10

234 18 10
                                    

"From now on, I will be your tutor!"




Sambit ni Illiana habang masayang nginingitian ang binatang kakagising lang. Kinukusot pa ang mga mata para mawari kung totoo talagang nasa harapan niya ang dalaga. Araw ng Lunes, walang pasok dahil may okasyon na gaganapin sa eskwelahan ang mga guro. Ginawa iyong dahilan ng dalaga upang mapuntahan at masabihan ang binata kung ano ang balak niya.




"W-what?!" Tanong nito. "And what the hell are you doing here?! You did not even knock! Trespassing tawag dito, alam mo?!" Bulyaw pa niya.




"I did kaya! Hindi mo lang na-hear!" Aniya. "Get up na! We have a lot of things to do!" Dagdag niya bago simulang hilain ang kumot na nakatakip sa tyan hanggang sa dulo ng paa ng binata.




"D-don't!" Agad napaupo ang binata sa hinihigaan sabay kapit sa kumot upang makasiguradong hindi talaga ito makukuha sakanya.




"Why? What's wrong?" Tanong ni Illianang patuloy pa ring hinihila ang kumot ni Uno. "Sayang yung time, oh! And we need to start as soon as possible!" Lalo niyang pinwersahan ang paghila.




"F-fine! Basta l-lumabas ka muna s-saglit!" Sagot nito habang tinuturo ang pintuang bahagyang nakabukas.




"And why? Why should I obey you?" Tanong ng dalagang nakataas ang isang kilay. "Malay ko bang you're just lying and sinasabi lang 'yan so that you can lock the door when I got out!"




Napahilamos sa mukha ang binatang iritado. "Who the fuck let this girl in?" Bulong niya sa hangin habang sinusubukang kumalma. "Trust me, admirer.. I am not the type to lie ab—-FUCK!!"




Napalitan ng malutong na mura ang kalmado niyang pagsasalita nang mabilisang hilain ni Illiana ang kumot na nakatakip sa ibabang katawan nito. Nabalot sila ng katahimikan nang bumungad sa harapan ng dalaga ang pang-ibabang suot na damit ng binatang namumutla ngayon. He's wearing b-b-b-b-boxers! Just b-boxers! And the d-design.. I c-can't!




"PFFT! HAHAHAHAHHAAH!" Pasigaw na tumawa ang dalaga. "Sisiw pa nga!" Paglalarawan niya sa imaheng naka-ukit sa suot na boxers ni Uno. Dilaw din pala ang kulay nito at saktong sakto ang larawan na sisiw sa naka-umbok.




"Can you please s-shut up?!" Parang uusok na ang ilong at tenga ng binata sa galit.




"The yellow chick print boxers fits just right to your tiny and cute sisiw!" Hirit pa nito bago muling humalakhak.




"Tiny?! E, kung ipakita ko 'to sa 'yo?!" Tanong ng binata bago tumayo sa kamang inuupuan.




"No thanks! It's not even a sight to see.." Natatawa niyang sagot bago sinimulan ang pagtakbo.




"Lagot ka sa 'kin kapag nahuli kita!" Sigaw ni Uno.




"Will a guy with a sisiw sized pet catch me?" Tanong niya habang patuloy sa pagtakbo. "I don't think so.." Tumigil muna ito saglit upang magbigay nang nakakaasar na mukha bago nagpatuloy.




Wait a minute! Why are you guys there na agad? You can't laktaw the scene that happened after Uno kissed my forehead! It's not my first kiss sa forehead because Kent always kisses me there but it felt like it was my first time! I mean it's my first time naman with Uno pero.. Ahh! Baka naman.. I'm just nanibago? And! That's just a friendly g-gesture! He just did that to thank me! A-and! I can't fall for h-him! It's impossible to get my feelings reciprocated if ever na mahulog talaga ako.




Disguise Inlove With YouWhere stories live. Discover now