Chapter 26

3.7K 166 8
                                    




Amanda

Nag-aalalang nabaling ang tingin ko kay Sherwin na nakahiga sa kama namin. Pagkatapos kasi niyang mawalan ng malay, kinabahan ako bigla. Akala ko may kung ano na ang mangyayari sa kanya. Nagising din naman ito ng magkaroon ng malay. At ngayon, nakauwi na kami sa dorm.

Natutulog pa hanggang ngayon si Sherwin. Pagod na pagod siya sa ginawa ng tatay ko. Naawa ako sa kanya dahil namamaga ang paa niya.

"Hoy, mamaya lang tunaw na si Sherwin." Turan ng katabi kong si Agatha. "Bakit kasi hindi mo pinigilan ang tatay mo?" Dagdag nito.

"Sabi naman niya kasi hindi niya masyadong pahihirapan si Sherwin pero ayan ang nangyari." Malungkot na sagot ko. Naikuwento ko na sa kanila ni Stacy ang nangyari kagabi.

"Hay naku, Inday. Kasalanan mo rin 'yan eh, kung pinansin mo 'yan no'ng nasa bahay niyo kayo edi sana hindi niya naiisip ang mga bagay na ikinaseselos niya. Nainis siguro 'yon sayo dahil kasama mo pa pala si Ranzel."

Napaismid ako. "Ayon na nga, eh! Pinagsabihan ako ni Dad na huwag daw muna akong lalapit sa kanya dahil kasama raw 'yon sa pagsubok. Nakokonsensya na nga ako sa ginawa ko."

"Mabuti nga sayo. Hindi niyo pa naituloy ang date niyo, sayang naman. Mukhang pinaghandaan pa naman niya 'yon. Alam mo namang mahal ka no'ng tao, eh."

Malungkot akong napatingin sa gawi ni Sherwin. Napansin ko na nagising ito, kaya dali-dali akong lumapit sa kanya.

Tumabi ako sa kanya at inalalayan siyang makaupo. "Ayos lang ba ang pakiramdam mo?"

Nakangiting tumango siya. Binigyan ko siya ng baso ng tubig. "S-Salamat."

"Lovey, I'm sorry."

"Okay lang 'yon." Hinaplos niya pa ang pisngi ko.

"Bakit ganyan ka? Alam mo namang napahamak ka na pero sasabihin mo na okay lang 'yon? Hindi okay 'yon. Dahil sa 'kin napahamak ka. Dapat pala hindi nalang kita dinala sa bahay kung alam ko lang na mangyayari sayo 'to." Nakayukong sabi ko.

"Okay nga lang. Kahit naman hindi mo ako dalhin sa bahay niyo, mangyayari't mangyayari ang pinagawa sa 'kin ng Daddy mo."

"Kahit na, dahil sa 'kin namamaga 'yang paa mo. Hindi pa natuloy ang date natin. I'm so sorry, Lovey."

Naramdaman kong inangat niya ang ulo ko kaya nagsalubong ang mata namin. "Ano ba ang sinabi ko? Okay nga lang ako, Izhang. 'Wag ka mag-alala, makakapaglakad pa ako. At doon sa date natin? Ayos lang 'yon, sa susunod nalang."

Umiling ako sa sinabi niya. "No, this time. Ako nalang ang mag-aayang magdate. Hayaan mo akong bumawi sayo, Lovey."

"Ikaw ang bahala, Izhang." Napangiti ako doon bago siya halikan sa labi. Naramdaman ko nalang na tumugon siya sa 'kin.

Pumatong ako sa kanya at inilagay sa batok niya ang dalawang kamay ko. Naririnig ko pa ang ungol niya na ikinagiti ko. She burried her face on my neck while giving me small kisses, I giggled at that.

Napahinto kami nang may lumipad na unan papunta sa amin.

"Mahiya naman kayong dalawa 'no! 'Wag kayo dito magkalat ng katigangan niyo!" Napailing si Lovey sa sinabi ng bestfriend niya. Grabe talaga itong si Von, hindi matikom ang bibig.

"Manahimik ka. Ingit ka lang, eh." Asar ni Lovey. Sinamaan siya ng tingin ni Von pero hindi niya ito pinansin.

Tumingin sa 'kin si Lovey, hinalikan na naman ako nito pero imbes sa leeg sa labi naman. Ano ang sumapi sa isang 'to at labi ko ang pinuntirya?

"Sherwin! Grabe ka talaga, nag-iiba talaga 'yang ugali mo kapag kasama mo si Amanda, 'no?" Sabat ni Chell habang nakasandal kay Tita Clara. Nagkabati na sila kahapon lang at inaya dito sa dorm namin.

𝐀𝐌𝐀𝐍𝐃𝐀 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon