Chapter 23

4.1K 167 2
                                    






Sherwin

Napadaing nalang ako sa sakit nang may tumama sa ulo ko. "Aray."

"Oh my! Sorry, Bal!" Agad lumapit sa 'kin si Von. "Ikaw naman kasi, eh. 'Wag kang paharang-harang."

"Ako pa talaga, ha? Ikaw na nga itong nakatama sa 'kin."

"Saan ba galing 'yang christmas ball? Hindi pa naman pasko pero mayro'n ka niyan."

"Kinuha ko 'yan sa storage room para may weapon ako. Alam mo na, kung sakaling talakan tayo ni Claudia ibabato ko lang 'yan sa kanya." Pagdadahilan nito. Talaga ang isang 'to, ang hilig manakit.

"Kailan ba kayo magsisimula?"

"Mamaya. Hihintayin lang namin si Madam President. Teka, hindi ka sasama sa amin?"

Umiling ako. "Hindi naman required sabi ni Stacy. Bakit sumama kayo?"

"Para dagdag grades. Sayang din 'yon." Sabi niya habang nilalaro ang pulang christmas ball. "May gagawin ka ba mamaya?" Tanong nito.

"Oo, bakit?"

"Wala lang, miss na kita ka-bonding, eh. Miss ko na ang bestfriend ko." Napangiti ako.

"Paano kasi, si Toni at Devin ang lagi mong inaatupag. Hindi mo na mamalayan na may naiiwan ka."

"Sorry na. Sherwin, 'wag ka nang mainis~~ bumalik ka na sa 'kin... sorry, mahal, ika'y nasaktan, bumalik ka na sa 'kin~~" Niyuyogyog niya ang balikat ko habang kumakanta.

"Tumagil ka nga. Ang panget ng boses mo."

"Ang hangin naman. Porke't magaling kang kumanta." Napangisi ako sa kanya.

"Alam mo, Bal. Okay lang naman sa 'kin kung iniintindi mo sila Toni. Kasi wala naman akong paki."

"Grabe ka na talaga! Wala kang paki kung masaktan ako?"

"Wala." Tipid kong sagot.

"Eh, Bal naman!" Napabusangot naman 'to. 'Yong mga estudyante na dumadaan sa harap namin ay pinagtititigan siya dahil ang ingay niya. Nasa quadrangle pa naman kasi, nakaupo sa may gilid.

"Seryoso, ang pangit mo magtampo."

"Bal! Sisipain kita." Parang bata talaga.

Ngumiti ako sa kanya bago siya inakbayan, tumingin ako sa harap.

"Hindi mo pa nasasabi sa 'kin ang tungkol sa inyo nila Devin at Toni." Panimula ko.

Napabuntong-hininga ito. "Nahihirapan ako, Bal. Masaya ako kapag kasama ko si Devin pero laging hinahanap ng mga mata ko si Toni. Dapat pala no'ng una, iniwasan ko na si Toni. Hays!" Napailing nalang ako sa ka-cornyhan niya.

"Paano ka nakakasiguro na mahal ka nga ni Toni at mahal mo si Devin?"

"Wala lang," Natatawa niyang sabi. "Alam mo naman na crush ko si Devin noon palang, mas nadagdagan ang feelings ko sa kanya nang makapasok tayo dito. Kay Toni naman, kahit masungit 'yon bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nand'yan siya."

"Sino ba ang mahal mo?" Bigla siyang natahimik. "Hindi pwede ang ganyan, Bal. Kaya hangga't maaga, kailangan mo na magmdesisyon. Mas lalo kang mahihirapan." Dagdag ko pa.

"Ikaw? Kung sakaling papipiliin ka, sino ang pipiliin mo? Si Jade o si Amanda?"

"Syempre si Aman—teka, bakit napunta sa 'kin ang tanong? Ang paksa natin dito ay ikaw."

"Sus, kunwari ka pa. Si Amanda naman talaga ang gusto mo, eh." Pang-aasar niya.

"Magtigil." Madiin kong turan.

𝐀𝐌𝐀𝐍𝐃𝐀 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon