29

119 19 7
                                    

"Woohoo! That's my Gabie! I'm so proud!"


Marami ang nagpalakpakan at naghiyawan pagkatapos ng sinabi ng dilag ngunit isang tinig ang pinaka-nangibabaw. Ito'y galing sa pinsang niyang si...


"Jasmine!!" Tapos na ang shoot kaya malayang nakatakbo si Illiana papunta sa pinsan.


Mahigpit na nagyakapan ang dalawa na parang ngayon nalang ulit nagkita. Kumawala lang nang sabihan ang dalagang magbihis upang makauwi na sila dahil alas Nueve na ng gabi. Pagkatapos magpaalam at magpasalamat sa mga tao'y tumuntong na sila sa parking-an kung nasaan ang sasakyan ng kanyang pinsan.


Sinimulan kaagad ni Jasmine ang sasakyan. Nagmamadali tuloy na inilagay ni Illiana ang kanyang seatbelt, wala pa ring tiwala sa kakayahan nitong magmaneho. Mabuti at dinahan dahan ng pinsan ang pagmamaneho, dahil hindi ito magdadalawang isip lumabas at pumara nalang ng taxi kung ang kabaligtaran ang ginawa.


"Please? We're just gonna make silip! It's been a long time since I last went clubbing!" Ngumuso si Jasmine na abala sa pagmamaneho.


"Long time? I thought you rented a bar for your post birthday celebration last week?" Kunot noong tanong ng dalaga.


"Kaya nga! Hindi pa ba long time yung last week?" Hinabaan niya ang nguso bago saglit na nilingon ang katabi. "Please, Lia? You've never been in a bar, 'di ba? Well... This is your chance!"


"Jas, I told my parents that we'll have sleepover, not a hangover!" Kontra nito bago humalakipkip.


"Hangover agad? Pwede namang huwag uminom! We can just dance and party!" Inilingan ni Illiana ang panibagong katwiran ng pinsan, hindi pa rin sang-ayon.


Takot ang dalagang suwayin ang mga magulang kaya hangga't kaya, ay tumutupad ito palagi sa usapan. Ang paalam niya'y matutulog sa tirahan ng pinsan kaya iyon dapat ang gawin. Iyon lang at wala ng iba dahil hindi naman kasali ang saglit na pagbisita sa bar sa pagpapaalam na ginawa niya.


May posibilidad din na kung tumuloy ay magustuhan niya ang mga nangyayari at mauwi sa pagtatagal sa lugar hanggang sa tuluyang maabutan ng umaga, (na siyang kinakatakutan niya) kaya habang maaga pa'y pinilit na niyang tumanggi. Biglang sumilay ang katahimikan. Hinayaan iyon ng dalagang nais makalanghap ng kapayapaan.


Sa pagod ay dahan dahang bumagsak ang mga talukap niya sa mata. Bahagya nitong inihiga ang upuan upang mas maging kumportable. At malapit nang maabot ang napakahimbing na tulog nang muling bumukas ang kanyang naglalakihang mga mata dahil sa pamilyar na kantang biglang tumugtog sa radyo ng sasakyan.


'Huwag kang matakot
'Di mo ba alam, nandito lang ako
Sa iyong tabi?
'Di kita pababayaan kailanman'


Nagmamadali siyang umahon sa inuupuan at nilingon ang pinsan nang may magkasalubong na mga kilay, umuusok na ilong, at bibig na halos bumuga ng apoy.


Natatawang itinaas ni Jasmine ang dalawang kamay nang mabilisan. "Blame the radio station! Not me!"


'Huwag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot, ah-ah-ah-ah'


Napapikit si Illiana dahil sa sunod sunod na sumagi sa isipan. At nang muling malasahan ang tamis ng nakaraan. Ilang beses na niyang inalog ang ulo ngunit kabuoan pa rin ng binata ang laman.


Disguise Inlove With YouWhere stories live. Discover now