05

243 19 15
                                    

"Oh to be held by two handsome men.."




Saad ng gurong kakabalik lang."How does it feel, dear? How can I be you?" Tanong pa ng gurong kumikintab ang mga mata. Pilit ngumiti si Illiana bago nilingon ang dalawang binatang hawak pa rin ang magkabilang kamay niya. Unti unti na ding napupuno ng bulungan ang lugar dahil dito.




"U-uhm.. It's o-okay, U-uno! I'll just g-go with J-jeilo!" Nakangiting saad ni Illiana kahit grabe ang utal. Tumigil lang ang mabilis na tibok ng puso nito nang bitawan ni Uno ang kamay niya at padabog na bumalik sa mga kagrupo.




Hindi na nagsayang ng oras ang dalawa atsaka na dumiretso sa likod ng eskwelahan. May mga tao sa banyo kaya sa liblib at tago nalang sila pumunta. May salamin naman ito at lababo kahit walang bubong at bukas ang mga cubicle. Hinugasan muna ni Illiana ang mukha bago sinimulang lagyan ng makeup ang sarili. Tahimik niyang ginawa iyon dahil wala ni isa sakanila ang kumibo.




"How did you k-know?" Tanong ng dalaga nang matapos sa ginagawa.




"I'm Jeilo Del fabro.." Aniya. "Del fabro.." Paglilinaw pa nito.




Nanatili itong kunot noo hanggang sa may mapagtanto na naging dahilan ng pagkalaglag ng panga niya. "W-wait!" Sigaw niya. "Anak ka n-nila tita Ara and tito Gil del fabro?!"




"Yes.."




"So we're third cousins?!" Tanong pa niya. Pangalawang pinsan kase ng ama niyang si Apollo ang ina ni Jeilo na si Ara.




"Yep.. but Uno might get the wrong idea.." Halata ang kaba sa mukha ng binata ngunit pilit niya itong itinago.




"Everyone, you mean" Tugon ng dalaga sabay ngiti. "Pero since when mo nalaman?" Mukhang wala itong balak tumigil sa kakatanong.




"Your parents asked me to look after at you" Sagot niya, habang nagbibigay ng inosenteng mukha.




"Woah!" Napatakip ito sa bibig nang may maalala.




"Yes.. I was the one who told your parents that you got sick that time.. Kaya sila bumisita sa condo mo" Paliwanag ng binata. I knew it! That's why it felt weird when dad said that he just know!




Nakangiting pinagmasdan ng dalaga ang ikatlong pinsan. So he's going to look after me? Lalo pang lumawak ang ngiti niya nang mapagtantong hindi na niya kailangang umiwas sa Midknight dahil andyan naman si Jeilo at sigurado naman siyang hindi niya ito hahayaang masaktan o maloko. At isa pa, narinig niya lang naman iyon sa kung sino.. Hindi naman mismong grupo ang nagsabi kaya oras na talaga upang kalimutan iyon at muling lumapit sa Midknight. Tumabi na din ito ulit kay Lay at hinayaang daldalan siya kahit nakaka-istorbo.




Nang dumating ang uwian, masayang sumabay si Illiana sakanila. Naglalakad na sila palabas ng eskwelahan nang makaisip ng magandang ideya ang dalaga. Dali dali itong dumiretso sa pinakaharapan at humarang para mapatigil sa paglalakad ang mga binatang gustong kausapin.




"Let's go and eat somewhere nice! My treat" Nakangiti niyang sambit. Nawala lang ang ngiti nito nang walang ni isa ang kumibo. "A-ayaw niyo ba?" Tanong nito. Did I say something wrong?




"Di ba sabi mo na-bankrupt company niyo?" Tanong ni Emelson. Agad tumango si Illiana.




"Tapos ililibre mo pa kami?" Tanong naman ni John.




Disguise Inlove With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon