23

185 14 12
                                    

Bahala na... Whatever happens, happens...


Sambit ng dalaga sa isipan habang magkahawak ang kamay nila ng binata at paalis sa ilalim ng entablado. Nanlaki ang mga mata niya nang makasalubong ang emcee paglabas na paglabas nila. Sinubukan niyang kumalas sa pagkakahawak ngunit lalo lang hinigpitan ng binata ang kapit.


"Oh..." Ang kaharap nilang nakasaksi ay mapakla ngayong ngumungiti. "Now I know kung bakit panay ang tingin mo sa ibaba ng stage kanina..."


Ngiti lang ang naging tugon ni Uno bago muling sinimulan ang paglalakad kasama si Illiana'ng walang ibang nagawa kundi mapapikit. I mean...


AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!


What have I done?! Why did I confessed?! What do I do now?! Kagat nito ang ibabang labi habang papunta sila sa kinaroroonan ng mga kabigan. Noong una'y para lang wala sa mga ito ang makitang magkasama ang binata't dalaga ngunit nang makita ang kamay na magkahawak ay sabay sabay na naglalagan ang mga panga nila.


"Yes... Kami na..." Sagot ng nakangiting si Uno, kitang kita sa mga mata ang pagkasabik.


Pilit sinuklian ng bawa't miyembro ang ngiti ni Uno bago inilipat ang tingin kay Illiana upang makausap gamit ang tingin. Naunang magtanong si Lay gamit ang pagkunot ng noo at panlalaki ng mga mata. 'Anong nangyayare?' Tanong niya sa tingin. Agad umiling ang dalagang kagat pa rin ang ibabang labi.


'Paano naging kayo?' Tanong naman ni Jeilo, gamit muli ang tingin na sila at ang dalaga lang ang nakakaintindi. 'Long story!' Sagot ng dalaga habang ginagalaw nang bahagya ang ulo't mga mata.


"W-wow!" Kumento ni Lukash upang basagin ang lumalaking katahimikan bago sunod na tinignan si Illiana. 'Akala ko ba wala kang balak na umamin?'


'That's what I also thought...' Sagot ng mga mata ng dilag bago ngumuso.


'Paano na niyan?' Tanong ni John.


Tanging kibit balikat lang ang naisagot ng dalagang problemado, na nagdala sa pagpapasya ng tropa na magkaroon muli ng pagkikita kinabukasan. Sa tahanan na naman ito ni Illiana at sa gilid ng kanilang pool ginaganap.


"E, kung sabihin mo nalang yung totoo sa kanya? Para wala nang problema?" Suhestyon ni Edward na katatapos lang buksan ang kinuhang chichirya.


"Gago! Sa tingin mo ba ganun lang kadaling sabihin yung totoo?! At paano mo nasabing mawawala yung problema kapag ginawa niya iyon?!" Sermon agad ni Jeilo.


"Atleast nakapagsuggest na! Ikaw? Ano nang nai-ambag mo? May nasabi ka na bang plano?" Laban niya sabay taas ng isang kilay.


"Nakapagsabi ka nga ng plano, lalo mo namang ginawang kumplekado!" Hindi nagpatalo si Jeilo at sinabayan din ang pagtaas ng isang kilay ng kaibigan. "Atsaka sariwa pa rin kay Uno yung nangyare! Hindi niya pwedeng m-malaman..." Naghari ang katahimikan dahil sa mga huling katagang binanggit nito.


Dahan dahang tumango si Edward bago inabot ang kinakain kay Jeilo. "Gusto mo?"


Mukhang balak nang makipag-ayos. Napansin iyon ng iba nilang kaibigan na unti unting sumisilay ang mga ngiti sa labi dahil sa nakikitang milagro.


Disguise Inlove With YouWhere stories live. Discover now