kuya ang nagmamanage ng iba pa. Dad told us na he's too old to handle it. Lalo na't pinagbabawalan na siya ni Mom.

A lot of things have happened over the past four years. Naka-graduate ang lahat ng Golden Vipers at syempre naka-graduate rin sila Von.

Nakakamiss. I can't believe na dati sama-sama kami sa iisang bubong. Ngayon may kanya-kanya na kaming buhay.

Good old days.

Until now, hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari ilang taon nang nakalipas.

Sherwin, I miss you. My lovey, my future wife.

How can I move on? When I'm still in love with you?

"Ito po, Ma'am." Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko kaya binigyan ako ni Tanya ng tissue.

"I'm sorry. By the way, tell the board members I'm coming." Tumango ito bago nagpaalam. Hindi pa sana siya aalis but I assured her na okay lang ako.

Inalis ko ang salaming suot ko bago pinunasan ang basa kong pisngi. Nag-ayos din ako ng sarili dahil ayokong salubungin ako ng mga board members na ang gara ng itsura ko.

Saglit pa akong napabuntong-hininga at tuluyan nang lumabas ng office.


Matagal bago matapos ang meeting ko with the board members. Nakikinig lang ako sa mga sina-suggest nila, wala akong naiintindihan dahil okyupado ang isipan ko.

"Ms. Zhang, una na po ako. May kailangan pa po ba kayo bago ako umalis?" Sumulpot sa tapat ko si Tanya. Kakagising ko lang dahil konti lang ang naitulog ko kagabi kaya saglit akong umidlip pagkatapos ng meeting.

𝐀𝐌𝐀𝐍𝐃𝐀 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon